Chapter 7

2666 Words
LIANE Mabilis na lumipas ang araw. Bukas na ung nasabing thank you dinner namin ni Sir Daniel. Sa 'di ko nga malaman na dahilan, may kung ano sa akin na kinakabahan ako para sa lakad ko bukas, kasi hindi ko din alam kung saan kami pupunta. Basta ang sabi n'ya susunduin n'ya ko. Nakakahiya namang tanungin, ako na nga lang ang niyaya tapos magtatanong pa ko, choosy pa! Since katulad ng sched ko bukas ang sched ko ngayon, nakauwi ako nang maaga at nakita ko si Denver na may kasamang babae! At hindi lang 'yon! Malinis ang bahay! Though doon sa part nila medyo makalat dahil sa mga gamit nila, sa ibang parte naman ang malinis. "Hi!" bati ko sa kanilang dalawa. Umangat naman ang ulo nila pareho, kung ung babae ay may ngiti sa labi, si Denver naman parang natuod. "Hello po, pasensya na po sa kalat. Lilinisin na lang po namin ni Nilan" puno ng galang na saad nung girl. Gusto ko namang tumawa dahil sa pagbanggit n'ya ng 2nd name ni Denver. Tumingin naman ako kay Denver na masama ang tingin sa akin, ngumisi lang ako para asarin s'ya. "Naku! Okay lang, si NILAN na ang maglilinis n'yan mamaya, 'di ba?" tanong ko sa kapatid kong tumango lang nung nakita n'yang nakatingin sa kan'ya si girl. Iniwan ko na sila doong dalawa dahil halos kitilin na ni NILAN ung buhay ko. Nagpalit lang ako ng damit at lumabas ulit para nakapag luto. Nagsasaing ako nang pumasok si Denver sa kusina. "Ate? Ano pong lulutuin mo? Okay lang bang dito na kumain si Cheska? Patapos naman na kami," saad nito kaya nilingon ko s'ya at ngumisi. "Okay lang naman na dito kumain si Cheska, Nilan!" pang aasar ko sa kapatid ko. "Ate, parang sira!" maktol n'ya na may kasamant pag nguso. "Cute mo! Sapakin kita e! Sige na! Doon na!" usal ko sa kan'ya kaya naman nagpunta s'ya doon pero biglang umayos tapos narinig kong sinabi n'ya kay Cheska na dito na kumain. Nagluto na lang ako pagkain namin para naman makakain ung mga nag aaral. Binibiro ko lang naman si Denver dahil alam ko naman na nag aaral talaga 'yan. Proud ako d'yan kasi kahit wala na si Mama, nag aaral s'ya nang maayos at hindi nag bubulakbol dahil subukan n'ya lang baka makotong de gulat ko s'ya. Natapos akong magluto, 'ska ko lang naalala si Papa! "Ver, nasaan pala si Papa?" tanong ko nang lumabas ako galing kusina. Nakita ko silang dalawa nung Cheska na nag liligpit na ng mga gamit. "Nakila mang Obet, doon daw po muna s'ya kasi may ginagawa daw kami dito," tugon n'ya kaya napatango ako. "Ah, okay. Nakaayos na yung hapag, maupo na kayo doon. Tawagin ko lang si Papa," turan ko 'ska bumaling kay Cheska. "Ahm! Cheska 'di ba? Wag ka mahiya ah. Feel at home," saad ko habang nakangiti. "Salamat po, Ate." Tumatango tango n'yang tugon. Ngumiti lang ako at lumabas na para tawagin si Papa. After kong matawag si Papa, umuwi din kami agad para sabayan ung dalawa na kumain. Habang kumakain kami, nagku-kwentuhan din kami, bahagya ko ding tinatanong si Cheska para naman hindi s'ya mailang. Mabait na bata at maganda din, matalino pa. Natapos kami at tinulungan ako nung dalawang bata na mag linis ng hapag habang si Papa naman, nagbukas ng TV sa sala dahil tapos naman na ung dalawa. "Ate, hatid ko lang si Cheska sa sakayan," paalam ni Denver sa akin. "Dapat!" saad ko dito na nanlalaki ang mata, natawa lang si Cheska dahil do'n kaya napangiti ako sa kan'ya. "Ingat ka, Cheska ah!" paalam ko. "Opo, bye po! Salamat po ulit, Ate Denise" paalam n'ya, ngumiti na lang ako bago sila tuluyang nagpaalam. Naglinis ako ng katawan pagkatapos kong maghugas ng mga pinagkainan namin. Kinuha ko ung phone ko to set my alarm na sakto namang nagmessage si Sir Daniel at nagreremind about sa dinner namin bukas. Kinakabahan talaga ako, hindi naman nakakatakot ung dinner na 'yon pero kasi first time kong lalabas na iba ang kasama. ----------------- Para akong zombie na naglalakad papuntang MiKlé dahil sa wala akong tulog gaano. Hindi ako makatulog, parang hinahalukay ung t'yan ko sa kaba. Putik kasi! Dinner lang 'yon, Denise! Walang iba do'n! Hindi ka naman siguro kakainin ni Sir Daniel?! "Ma'am!" Agad akong napalingon sa likod ko nang marinig kong may tumawag sa akin. Nakita ko ung mga staff namin na nakatingin sa akin. Napatingin naman ako sa gilid ko at doon ko napagtanto na lalagpas na pala ako! Dali dali ko silang binalikan habang natatawa naman sila sa akin. "Sana okay ka lang, Ma'am Denise!" biro nung isa kaya nagtawanan sila. "Sorry! I'm a bit occupied. Tara na!" saad ko habang inaabot ung susi sa kanila. Nagkaroon naman ng kantyawan at asaran pero nang makapasok na kami, nag kan'ya kan'ya na din sila na gawin ung trabaho nila. Katulad nila, gano'n din ang ginawa ko. I did my daily routine in my work place. Habang papalapit nang papalapit ung oras ng dinner na sinasabi ni Sir Daniel, mas lalo akong kinakabahan at napapansin 'yon ni Odette. "Anong nangyayari sa'yo?! Kanina ka pa hindi napapakali," tanong n'ya sa akin. Nagsimula na naman kasi akong mag lakad, huminga nang malalim at tignan kung nandito ba ung extrang damit na kailangan ko para mamaya. Syempre nagdala ako, kahit naman friendly or thank you gift lang dapat presentable pa din lalo na ang gwapo kaya ng kasama ko mamaya! "Ah! Wala naman. May tinignan lang," saad ko at bumalik na sa ginagawa ko. 4:30pm, tumayo ako para mag check ng mga supplies, mga holding time at iba pa. Nagcheck din ako kung may mga naiwan bang gagamitin ung mga closing. Though hindi ko talaga ginagawa 'yon pero patay oras lang at kahit papaano pantanggal kaba. 5pm, when my phone chime, kinuha ko 'yon at napakagat labi ako dahil nanlalamig na yung kamay ko! Ano bang problema ko?! Nagtext kasi si Sir Daniel, nasa parking na daw s'ya kaya dali dali akong nagpunta ng staff room at nagbihis. I wear a casual plain gray dress na lagpass ng unti sa tuhod ko, kinuha ko ung doll shoes ko at sinuot 'yon. Nag-de-dress naman ako lalo na pag nag-si-simba kami ni Denver kaya kaya ko naman 'to. Ibraided my hair na sobrang simple tapos may nakaladlad na unti sa likod ko, nagpulbo at lagay ng lipstick. Presentable dapat! Bago ako lumabas, huminga muna ako nang malalim 'ska naglakad palabas ng staff room. Halos lahat naman ng staff napatingin sa akin dahil huli nila akong nakitang nakadress ay nung company party namin. "May date?!" bungad ni Odette sa akin na napatayo pa talaga s'ya. "Hindi naman," saad ko at mabilis na nagpaalam sa kanila. Ayokong usisain nila ako at 'ska bukod doon! Nasa labas na si Sir Daniel! Mabilis akong naglakad palabas, pag bukas ko ng glass door ng restaurant, hinanap agad ng mata ko si Sir Daniel. Hindi naman ako nahirapan na mahanap s'ya, ayun nga lang mas lalo akong kinabahan dahil nakita ko ung mag asawa kong boss na kinakausap s'ya. Saktong nagtama ung mata namin ni Ms. Nicole kaya siniko n'ya si Sir Daniel na tumingin na din sa gawi ko. Nahihiya naman akong ngumiti habang nag lalakad nang ngitian n'ya ako. "Good Evening po," nahihiyang bati ko sa kanilang tatlo nang makalapit ako. "Hi! Told you! Mag kikita pa tayo ulit. Ang ganda mo!" masiglang saad ni Ms. Nicole, ngumiti lang naman ako at yumuko ng bahagya. "Hala! Wag kang yuyuko! May nagsabi sa akin ang mga magaganda daw dapat hindi yumuyuko, 'di ba, love?" biglang saad ni Ms. Nicole kaya napa angat ako ng ulo. Hindi sa sinasabi kong maganda ako pero kasi sabi n'ya wag daw akong yuyuko kaya umangat ung ulo ko. Nakita ko naman na tumango tango si Sir Miggy dahil sa sinabi ni Ms. Nicole. "Bakit naman kasi kayo yuyuko kung maganda naman kayo, ung mga make up nga lang ang nagpapaganda, taas noo tapos ung mga tunay na magaganda, yuyuko! Unfair!" segunda ni Sir Daniel kaya nabaling ung tingin namin sa kan'ya. "Alam ko! Pinag lalaban mo?" saad ni Ms. Nicole kaya natawa ako ng unti kasi kung anong kina sweet ng boses n'ya kanina nung kausap n'ya ako, s'yang kina angas ng boses n'ya kay Sir Daniel. "Init ng ulo! Do'n na nga kayo! Alis na kami," pairap na tugon ni Sir Daniel sa kan'ya kaya pareho na kaming natawa ni Sir Miggy. Parang sobrang close talaga nila! Iba ung tingin ni Sir Daniel kay Ms. Nicole parang mas higit sa kapatid.. "Ingat kayo! Enjoy!" paalam n'ya sa amin tapos tumingin sa akin. "Pag may ginawang kakaiba 'to, sabihan mo ko ah! Reresbakan natin! Bye! Enjoy!" dagdag n'ya pa sabay kumindat at naunang mag lakad kay Sir Miggy na umiiling lang sa kan'ya. Ang ganda n'ya! Nakakainis! Nakakacrush! "Mas tumapang nung nagbuntis," mahinang bulong nito bago kami hinarap. "Ingat kayo, dude! Ung manager ko ah! Ingatan mo!" paalam ni Sir Miggy habang nakangiti. "Yeah! She's safe with me. Takot ko lang sa asawa mong buntis pero paniguradong mananapak," saad ni Sir Daniel kaya natawa si Sir Miggy 'ska nag pahuling paalam at sinundan si Ms. Nicole na nasa loob na. Cute talaga nilang mag asawa napaka lowkey kasi ni Ms. Nicole! Atska kahit buntis s'ya ang sexy n'ya! Napalingon naman ako agad kay Sir Daniel nang tumikim s'ya. Ay oo nga pala! Dinner! "Ahm! Let's go?" parang nahihiya n'yang tanong sa akin, ako din naman nahihiya at kinakabahan. "Sige po," tugon ko at bahagyang ngumiti sa kan'ya. Pareho kaming hindi kumilos sa kinakatayuan namin kaya sabay kaming natawa. Inaantay ko kasi s'ya kasi naman sa kan'yang kotse 'yon kaya nakakahiya naman kung mauuna pa akong mag lakad. Nakita ko s'yang napakamot sa kilay n'ya pero nakangiti. "Ahm, tara!" yaya n'ya ulit ngayon sinenyasan na n'ya akong mauna kaya sinunod ko naman. Agad n'ya akong pinagbuksan ng pinto sa front seat, inalalayang pumasok at tinakpan pa ung ulo ko para hindi mauntog. Marahan n'yang sinara ang pinto at umikot papuntang driver seat, pumasok s'ya doon at sinulyapan ako na hindi gaano kumikilos. "Ahm, seatbelt mo and relax ka lang, wala akong gagawin sa'yo, promise!" saad nito kaya nahiya naman ako. "Sorry po. Hindi lang ako sanay," saad ko habang kinakabit ung seatbelt ko. Ngumiti muna s'ya sabay binuhay ang makina. "It's okay. Ako din," saad n'ya, napatango tango lang ako. Nasa byahe kami nang buksan ni Sir Daniel ung stereo ng kotse n'ya. "Ang tahimik kasi, hindi ako sanay. Sana okay lang sa'yo," saad nito nang mahalata n'ya ata na tumingin ako sa kan'ya. "Ay hindi po, okay lang. Tahimik naman po talaga," tugon ko at pinakinggan na lang yung natugtog hanggang sa may napagtanto ako dahil pamilyar sa akin ung boses nung babaeng nakanta doon. "Si Ms. Nicole po ung nakanta?" wala sa sarili kong tanong. Sinulyapan n'ya ako saglit 'ska ngumiting ibinalik ung tingin sa daan. "Yes," nakangiting tugon nito. "Ang ganda po ng boses n'ya, kaya po pala kahit nagsasalita para po s'yang kumakanta," turan ko kaya natawa s'ya at parang huminto naman ung paligid! Ang gwapo ng tawa n'ya! Pwede pala 'yon?! "Oo, kahit nagbabanta 'yon na mananakit, hindi mo alam kung matatakot ka o papakinggan lang s'ya kasi para s'yang nakanta," masiglang kwento nito. Ipinilig ko ung ulo ko para makasagot dahil para akong lumutang nung tumawa s'ya. At 'ska the way n'ya ikwento si Ms. Nicole, parang ang sigla sigla n'ya. "Pinagpala po s'ya. Ang swerte po ni Sir Miggy," saad ko at nakita ko naman na bahagyang nawala ung ngiti n'ya pero binalik din n'ya ulit. "Yes! Sobrang swerte ng boss mo," saad nito Hindi ko alam kung bakit pero parang dapat hindi ko sinabi 'yong bagay na 'yon. May lungkot kasi sa boses n'ya kahit nakangiti s'ya. Hindi na kami ulit nag salita at pinakinggan na lang ung kanta na tumutugtog sa stereo n'ya. 'di naman nagtagal nakarating kami sa Restaurant na kakainan ata namin at mabuti na lang talaga, nagpalit ako ng damit! Kung hindi baka nagmukha akong isang staff dito! Jusmiyo! Niyaya na n'ya ako palabas kaya naman, lumabas na ko at hindi na s'ya inantay pang pagbuksan ako. Mukha namang nagulat s'ya dahil nasa labas na ko pero ngumiti na lang ulit. "Let's go," saad n'ya at inaantay akong makasabay sa kan'ya. Pagpasok namin sa loob ng restaurant agad kaming sinalubong ng mga staff. "Reservation for Daniel Villanueva," saad n'ya dito kaya napakurap kurap pa ko. Ang ganda ng pangalan n'ya at pagkakaformal ng boses n'ya. lakas makagwapo! "This way, Sir" turan ng waitress na nag a-assist sa amin. Sumunod naman kami pero dahil maliit ang mga biyas ko, inaantay ako ni Sir Daniel para makasabay sa kanya. "Here's the menu, Sir/Ma'am. Enjoy," saad nung waitress at umalis na sa tabi namin. Tinignan ko ung menu na inabot sa akin at medyo nalula ako! Hindi naman sa hindi ako sanay, dahil sa MiKlé gan'to din ang presyuhan pero the fact na ako ang kakain, nalula ako. "Just order what you want, Liane. This dinner is my treat. Wag kang mahiya ha," biglang usal ni Sir Daniel, nakangiti s'ya sa akin at malumanay din ang pagkakasabi n'ya. Hindi ko napansin na nakatingin pala s'ya sa akin! Siguro nahalata n'ya sa mukha ko na para akong nalula. "Sige po, Sir" saad ko at tumingin ulit. "Just call me Daniel, hindi mo naman ako boss para tawaging Sir, drop na din ang po, mas naiisip kong matanda na talaga ako," bahagya s'yang natawa 'ska ibinalik sa menu ang tingin. 'di na ko sumagot at tumingin na lang ulit sa menu. "Are you done, Liane?" mahinahong tanong sa akin ni Si- Daniel. Bakit ang ganda ng pangalan ko? "Yes po, I mean yes," tugon ko kaya tumango tango s'ya at nag taas ng kamay para sa waitress. Pagdating ng order, nahahalata ni Daniel na nahihiya ako kaya s'ya na ang naunang mag sabi, pagkatapos n'ya sa akin naman na bumaling ung waitress kaya sinabi ko lang ung order ko. Sanay naman ako pero sa sobrang conscious ko paligid, nagkanda utal ako. "How old are you na, Liane?" tanong sa akin ni Daniel nang makaalis na ung waitress. "25, kayo po?" tugon ko sabay balik ng tanong sa kan'ya. "29. Ilang years ka na sa MiKlé?" tanong n'ya ulit. Feeling ko nag hahanap na lang kami ng mapag uusapan kaya kahit ano na lang ang tanong namin. "2 years na din, malapit na din mag 3 this year," "Hm.. paano ka natutong mag ayos ng kotse?" tanong ulit nito sa akin. "Ahm! May talyer ung papa ko tapos minsan akong tumutulong doon, kaya tinuturuan n'ya ako," tugon ko lang. "Wow! Ung belt na pinalit mo sa kotse ko, ayon pa din ung nakakabit ngayon," pag imporma n'ya. "Hindi n'yo po pinalitan?" tanong ko dahil baka may iba pang sira ung kotse n'ya. "No, kasi nung dinala ko sa mekaniko ko, all smooth naman na daw. So ung alternator belt nga yung sira," paliwanag n'ya kaya tumango na lang ako. Madami pa kaming napag kwenatuhan na medyo personal bago dumating ung aming pagkain. Kahit papaano, naging komportable din ako kay Daniel. After namin kumain, nagpahinga lang kami bago sabay kaming nagkayayaan. He insisted na ihatid ako dahil malayo nga naman 'to sa lugar ko kaya pumayag na ko. "Thank you for accepting my invitation, Liane" turan n'ya nang makarating kami sa bahay. "Salamat din po. Ingat po kayo pauwi," paalam ko naman habang pababa na ng kotse n'ya. "Salamat," Tuluyan na kong nakababa sa kotse n'ya at inaantay na lang s'yang umalis. Nang biglang bumukas ung bintana n'ya. "Thank you again, Liane," saad nito kaya nagwave naman ako ng kamay. "Hopefully maulit, bye!" mahinang habol nito kaya hindi ako sure kung tama ang pagkakarinig, ung 'bye' lang yung malakas e. Bukod doon, sinara na agad n'ya ung bintana. Ngumiti na lang ako at kumaway, 'ska s'ya bumusina at tuluyang umalis. -------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD