#2

1115 Words
--Eden-- HAPONG-HAPO ang pakiramdam niya. Parang gusto na niya magsisi, kung bakit naisipan niya maging doktor. Halos hindi na niya alam kung ano na kulay ng araw. Nakakaloka. Pauwe na siya nang may maalala. Wala na pala laman ang refrigerator niya. Dadaan muna siya ng supermarket. Nasa parking lot na siya ng isang sikat na supermarket. "H.C supermarket" Pagbaba niya ng kotse. Laking gulat niya ng may dalawang lalaking mukhang durugista ang palapit sa gawi niya. Nakaramdam siya ng kilabot. Diyos ko holdapper ba ang mga ito? Mahigpit niya hinawakan ang bag. Isinuksok niya ang kanyang iPhone 11 pro max sa loob ng bra niya. Hindi ko pa tapos bayaran ito! "Miss, taas ang kamay," mahinang utos nang matabang lalaki na may bigote. May hawig pa ito sa artistang si Paquito Diaz. Tinutukan siya nito ng balisong sa mukha. Nanginginig na binaba niya ang bag at tinaas ang dalawang kamay. "Parang awa niyo na konti lang ang cash ko, kunin nyo na, wag nyo lang ako sasaktan. Please lang po," aniya. Lumingon siya sa paligid. Potek bakit ba walang mga security guard dito? "Kunin mo ang susi, kailangan madala natin agad si Boss sa Hacienda," mariin utos naman ng isa pang lalaking payat na malaki ang mata. May tuberculosis na yata 'to. Inay ko po ligtas nyo ako lord! "Akin na ang susi mo!" tumango siya at agad na binigay ang susi sa lalaki. Pahaklit na kinuha nito iyon at inabot sa payat na lalaki. Mayamaya pa ay sumenyas ito sa isang itim na kotse. Tatlong lalaki ang lumabas na may buhat-buhat na katawan. Oh god. Patay na katawan? Oh god. Oh god. Duguan ang taong buhat ng tatlong lalaki. Tulong-tulong ang mga ito na maisakay sa kotse niya ang katawan. Nanginginig pa rin siya sa takot. "Tara na!" sigaw ng lalaki nasa loob na ng kotse. Lumingon sa kanya ang dalawang lalaki, lumapit sa kanya. "Anong gagawin natin kay miss byutipol?" wika ng lalaki a.k.a Paquito diaz lookalike. Kinilabutan siya nang ngumisi ang payat na lalaki. Hinagod siya nito mula ulo hanggang paa. "Isama na 'yan. Baka kailanganin natin ng singer sa Hacienda ni Señor." Napatili siya at akmang tatakbo nang hinapit na siya lalaki sa beywang saka puwersahan ipinasok sa trunk ng kotse niya. Nagpupumiglas siya. "No. No! Please! Parang awa nyo na," Napaigik siya sa sakit ng malakas na suntok sa tiyan ang ibinigay nito sa kanya. Isang suntok pa sa mukha ang ginawa nito. Pakiramdam niya namanhid ang buong katawan niya. Nahirapan siya huminga. Hanggang sa tuluyan na siya nawalan nang malay. Nang magkamalay siya nasa loob pa rin siya sa trunk ng kotse niya. Hindi niya sigurado kung ilang oras na ang lumipas, pero malakas ang pakiramdam niya na lumabas ang mga ito ng cuidad. Nasa isang probinsya na sila, base na rin sa na-aamoy niya, amoy dumi ng kalabaw. Lumipas ang mahabang sandali naramdaman niya pagbagal ng kotse. Nilamon ng takot at pangamba ang dibdib niya. Dito na ba siya mamamatay? Sa panahon ngayon malabong pakawalan pa siya ng mga ito ng buhay. Napahawak siya sa kumikirot na panga. Pakiramdam niya na-dislocate ang mukha niya sa lakas nang pagkakasuntok sa kanya. Mayamaya pa ay tuluyan nang huminto ang kotse. Patuloy lamang siya nakiramdam hanggang may boses siya narinig. "Dalhin ninyo siya sa clinic, mabilis!" kalmado ngunit ma-awtoridad ang boses ng lalaking nagsalita, hinuha niya nasa fifty o sixty years old na base na rin sa boses nito. "Yes, Señor!" Mariin siya pumikit at nagdasal na sana'y di siya maalala ng mga lalaki kanina. Nang mapansin niya tila tumahimik na ang paligid. Nag-isip siya. Hindi siya maaari mamatay nang di man lang sinusubukan tumakas. Buti na lamang at nakalimutan ng mga ito na i-lock ang trunk siguro di sadya napindot kanina nang makababa ang mga ito at busy inaalis ang duguang lalaki. Dahan-dahan niya inangat ang bukasan ng trunk, napadaing siya ng kaunti ng kumurot ang sikmura niya. Nanginginig na bumaba siya ng trunk ng kotse. Luminga-linga siya sa paligid. Tama ang hinala niya, sa isang liblib na probinsya ang lugar na ito. Wala na siyang sinayang na sandali. Patakbo siya umalis sa kotse. Lakad takbo ang ginawa niya hanggang sa makarating siya sa malaki at mataas na wooden gate. What the heck? Paano siya lalabas nito? Mataas din ang mga pader. Umiling siya. Hindi siya pwede panghinaan ng loob. Napatigil siya sa pag-iisip ng makarinig siya ng kakaibang tunog sa likuran niya. Marahan siya lumingon, na hilakbot siya ng makita ang tatlong naglalakihang Great Dane na aso. Napalunok siya ng laway, nanlalambot na ang tuhod niya sa takot. Narinig pa niya ang malakas na pag- Grrrggg ng mga ito. Tila handang-handa siya lapain ng buhay. Eto na siguro ang wakas niya. Pumikit siya. Aantayin na lamang niya lapain siya ng mga ito hanggang sa magpira-piraso ang buong katawan niya. Malakas siya napatili nang bigla siya sunggaban ng isang aso. "No! Tulonggg!!" May sumipol ng malakas, saka nagtakbuhan palayo sa kanya ang mga aso. "Sino kang pangahas na pumasok sa aking bahay?" Nakatingala siya sa isang matandang lalaki. Matikas ang tayo nito. Kulay puti na ang buhok nito. May hawig ito sa hollywood actor na si Andrew Jack, idagdag pa na mukha talaga itong foreigner. "Kinakausap kita, babae! Sumagot ka!" bulyaw nito. Napaluhod siya. Pinagsiklop ang mga palad. "Please, wala akong kasalanan. Sapilitan lang ako isinama ng mga lalaki kumuha ng kotse ko. Pakawalan nyo na ako. Pangako, wala akong pagsasabihan iba. Parang awa nyo na. Gusto ko ng makauwe," "Saiyo ba ang kotse na gamit ng aking mga tauhan?" Tumango siya. Naiiyak na siya. "Please po, hayaan nyo na ako makauwe. Doktor ako. Pribadong tao ako, kaya makaka--" "Doktor ka?" "Oho--" paos na wika niya. "Sumunod ka muna sa'kin. hahayaan kita makaalis, kung gagamutin mo ang aking pamangkin." Nagliwanag ang mga mata niya. Tila nagkaroon ng konti pag-asa siya sa buhay. Pumayag siya. Sumunod siya rito. Hanggang sa nakarating sila sa likod ng malaking bahay, may maliit pinto roon at may handanan pababa. Basement? "Nasa ibaba ang clinic. Tulungan mo ko isalba ang buhay ng pamangkin ko at hahayaan kita makaalis ng matiwasay." Tumango siya. Nang makababa, bumungad sa kanya ang isang air conditioned mini clinic. Kumpleto iyon sa kagamitan. Doktor din ba ito? Binuksan nito ang isa pang pinto sa gilid. Isang high-tech na operating room iyon, dinaig pa ang operating room sa Miranda Medical Hospital. Kahit sumasakit ang katawan, ginawa niya ang dapat na gawin. May dalawang maids na tumutulong sa kanya. Hindi niya kita ang mukha ng lalaki dahil natakpan na ito ng puting tela sa ulo, tanging ang parte ng sugat sa ulo nito ang nakikita niya. Huminga siya ng malalim. Bago sinimulan ang operasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD