Hindi ko maiwasang umiyak pagkatapos magtapat sa'kin ni Gab na gusto na niyang makipaghiwalay sa'kin.
Alam ko naman na nagbago na siya and that was six months ago nang nakalimutan niya ang third year wedding anniversary namin.
Oo, three years na kaming mag-asawa pero wala pa kaming anak. Ewan ko kung bakit siguro dahil busy siya sa kompanya na iniwan sa kanya ng daddy niya. Siya kasi ang panganay sa magkakapatid kaya sa kanya naiwan ang responsibilidad na magpatakbo ng kompanya.
Noong unang dalawang taong pagsasama namin ay masaya kami.Lumamig siya nang makilala niya si Quinn.
Quinn Mondragon Montreal. She is my cousin. Na limang taon na mas bata sa'kin. Gab is 33. I'm 30 and Quinn is 25 years old. Kakagraduate pa lamang nito bilang isang abogado sa states at nang umuwi ito sa Pilipinas at umattend ng reunion nila six months ago ay dito nito nakilala ang asawa ko.
Simula noon. Palagi nang umuuwing late si Gab at minsan nga ay hindi umuuwi sa bahay.
Noong una ay panay ang tawag sa akin ng mga ibang pinsan ko dahil nakikita raw nila na laging magkasama sina Gab at Quinn.
Sa mall, hotel, park at sa condominium umano ng babae. Hindi ako naniwala sa kanila. Pero kagabi nang ipagtapat sa'kin ni Gab ay naniwala na ako dahil sa kanya mismo nanggaling ang lahat.
Hindi ko matanggap dahil ipinagpalit niya ako at sa pinsan ko pa. Mahal na mahal ko siya kaya ganoon na lamang ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
FLASHBACK
"Please Gab hayaan mo akong mahalin ka!"naiiyak kong sambit sa aking asawa.
" Buo na ang desisyon ko Belle. Let's file an annulment, I fell out of love with you and I love and I'll choose Quinn over you! "
Tuluyan na siyang napahikbi sa sinabi nito.
" Paano na'ko Gab? Di ba may pangako tayo sa isa't isa? Sa harap ng Diyos nagpangako tayo Gab! "
" Hanggang kailan ka ba magtiiis Belle? Gusto mo pa bang makasama ako kahit alam mong hindi na ikaw ang mahal ko? "
" Gab please bigyan mo naman ako ng konting panahon. Please give me a year to build memories with you. At kapag sapat na ang mga naipon kong alaala natin, ako na mismo ang aalis Gab. Just give me time!"
Nakita kong lumiwanag ang mukha ni Gab." Then its fine, basta sisiguraduhin mong palalayain mo ako after a year! Mahal ko si Quinn, siya ang buhay ko! "
---end of flashback----
Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin.
Maganda naman ako medyo tumaba nga lang ng konti pero hindi naman mataba 'yung chubby type lang! Ano raw, haha?
Naalala ko noong college days ko. That time nililigawan pa lamang ako ni Gab. Napaka sexy ko noon. But when we got married naging plain housewife na lamang ako. He dont want me to work kahit na board passer naman ako. I am a teacher by profession.
Kaya nang maging isang plain housewife na'ko ay naging simple na lamang ako. Hindi naman ako nalosyang, naging simple lang naman.
Ibang iba kung manamit si Quinn. Sophisticated. Sexy and millenial ang mga typo nito. Kaya siguro nahulog ang asawa ko sa magandang pinsan ko.
Sapat na siguro ang isang taon para bumuo ng alaala kasama si Gab. Plano ko kasing pumunta sa Italy na kasama siya. Bata pa lamang ako ay pangarap ko na pumunta at mamasyal sa Italy kasama ang taong mahal ko at si Gab 'yon.
At isa pa sana ay mabubuntis niya ako sa loob ng isang taong' yon.
Pwede nga ba akong mabuntis? Kung hindi na nga ito natutulog kasama ako? Six months na'kong tigang! Pero gagawa ako ng paraan.
Hindi ko na rin siya aawayin. Kilala ko siya baka kung aawayin ko siya ay tuluyan na siyang hindi uuwi sa' kin. Haysst, ang martyr ko noh? Ganito ba ang magmahal?
Malungkot kong binasa ang Annulment papers na pinapapirma niya sa akin kanina. Noon ay marriage contract ang pinirmahan ko ngayon ay Annulment paper na ang bumungad sa akin.
Ano nga ba ang pagkakamali ko Gab?
Mali ba ang mahalin ka?
Lahat naman ay ginawa ko para sa'yo!
Sinuway ko ang mga magulang ko dahil ayaw nila sa'yo dahil magkalaban ang ating kompanya! Pero pinili kita Gab. Bakit ngayon, iba ang pinili mo?
Pinahid ko ang mga luha sa aking mukha at tinungo ang pintuan. May nag doorbell kasi.Wala kaming katulong dahil gusto ko ako ang gagawa ng lahat ng trabaho para hindi naman ako maiinip habang nasa bahay.
"Ate Belle!"
Nawala ang ngiti ko sa labi nang makita ang masayang mukha ni Quinn.
"Don't call me Ate dahil simula nang inagaw mo sa'kin si Gab ay binura na kita sa buhay ko! Kaya pwede ba? Umalis ka na... Ang kapal naman ng pagmumukha mo!" galit niyang sigaw rito.
"Ate... I just came here to say Thank You! Gab told me everything. Pumayag ka na raw sa annulment after a year! Ang saya ko ate! Salamat dahil pinapalaya mo na si Gab!"
"Umalis ka na Quinn bago pa dumilim ang paningin ko sa'yo at baka kakaladkarin pa kita palabas ng gate!"
Ang kapal naman ng mukha ng higad na 'to. Pumunta pa talaga rito para pasalamatan ako?
"But ate.. Akala ko ba okay na sa' yo?"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sampalin siya. Ang babaeng naging dahilan para iwan ako ng asawa ko.
Sinuntok ko siya sa tiyan at hinablot ang mahaba at blonde niyang buhok.
"Aray! Ate please stop!"
Kinaladkad ko siya palabas ng gate. At doon ko ulit hinila ang kanyang buhok at hindi ko na mabilang kung nakailang sampal na ang ibinigay ko sa babaeng 'yon!
Nabigla ako nang makarinig ng sunod-sunod na busina sa aking harapan.
Bumaba si Gab na naka business attire. Nakita ko ang galit sa mukha ng asawa ko.
Hindi man lang niya ako tiningnan dahil tumakbo ito agad sa direksyon ni Quinn na nakahandusay pa sa lupa.
Nagulat naman ako dahil hindi iisiping maaga siyang uuwi ngayon.
Itinayo nito si Quinn at niyakap at hinalikan sa noo. Hindi ko maiwasang umiyak nang makita ang ginawa niya. Kitang kita ko sa mukha niya ang pag-alala sa umiiyak na si Quinn.
"Baby... Tara dalhin kita sa ospital!" bulong nito kay Quinn at bago pa ito sumakay sa kotse ay binalingan ako. " Let's talk about this later Althea Belle!" galit na sigaw nito sa'kin at pinaharurot na ang sasakyan habang naiwan akong mag-isa na nasasaktan at umiiyak.
-