Chapter 6

1916 Words
LIANE Many days had passed at naging busy kami nila Ma'am Sol sa pag aasikaso sa Restaurant dahil na din sa bagong Marketing Strategy at dahil na din Christmas Season medyo malakas ang Restaurant ngayon. Hindi rin namin napansin ung mystery tauhan ni Sir Miggy na sinabi ni Ms. Nicole nung nakaraan. Hindi namin alam kung napuntahan na ba kami o hindi pa. At kung tatanungin nyo ako kung may message na ba si Sir Daniel, eh! Wala pa naman. Hindi naman ako nag iintay o nag mamadali, wala din naman sa'kin malis'ya 'yon dahil pathank you lang iyon dahil nga tinulungan ko s'ya. "May memo!" excited na turan ni Ma'am Sol sa amin. Nung nakaraan pa kasi namin inaabangan ang memo dahil nga nandoon nakasaad ang mga schedules namin. Pinakita ni ma'am sa amin iyon at tuwang tuwa naman kami! Monticlaro Enterprise Business Schedule; December 24 - Open only until 6pm December 25 - Closed December 28 - Closed (only applicable for resorts and hotel business) December 29 - Closed (All Company Businesses)/ Company Year End Party December 31 - Open only until 6pm January 1 - Closed Normal Operation resume on January 2. Please remind all your subordinates, the attire for our Company Year End Party is Smart Casual. "Grabe! Ang bongga ng memo! Ang daming pahinga at party party!" excited din na usal ni Odette dahil totoo naman. Ibig sabihin makakapaghanda pa kami nila Denver sa Christmas Eve dahil until 6pm lang kami! Tama! Sa day off ko mag g-grocery na kami ni Denver! "Sa 24, bali lahat tayo opening para maaga tayo makauwi no'n," saad ni Ma'am Sol kaya tumango kami ni Odette. Excited kaming lahat lalo na nung narinig ng mga staff namin ung balita. Kahit naman kasi sinong worker mas gugustuhin na walang pasok ng 25 kahit pa double pay ang araw na 'yon. Kaya din siguro pinili ng ME na walang pasok dahil kahit naman hindi kami pumasok bayad pa din kami dahil holiday 'yon. Excited din kami para sa Year End Party, hindi naman na bago sa'min dahil may ganoong party talaga ang ME pero dati kasi ang kasa-kasama lang namin ay puro MiKlé staff at hindi katulad nito ngayon na lahat kasama. Lumipas ang araw at December 24, kaya naman eto kami at naglilinis na paunti unti para pag sapit ng alas sais, ung mga ginamit na lang ang liligpitin namin. Nagtulong tulong na din kami nila Ma'am Sol na mag check ng mga gamit, holding time at stocks para sa 26. "Merry Christmas Ma'am Denise, Ma'am Odette and Madam Sol!" sabay sabay na bati nung mga staff namin na kasama pa namin dito sa paglilinis. Nasa office kasi kami, nung nilingon namin sila, may hawak silang drawing portrait namin. Para s'yang chibi tas may nakalagay na name namin sa taas tapos sa loob ng frame may fairy lights. "Hoy! Mga bakla kayo! Ang ganda naman nito!" bulaslas ni Odette na kunwaring umiiyak habang lumalapit do'n sa mga staff namin. "Gagi! Ang ganda ko dito!" masayang turan n'ya ulit at parang hindi s'ya makapaniwala na ang ganda n'ya doon sa portrait. "Pinaganda ka talaga namin d'yan, Ma'am Odette para kahit paano gumanda ka," saad nung isang waiter na nasa likod kaya nagtawanan kami nang sabay sabay! Syempre nagreklamo naman si Odette doon at kung ano ano ang sinabi pero biro lang naman ang mga iyon. Nagpasalamat kami pareho ni Ma'am Sol sa kanila dahil sa regalo nila. Maganda ung pagkakadrawing at talaga naman ang cute cute ko dito. Nagsara na kami pagkatapos naming macheck lahat ng dapat icheck. Mabuti na lang din at hindi traffic gaano sa ruta ng jeep na papunta sa bahay kaya hindi ako natagalan. Katulad nang inaasahan ko, naprepare na ni Denver ung mga sinabi kong iprepare n'ya. Nagpalit lang ako bago lumabas ulit at magluto ng pagkain namin. Natapos ang gabi na 'yon na kami kami lang at mga kapit bahay na kaibigan ni papa ang kasama namin. Minsan naiisip ko paano kaya kung nandito si mama, mas masaya siguro. Bago ako matulog, isang mensahe ang natanggap ko galing sa isang unknown number. 'Merry Christmas.' Ayan ung message kaya nag taka naman ako pero hindi ko na pinansin baka may nakawrong send lang. Inilapag ko ung phone ko at natulog. Kinabukasan, maaga akong nagising dahil isa sa pinakagusto ko pag pasko ay ung mga batang namamasko tapos mamimigay ako ng mga balot balot na candy na binalot namin ni Denver at Papa. Pag nauubos ung candy, nag bibigay na lang ako ng 10 pesos kada bata. Simula nung nagtrabaho ako ng MiKlé ginagawa ko na 'to. Naghilamos muna ako bago ako lumabas ng bahay at ihanda ang mga 'yon. Napangiti ako nang makarinig na ko ng salitang 'namamasko po' agad akong nagbigay sa kanila ng balot na candy at bati sa kanila. Gabi na at nanunuod kami ni Denver ng movie nang bigla akong nabaheng at katihan ng ilong. Tinignan naman ako ni Demver na parang nagtataka. "Sabi nila pag bigla ka daw nabaheng at kinatihan ng ilong nang walang dahilan, may nag iisip daw sayo o pinag uusapan ka," usal nito sa akin kaya napakunot ung noo ko! "Saan mo na naman napulot 'yang sinasabi mo?!" iritableng tanong ko habang kinakamot ung ilong ko. "D'yan kila, mang Obet at aling Betchay, totoo daw 'yon," saad n'ya sabay kain ng graham na ginawa n'ya nung 24 pa. "Hindi ako naniniwala doon kung kagat pasa dila ba-awww!" kontra ko sa kan'ya pero bigla ko ding nakagat ung dila ko kaya napadaing ako. Humarap naman sa'kin si Denver habang nakaturo ung daliri at parang gulat na gulat! "Ayan! Kakasabi mo lang na maniniwala ka kung makakagat mo dila mo! Ayan na! May nag iisip nga sa'yo, Ate! Bukod doon, pinag uusapan ka din nila!" buong galak na saad n'ya may papalakpak pa! "Ewan ko sa'yo!" ayon lang yung nasabi ko sabay kuha sa kan'ya nung graham at sumubo din. Kung sino man nag iisip sa'kin sana mawalan s'ya ng love life! Parang ako walang love life! Natapos ang Christmas Break, Company Year End Party at New Year's Break at balik kaming trabaho na normal operation na ulit. Tuwang tuwa kami nung Year End Party dahil pasok kami sa top 3 na may pinaka magandang designs at may pinakapasok na music sa Restaurant Edition. Kaya naman todo pasalamat kami kay Ms. Nicole dahil s'ya ang magbigay samin ng music na ginagamit namin nung panahon na 'yon. Pormal ding ipinakilala si Ms. Nicole bilang asawa ni Sir Miggy, though some of us know about it lalo na ang main company, may ilan pa din nagulat pero masaya sila lalo na alam nilang mabait si Ms. Nicole. Doon ko nga lang din nalaman na isa talaga si Ms. Nicole sa mga top employee ng ME dahil nag bigay ng award doon. Kahit naman ang aming resto nabigyan ng award dahil sa bilis ng progress namin at ganda ng mga sales namin. Nagkaroon pa nga nga tawanan no'n dahil ang nakalagay pa sa certificate na ibinigay kay Ms. Nicole ay Ferrer na ikinareklamo ni Sir Miggy pero biro lang naman daw 'yon at nalaman din namin na buntis na pala s'ya. Kaya pala nung nasa resto kain s'ya ng kain. Hindi naman din kasi halata sa kan'ya. Ang ganda pa din ng katawan. "Alis na ko! Babush mga beklash!" paalam sa amin ni Odette dahil s'ya ang opening manager ngayong araw. "Bye, Odette! Ingat ka!" paalam ko do'n kaya tumango lang s'ya at kumaway 'ska nagtuloy tuloy na lumabas. Maya maya ako naman ang magpapaalam dahil mid naman ako ngayon. At sumapit na nga ang oras ng aking pag uwi kaya naman nagligpit na ko at ginawa ang routine ko. "Ma'am Sol! Uwi na ko, ingat kayo pauwi ah! Bukas na lang," paalam ko dito na ikinatango n'ya at kumaway pa. Pag uwi ko ng bahay, malinis at may luto ng pagkain. Nag bihis lang ako ng damit bago ako kumain. Hindi ko pa nakikita ung kapatid ko. Si papa pa lang ang nakikita ko kaya asan kaya yung lalaking 'yon. "Pa! Si Denver po?" tanong ko kay papa. "Lumabas, may kasama 'yon kaninang banae eh," sagot ni papa sa'kin kaya nagulat naman ako at on que na mag tatanong pa lang ako kung sinong babae, pumasok si Denver. "Saan ka galing? At sino ung kasama mong babae?" tanong ko na ikinagulat n'ya. "Partner ko 'yon sa research paper namin," pagdadahilan n'ya. Tango tango naman ako at ngumiti ng nakakaloko sa kan'ya. "Okay, kaya pala malinis ang bahay at may luto ng ulam ah! Pakidalasan kamo ang research paper para lagi kang masipag," makahulugan kong saad na ikinatawa ni Papa "Grabe 'to si Ate! Partner ko nga lang sa research 'yon..." maktol n'ya pero tinawanan lang namin s'ya ni Papa. "Baka maunahan mo pa si Ate Ning mo magkaroon ng relas'yon," turan ni Papa. "Aba! Okay lang sa akin basta graduate na siya," usal ko naman kay Denver na pulang pula na sa inis. "Ano ba pangalan ng partner mo sa research?" tanong ko para naman lumamig ng unti ang ulo. "Cheska," sagot n'ya habang nakaiwas ng tingin. "Ah! Maganda ba si Cheska, I mean maganda ba s'yang kaPARTNER sa research?" tanong ko at sinad'ya kong naka emphasize ung partner na word. Halos umusok naman ang ilong ni Denver nang marealize n'ya ung sinabi ko. "Ate nga! Parang ewan eh!" maktol n'ya tapos naglakad papunta kwarto habang kami ni Papa, tawa lang nang tawa sa kan'ya. Natapos ang pagtawa namin ni Papa nang magpaalam s'yang magpapahinga na, ako naman niligpit ko lang ung mga pinagkainan ko at hinugasan. Bago ako pumasok ng kwarto. Chineck ko lang ung gate namin at ung pinto kung nakasara. Pabalik na ko sa loob habang hawak ko ung phone ko at mags-scroll lang nang may mareceive akong message sa isang unknown number na naman. 'Hi Liane, it's me Daniel. Hopefully you have a wonderful new year. Anyway, I would like to invite you for a dinner on Saturday. Message me if you are free that day. Thank you! Happy New Year!' Napaisip ako kung sinong Daniel 'to pero naputol 'yon nung may message ulit galing sa kan'ya. 'by the way! I'm Daniel, the guy you fixed the alternator belt' Nakasaad doon kaya naalala ko s'ya at naalala ko na may padinner nga pala s'yang sinabi no'n. Sakto naman na morning shift ako sa saturday kaya pwede ako. Wala namang masama kung tatanggapin ko. 'Hi Sir Daniel, may pasok po ako nung araw na 'yon but morning shift po, 5pm po ang end ng duty ko kaya pwede naman po ako no'n, message me na lang po kung saan. Thank you! Happy New Year din po.' Reply ko at nagpatuloy na ko sa pagpasok ng kwarto namin. Nahiga na at ginawang komportable ang sarili bago ko kinuha ulit ung phone ko dahil tumunog. 'that would be great! I gonna pick you up na lang sa MiKlé para less hassle to you. Thank you again, Liane. See you on Saturday! Good night.' Nakakahiya pero tama naman s'ya, hassle nga naman sa akin kaya okay! 'Nakakahiya man po pero sige po. Thank you din Sir Daniel and good night.' Reply ko at natulog na dahil inaantok na din ako. Hindi ko na alam kung nagreply pa si Sir Daniel pero isa lang ang narealize ko habang papikit na ko, ung bumati sa akin nung pasko at si Sir Daniel ay iisa.. pareho kasi ng number... ---------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD