Buong araw siyang nagmukmok at umiyak sa kwarto.
Ang sakit ng puso niya. Walang kasing sakit ang naramdaman niya nang makita kanina kung gaano ito nag-alala kay Quinn.
"Buti nga sa kanya! Kulang pa nga ang ginawa ko sa kanya kumpara sa sakit na ibinigay niya sa'kin.!" she yelled inside her mind.
Halos mabingi siya sa lakas ng katok sa labas ng kwarto.
"Open the door Belle!" matigas na wika ni Gab. Halata ang galit sa boses nito.
Hinila nito ang buhok niya at hinagis siya sa kama.
"Please Gab stop this!" nagmamakaawa siya sa asawa.
"Kulang pa 'yan Belle sa ginawa mo kay Quinn!"
Isang sampal pa ang dumapo sa mukha niya. Hindi na niya mapigilang humagulgol. This is the first time that her husband physically hurt her.
Habang sinasaktan siya nito ay parang nagflashback ang lahat ng alaala nila noong masaya pa silang nagsasama.
She remembered the day he is still courting her. The day they got married. Their vows for each other and his promise to her that he will make her the happiest woman in the world.
"Kapag uulitin mo ang ginawa mo sa kanya. Hindi lang 'yan ang ipapatikim ko sa' yo Althea Belle!" he warned.
Tumakbo siya palabas ng kwarto at dumiretso sa garden niya. Gusto niyang ilabas ang lahat ng hinanakit niya ngayong araw.
"Ano ang nangyari sa'tin Gab?Hindi na kita kilala." Nasaan na ang asawa niya? 'Yung Gab na sweet, maalaga at mahal na mahal siya. Bakit bigla na lamang nitong binalewala ang pagmamahalan nila. Ganoon lang ba kababaw ang pagmamahal sa kanya ng asawa at madali lang talaga siya nitong palitan?
Nang mahismasan ay bumalik na siya sa loob ng bahay.
Wala na naman ang asawa niya. Siguro ay pinuntahan nito si Quinn.
Nagsaing siya at nagluto na rin ng ulam para sa hapunan nila. Masakit ang buo niyang katawan dahil sa sinapit niya kay Gab. Wala man lang pakialam ang asawa kung nasasaktan na siya.
Nang magising kinabukasan ay walang Gab na umuwi sa bahay. Ganito ba ang set-up nila sa loob ng isang taon? And after that, pipirmahan na niya ang kontrata?No way, kakausapin niya si Gab.
Pagkatapos kumain ay naligo at nagbihis na siya.
Pupuntahan niya si Gab sa kompanya nito. Hindi niya hahayaang itrato siya ng ganito ng asawa.
"Is Gab here?" tanong niya sa sekretarya nito na mapagkakamalan mong pornstar dahil sa kolorete at maikling palda at halos lumuwa na ang dibdib nito.
"Yes Mrs. Montefalco."
Pumasok siya sa loob ng opisina nito. Nakatalikod ito sa pintuan habang may kausap sa cellphone. Halatang hindi nito napansin ang pagpasok niya sa loob ng opisina nito.
"Y-yes baby tatapusin ko lang ang paperworks ko. Yes... I will sleep on your condo tonight. I love you!"
Hindi niya maiwasang itikom ang kanyang mga kamao sa inis na naramdaman.
"Who says you'll sleep on her condo Gab?"
Nagulat ito nang magsalita siya.
"Gusto ko Belle! Gusto mo bang uulitin ko pa sa'yo? Na hindi na kita mahal at--"
Pinigilan niya ang umiyak. She needs to be firm this time.
"Hindi ko pa pala nasabi sa'yo Gab that I also have my conditions if you want me to sign our annulment papers!"
Natahimik ito at seryosong tumitig sa mukha niya.
" Makinig ka Gab! Isang taon lang naman ang hiningi ko sa'yo hindi ba? Ikaw yata ang hindi nakakaintindi eh. Akala ko matalino ka! "
" Damn tapatin mo'ko Belle. Ano ba ang gusto mo? "
" Habang hindi pa tayo annulled, you have to stay and sleep on our house. Same bed and same room! "
" You're pathetic! "natawa ito sa sinabi niya.
" Gawin mo ang obligasyon mo sa'kin bilang asawa mo Gab. Isang taon lang Gab, isang taon lang para sa kalayaan mo! "
" Paano kung hindi ako papayag sa gusto mo? "
" Then habang buhay siyang magiging kabit mo! "
Tumayo ito at dahan-dahan lumapit sa kanya. Nilaro nito ang kanyang leeg gamit ang daliri nito." O baka naman sinasabi mo lang 'yan dahil miss mo na ako?! Well honey, just say so! " Hinalik nito ang leeg niya.
Napapikit siya sa sensasyong dulot ng ginawa ni Gab. He is right, he miss him so much.
Narinig niya ang malakas nitong halakhak. "Desperate wife, okay it' s a deal. Then go home wife at magluto ka na ng dinner natin!" pagpapalayas nito sa kanya.
"Tandaan mo Gab, ako ang masusunod ngayon kung ayaw mong habang buhay ako ang magiging asawa mo! And by the way, Matt Gabby Collins Montefalco. Huwag na huwag mong ulit babanggitin ang pangalan ng babae mo or neither remind me about your relationship." saad niya habang malakas na isinara ang pinto.
Taas noo siyang umalis sa kompanya ni Gab. Hindi na siya umiyak at natuwa siya sa sarili dahil kahit paano ay naging matapang siya sa harap nito.
" Don't let your tiara slip princess! "nakatawa siya habang iniisip ang qoute na nabasa niya sa f*******:.
Hindi na siguro uso kung magmamakaawa pa siya kay Gab. Katulad ng sinabi niya rito noong nakaraan. Halos lumuhod na siya sa harapan nito para lang hindi sila maghiwalay.
" Just give me time Gab! I'll make sure na maiinlove ka ulit sa'kin!"
Oo, umiba na ang ihip ng hangin. Ewan niya kung ano ang nakain niya. Dahil na rin siguro sa influence ni Dhar Mann. Kung anu-anong video kasi ang nasa page nito na lagi niyang pinapanood.
Nang dumating sa bahay ay nag-zumba na muna siya. She have to be fit. Recently she gained weight nang maging isang plain wife na siya. Pagkatapos mag-exercise ay nagluto na siya at naligo na rin.
Ipinangako niya sa sarili na simula ngayon ay deadma siya sa kalaguyo ng asawa.
She will act as if okay ang pagsasama nila tulad noong bagong kasal pa lamang sila.
"Well Gab! Say hello to a new Althea Belle! A wild and fierce Althea Belle na pipigilan mong pirmahan ang annulment papers in the end!" parang bruha siyang tumawa habang naliligo sa banyo.
Ewan niya baka nahibang na siya dahil sa pambugbog sa kanya kahapon ni Gab.