Chapter 8

1411 Words
DANIEL "'Tol! Nasaan si D?" tanong ko nang makarating ako sa bahay nila Miggy. Tumingin lang ito sa akin bago ibinaba ung hawak n'ya. "Nasa taas na natutulog, alam mo naman buntis, madaling makatulog pag naging komportable," tugon nito. "Kumusta ang date nyo ni Denise?" tanong n'ya. Matapos ko kaisng ihatid si Liane sa bahay nila. Dito ako dumeretso, medyo na hiya nga ako kay Liane dahil baka narinig n'ya iyong huli kong sinabi. Somehow, I enjoyed her company.. hindi s'ya boring kausap, bukod doon.. simple lang s'ya. "Okay naman. I enjoyed it," nakangiti kong tugon na ikinatango n'ya. Mas enjoy nga lang ako sa asawa nitong kaibigan ko. "That's good, masayang masaya ung isa naay kadate ka na," kwento nito na ikinangiti ko lang ng pilit pero tumawa naman itong isa. "Wag mo kong tawanan!" singhal ko sa kan'ya. "Kailan ka makikipag kita sa mga Ferrer?" tanong ko dito dahil iyon talaga ang purpose ng pagpunta ko dito. "As soon as maging available sila, tumawag ako doon personally para makipag appointment but Mr. Ferrer's Secretary said nasa Europe ang pamilya ng asawa ko," saad nito kaya napatango ako. "Buti pa sila," natatawang saad ko na ikinatawa din ni Miggy. "Kaya ko namang dalhin ang asawa ko sa Europe pero alam kong hindi n'ya gugustuhin dahilag sasayang lang daw ng pera dahil wala naman kaming gagawin," usal n'ya na ikinatawa ko. "Nakausap mo na sila, right? Anong sabi nila?" tanong n'ya kaya napahinga ako ng malalim sabay iling. "They don't want to see her again. Actually they think that D is already dead, so they didn't bother to ask her mother's side, kung buhay pa ba s'ya o hindi. They just conclude na, patay na s'ya at hindi na babalik," kwento ko. Ramdam kong nag iba ang aura ni Miggy. Of course si Denzie Nicole ang usapan dito kaya naman, ganyan talaga ang magiging reaksyon n'ya. Ako din naman nung nakausap ko ung stepmother ng tatay ni D, nag ngitngit ung mga ngipin ko sa galit e, paano pa na si Miggy na asawa nito. "Meaning they didn't care for Zie.. wala talaga silang pakialam sa asawa ko," seryosong saad nito na ikinatango. "Yes, deretso naman nilang sinabi, na wala silang paki alam at ayaw na nilang makita si D," tugon ko na ikinatango n'ya. "Parang gusto ko silang sundan sa Europe para lang makausap sila at matanong kung anong problema nila sa asawa ko.. did they know what she's been through? Alam ba nila kung paano naghirap ung asawa ko para mabuhay?! She suffered alone at a very young age! Oh f*ck!" madidiing saad nito sabay hilamos sa mukha n'ya at tingin sa kisame. "Calm down.. hindi ka makakatabi sa asawa mo pag pinairal mo na naman iyang init ng ulo mo!" saway ko sa kan'ya dahil totoo naman. Mahihirapan talaga s'yang tumabi sa asawa n'ya. Nakita ko naman na huminga s'ya ng malalim at umiling. "Hindi ko maiwasan. Nag iinit ang ulo ko! Zie wants to see them but it's opposite to them," saad n'ya sabau hawi sa buhok n'ya. "Hayaan mo na, nandito naman tayo. Tayo naman na ang pamilya n'ya. Bukod doon, lumaki naman s'yang maayos at masaya sa feeling ni Tita Janice. Kontento sa bubay na meron s'ya kaya ayan oh! Mas matapang pa sa atin," pagpapakalma ko sa kan'ya pero totoo naman iyon. Tumango naman s'ya. "Yeah, you're right.. mabuti na lang din at hindi nila kinuha si Zie at least nakilala ko s'ya sa paraang maayos ang kalagayan n'ya at hindi sa ibang paraan," saad n'ya na mas ikinatango ko. After naming mag usap, agad na din akong umuwi ng unit ko. Pagpasok ko, naupo ako sa couch at tumulala muna sa itaas. Ang tahimik.. nakakadagdag ng kasentihan.. mabilis kong inabot ang phone ko para mag patugtog dapat pero nakita ko ung sarili ko na nagtatype at magpapasalamat kay Liane. 'To: Liane Hi! Thank you for tonight, hope you enjoy our dinner. Good night!' Sa dami dami ng tinype ko, ayon lang ang naging satisfied akong isend. Tapos nagpatugtog na. Napapikit ako habang pinapakinggan ang boses ng babaeng kumakanta. I don't know, I shouldn't listen to her voice for me to move on but I can't help it. She's the woman I've loved for a long time.. kahit pa nagkaroon ako ng asawa and I've tried to love Calla but D is still the woman my heart is screaming.. Naputol ang pagpapatugtog ko nang tumunog ang phone ko. Kinuha ko iyon at nakita ko ang name ni Liane. 'From: Liane Hi Daniel, Thank you din sa dinner. I enjoyed it. Good night din.' Napangiti ako nang mabasa ko ung message, I'm glad that she enjoyed our dinner kahit pa puro tanong lang naman ako sa kan'ya. I'm a boring person, ayun ang laging asar sa akin nila Kim dahil nga naman daw hindi ako mahilig mag umpisa ng conversation pero ako naman ang nauuna pag sila ang kausap ko. 'To: Liane I'm glad you enjoyed it.' Nakailang bura ako ng message para lang magmukhang professional ako. Lagi lang kasi akong calls pag about sa office pero pag message, sila D lang naman ang tinetext ko at hindi ko kailangan magpakaformal sa kanila dahil I know them and they know me, pag nagpakaformal ako doon, ako na naman ang bida sa asaran. Maya't maya ang tingin ko sa phone ko dahil baka nag message si Liane, hanggang sa matapos akong mag linis ng katawan, wala akong natanggap na reply galing sa kan'ya. Bakit nga ba ako nag iintay? Wala naman s'yang obligasyon na replyan ako, so it's okay kung hindi s'ya mag reply sa akin. Ayon ang tumatakbo sa isip ko pero still chine-check ko pa din hanggang sa nakatulugan ko na lang ang pag tingin sa phone ko. Feeling ko tuloy she just telling na mag enjoy s'ya pero totoo hindi naman. LIANE "Argh! Denise! Bakit naman kasi tinulugan mo iyong tao! Hindi mo tuloy alam kung dapat mo s'yang replyan o magsabi na nakatulog ka! Pero bakit ko naman s'ya need replyan? Nag aantay ba s'ya ng reply ko? Paano kung hindi naman at assuming lang ako? Eh paano mo malalaman? Tinulugan mo?! "Hoy! Ate! Kanina ka pa ganyan ng ganyan, mukha ka ng buang.." Agad kong binalingan ng masamang tingin ung kapatid kong tikling na mapang asar. "Eh kung sapakin kaya kita nang makita mo kung anong kayang gawin ng buang na ito?!" pagtataray ko sa kan'ya na ikinatawa n'ya. "Eto naman si Ate, hindi mabiro.. labyu! Kain na tayo! Luto na iyong almusal," saad nito at lumabas na ng kwarto. Huminga na lang ako ng malalim at mamaya ko na pag iisipan kung mag message ako kay Daniel. Ayoko kasing matawag na assuming, kaya pag iisipan ko din muna ang sasabibin ko. Habang kumakain, pinag tatawanan pa din ako ni Denver, si Papa naman nag tataka lang na nakatingin sa akin uminom ito ng tubig bago nag salita. "Sino pala ang naghatid sayo kagabi, anak?" tanong nito kaya bigla naman akong nabilaukan sa tanong n'ya. Kinuha ko ung kape ko para sana uminom pero wrong move dahil mainit pa pala kaya naman hindi lang ako nabilaukan, napaso pa! Bwisit! Natatawa akong inabutan ni Denver ng tubig para uminom. Mabilis akong uminom ng tubig at para naman akong nakahinga nang maayos dahil doon. "Wala po iyon, kaibigan lang po." Kinuha ko iyong kutsara ko at nag umpisa ulit na kumain. Hindi naman sila nag salita kaya inangat ko ung ulo ko at napataas ang kilay ko nang magtinginan sila na may kahulugan. "Kaibigan ko nga lang! Ayang mga tinginan n'yo ah!" saad ko. "Kaibigan nga.." nanlalaking matang saad ni Denver sabay inom ng kape n'ya. "Sasakalin kita dyan!" singhal ko sa kan'ya na agad akong pinigilan ni Papa. Matapos naming kumain, ako na ang nag hugas dahil wala naman akong pasok ngayon kaya maghapon akong nasa bahay. Kinuha ko ung phone ko at halos mabitawan ko naman nang makita kong may message si Daniel dito. 'From: Daniel I hope you really enjoyed last night. Sorry if I'm a boring person' Saad dito kaya dali dali naman akong nagtype ng irereply ko sa sobrang pagmamadali ko at napapamura ako sa isip ko. Kaya natype ko iyon mura sa isip ko at sa sobrang paamadali kong burahin napindot ko ang send. 'To: Daniel Hindi, gaga!' "Argh!!!!! Lupa! Kainin mo na ako!!!" malakas na sigaw ko, sabay bagsak ng katawan ko sa kama ko! --------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD