#3

1172 Words
--ZEKI-- Napabalikwas siya nang bangon. Nagtaas baba ang paghinga niya. Sa tanan ng buhay niya, ngayon lang siya nanaginip nang masama. Napailing siya. Siya mananaginip ng masama? Fück! Napadaing siya nang biglang kumirot ang ulo niya. Parang binibiyak sa sakit. Inilibot niya ang paningin sa buong sulok ng silid. Nasaan nga ba siya?? Masakit ang katawan niya ngunit pinilit pa rin niya bumangon at nang pilitin niya tumayo, nakaramdam siya nang matinding pagkahilo. Napahawak siya sa ulo niya. May sugat siya? Hindi niya alam kung ano ba ang nangyayari sa kanya. Nasa malalim siya pag-iisip nang bumukas ang pinto at pumasok ang isang matandang lalaki. tumaas ang kilay niya. Sino 'to? kahit di niya kilala ang taong nasa harapan niya, wala siya nadamang takot man lang. "Mabuti naman at nagising ka na." Umingos siya. "Sino ka ba? Nasaan ako?" Halata sa itsura nito nabigla ito sa tanong niya. Pinakatitigan siya nito. Naningkit ang mga mata niya. Bingi ba 'to? Malabo ba ang tanong niya? "Marcelo Mercedes Devin. Your uncle. Daplis lang naman ang sugat mo sa ulo, siguro sanhin 'yan ng pagkabagok nang ulo mo nang malakas. Kilala mo ba kung sino ka?" hindi niya gusto ang tabas ng dila nang matandang 'to. Masyadong maangas. "I'm..I'm.." Nasa dulo na nang dila niya ang sagot. shit! ano nga uli ang pangalan niya? s**t ! Huminga siya nang malalim at kinalma ang isip. Lumipas ang ilan segundo wala siya makuhang sagot sa utak niya. Hindi niya alam ang pangalan niya. Bobo! "You are Zeki. Zeki White Devin. My nephew," binalingan niya uli ang matanda. Pamilyar sa kanya ang Zeki. Baka nga iyon ang totoong pangalan niya. "Naaksidente ba ako? Paano at pwede paki-explain nang buo. Ayoko ng putol-putol nakakabagot pag utay-utay ang pag kwento," masungit niyang wika. Medyo nagtataka rin siya sa inaasal niya at sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. Halatang iyon ang normal na pagsasalita niya. "Mga kalaban sa negosyo. Sinubukan ka nila patayin habang nasa isang transaksyon ka. Mabuti na lang at kaagad ka natulungan ng mga tauhan ko at naidala ka rito. Sa madaling salita, niligtas kita at may utang na loob ka sakin." Parang may kakaiba sa sinabe nito. Hindi pa niya mawari kung anong mali. Napabuntong-hininga siya. Nagkibit balikat at nahiga uli siya. "As you can see, I'm weak and useless. Saka kana maningil. Wala akong pera." pinikit niya uli ang mata. May utang siyang babayaran kaya itutulog na lang niya muna. Magpapalakas siya muna. Naramdaman na lang niya lumabas na ng kwarto ang matanda. Mabuti naman wala ako sa mood makipag-usap sa ngayon. Gulong-gulo ang isip niya. *┈┈┈┈*┈┈┈┈*┈┈┈*┈┈┈┈*┈┈┈┈ Nang magising siya madilim na ang paligid. Sinubukan niya uli tumayo. Marahan ang bawat galaw niya. Nang tuluyan siya makarating sa pinto, kaagad siya lumabas ng silid. Isang mahabang hallway. Dahan-dahan ang paghakbang niya habang nakahawak ang isang kamay niya sa pader, dun siya kumukuha ng balanse niya. Malapit na siya sa hagdan ng mapamura siya. Fück! Walang handrail ang hagdan. Saan siya hahawak? Eto na ata ang pinaka-challenging para sa kanya. Sisimulan na sana niya ang pagbaba ng may taong sumulpot sa ibaba ng hagdan. Isang payat na lalaki. "Boss Amo! Gising na po pala kayo!" Patakbo ito lumapit sa kanya. Hindi niya alam ang pangalan nito, pero feeling ko naman wala siya interest na alamin ang pangalan nito. "Tulungan mo ko bumaba," diin niya utos. Kaagad naman nito sinunod ang sinabi niya at inalalayan siya sa pagbaba ng hagdan. Napabuga siya nang hangin. Para siyang debuntante na dahan-dahan na bumababa sa hagdan. Grand music na lang ang kulang. Nakahinga siya nang maluwag ng successful siya makababa. "Nagugutom ako" "Yes, boss Amo. Tara po sa Dinning room" kumanan sila. Isang mahabang marmol na lamesa ang tumambad sa kanya. Naroon nakaupo na at kumakaen ang matandang kausap niya kanina. Oh, Uncle nga pala niya ito. Naupo siya sa kabilang dulo. Pinaghila pa siya nang upuan ng lalaking payat. Sumulyap siya sa maraming pagkain sa lamesa. May dalawang maids na nag-asikaso sa kanya. "Inantay mo na lang sana dalhan ka nang pagkain ng mga Maids sa silid mo. Pinahirapan mo pa ang sarili mo." Nalukot ang noo niya. "Malay ko bang bawal lumabas," Inismiran niya ito "Nawala lang ang memorya mo pero ang attitude mo hindi na siguro maaalis yan." malamig na saad ng matanda. Hindi niya pinansin ito. Kumaen na lang siya. Kailangan niya palakasin ang sarili. Hindi pa siya tapos kumaen nang tumayo na ang Uncle niya. "Aalis ako ngayon gabi. May mga maids na mag aasikaso sayo, magsabi ka lang sa kanila." Walang ganang tumango lang siya. "Señor, handa na po ang sasakyan," wika ng masculadong lalaki na mahaba ang buhok. Nang sumulyap ito sa kanya, binati siya nito. Tumango lang uli siya. "All right. Bantayan ninyo mabuti ang pinababantayan ko." "Oho. Señor." Walang lingon na umalis na ito. Makalipas ang ilan minuto, narinig na lang niya ang papalayong tunog nang sasakyan. Nang matapos kumaen, naisip niya lumanghap ng hangin. Nakasunod pa rin sa kanya ang lalaking payat. "Embong" ang palayaw nito. Tinuro nito ang daan patungo sa malawak na hardin sa kanang bahagi ng malaking bahay. Maraming mga puno at iba't ibang klase ng halaman. "Boss Amo, gusto nyo po ba ng kape?" "Black coffee," maiksing wika niya. Nagmadali naman ito pumasok uli sa loob. Napatitig siya sa kalangitan. Kahit anong gawin niya wala talaga siya maalala. Miski pangalan ng magulang niya hindi niya matandaan. Buhay pa ba ang mga ito? May mga kapatid ba siya? Huminga siya ng malalim. Pagbalik na lang siguro ni Uncle Marcelo, magtatanong siya. Nagmumuni-muni siya habang nakaupo sa upuang bato ng makarinig siya ng pagtili ng malakas. Boses babae iyon. Napatayo siya. Hindi siya pwede magkamali. Boses babae 'yun. Sinundan niya san nanggagaling ang boses na iyon. may nakita siya pinto sa likuran ng bahay. Nang akma niya bubuksan ang pinto. Nagulantang na siya dahil sa biglaang pagbukas nun at may isang babaeng bumunggo sa kanya. Hinihingal ang babae. Magulo ang buhok nito. Pawis na pawis ito. Dumudugo ang labi nito. Napatitig ito sa kanya. Parehas sila napatitig sa isa't isa. Hinagod niya ng tingin ang babae mula ulo hanggang papa. Nakasuot lang ito ng kulay itim na bra at panty. Kumunot noo siya. "Please help me--- help me please." nanginginig nito wika sabay yakap sa kanya. Naninigas siya. Sino ba to? "Yun babae! Baka makatakas na! Bilisan nyo ang---" napahinto sa pagsalita ang isang kulot na lalaki nakahawak pa ito sa bukas nito zipper. Habang ang dalawa pang lalaki sa likuran nito na walang pang itaas na damit. mukhang alam na niya ang nangyayari. "Boss-- kayo pala." "Boss Amo-- gising na pala kayo" "Pasensya na sa istorbo, boss amo--" halata sa mukha ng tatlong lalaki ang pagkapahiya. "Ano sa tingin nyo ginagawa nyo?" sigaw niya. Nagulantang ang mga ito. Nabahiran ng pangamba at takot ang mga itsura nito. Hindi niya alam pero nanggagalaiti siya ngayon sa galit. At pag galit siya, galit talaga siya. ◥◣‸◢◤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD