PROLOGUE
--Eden--
December 25, 2002
"Merry Christmas Eden!"
"Merry Christmas Mama, Papa!"
Pasko ang pinaka paborito kong okasyon. Tuwing pasko masaya sila ng kanyang pamilya na nagdidiwang. Nagbukas siya nang mga regalo niya na nakalagay sa ilalim ng malaking Christmas tree.
Isang new Nokia cellphone ang natanggap niya mula sa kanyang Papa.
Yumakap siya rito. "Thank you Pa, I'm so happy." tuwang-tuwa siya. Isang bagong labas na phone iyon.
"Anything for my princess,"
Sumunod ko naman binuksan ang regalo ni Mama. Isang maliit na box, at sa loob ay may isang napakagandang kwintas na may hugis susi na pendant at kulay pilak. Wow!
"Mama, thank you po rito,"
aniya.
Niyakap ko nang mahigpit si Mama.
"I love you Eden. I love you so much,"
maluha-luha wika nito habang panay halik sa mukha niya.
"Mama, super love ko rin po kayo ni Papa."
nakangiting tugon niya.
Masaya silang nagsalo-salo sa noche buena. Masasarap lahat nang pagkain na niluto ni Mama. May spaghetti, shanghai, bibingka at kalderata.
Habang ang lahat ng tao ay nagkakasiyahan sa kani-kanilang bahay. Malalakas na tugtugin ang maririnig mula sa mga kapitbahay. Sobrang saya talaga.
"Anong gusto mo paglaki, Eden?" kapagkuwa'y tanong ng kanyang Papa.
Natigilan siya saglit at nag-isip muna ako saka sumandok nang spaghetti.
"Doctor Papa. Gusto ko magdoktor."
abot tenga ang ngiti niya.
Iyon naman talaga ang pangarap niya, ang maging isang doktor.
"Kahit anong mangyari tuparin mo ang pangarap mo, okay?"
singit ni Mama.
Sumulyap siya sa Mama niya.
Bakit ba ganoon ito magsalita? Tila ba nagpapahiwatig na mawawala ito.
Tumango na lamang siya.
"Opo, Mama. Promise, magiging doktor ako kaya gagalingan ko po sa,"
Napahinto ako sa pagsasalita nang may malakas na katok mula sa pinto. Sabay-sabay silang napalingon sa may pintuan.
"Sino 'yan?" tanong ng Papa niya.
Patuloy pa rin sa pagkatok nang malakas. Binuksan naman kaagad ni Papa ang pinto. Napalingon sila ni Mama sa bukana ng pinto.
Kumunot ang noo ko. Isang teenager na lalaki, pawisan at hinihingal ito.
"H-Help me. P-Please help me,"
nauutal na sabi nito sa Papa niya. Lumingon naman si Papa kay Mama parang bang humihingi ito ng permiso papasukin ang binatang lalaki.
Tumango naman ang Mama niya. Um-okay ito na patuluyin sa loob ang lalaki.
Pinatuloy ito ng kanyang Papa. Nang makapasok ito hinila kaagad ito ni Mama papunta sa dining table.
"Halika, saluhan mo kami. Nagugutom ka ba? Nauuhaw ka ba?"
Inilibot lang nito ang paningin sa bahay nila. Parang takang-taka ito sa mga disenyo sa loob. Tumutok din ang tingin nito sa Christmas tree na tila first time nito makakita nun.
"M-Merry christmas," kiming wika niya.
Dagli naman ito napalingon sa gawi niya. Bigla tuloy siyang nailang sa paraan ng pagtitig nito.
"What did you say?" anito.
So, ayun nga. Inglesero naman pala ito.
"How old are you? I presumed you are fifteen or sixteen? right?"
nakangiting tanong ng mama niya. Pinagsandukan pa ito ni mama ng spaghetti at binigyan ng pineapple juice.
"Nineteen," maiksing tugon nito sabay titig sa spaghetti.
"Masarap yan," nakangiting sabi niya.
Mukhang nakumbinsi ko naman ito kaya kinaen nito ang spaghetti.
"Ano ba pangalan mo?"
medyo nahihiyang tanong niya.
Hindi naman sa gusto niya mag-feeling close. Gusto lang naman niya malaman ang pangalan nito.
Napatitig siya sa lalaki. Madungis ang suot nito maong pants. Naka-white tshirt at naka-jacket ito na black.
Napansin din niya ang kulay green nitong mga mata, may maliit na hiwa sa kanang kilay nito. Nagmukha tuloy ito maangas at ang mga labi nito na may sugat sa gilid. Nasuntok ba ito? Nadapa?
Tumutok uli ang tingin nito sa kanya.
Hindi yata ito marunong magtagalog.
"I said, what is your name?"
Pero tila wala ito naririnig, patuloy pa rin ito sa pagtitig sa kanya.
Hala! na consicous tuloy siya. Alam niya hindi siya kagandahan pero cute siya. Cute siya!
"name mo? ano?" ulit niya.
Naiilang na talaga siya.
"You, what's your name?"
kapagkuwa'y nagtanong ito sa kanya.
Medyo nagulat siya. Hmm, baritone voice. Bagay rito ang boses nito.
Tumikhim siya bago nagsalita.
"I'm Eden Faye Castrence."
Seryoso lang ang mukha ng lalaki saka inalis ang tingin sa kanya at pinagpatuloy ang pagkaen. Wala na itong ibang sinabi.
Nakakainis. Ni hindi man lang nito sinabi ang pangalan. Samantalang siya, binanggit niya ng buong-buo ang sariling pangalan.
Napasulyap siya sa Papa at Mama niya. Nangingiti ang mga ito. Napahiya tuloy siya. Kainis!
Nang matapos kumaen dumiretso ako sa taas, sa silid niya. Past 2AM na kaya inaantok na siya. Kanina bago siya umakyat nakita niya masinsinan kinakausap ng Papa niya ang bisita nila.
Umiling siya. Guwapo ito pero hindi niya ito crush. Nineteen na ito, siya naman ay fifteen years old pa lang. Iwinaksi niya sa isipan ang estranghero bisita nila. Humikab siya at tuluyan na nakatulog.
Hanggang sa may malakas na kalabog ang gumising sa kanya. Naalimpungatan siya. Napatingin siya sa nakabukas na pinto. Patakbo pumasok sa loob ng silid niya ang binatang bisita nila.
"Hide! Hide now."
mahina ngunit mariin utos nito.
Natakot siya.
Hinila nito ang kamay niya at itinuro nito ang ilalim ng kama niya.
"I said. Hide. Down there. Move your ass a little faster."
"Teka, wait--" pumasok siya sa ilalim ng kama niya.
"Stay there. I'm sorry. Please be safe."
Naguguluhan siya pero nagawa pa rin niya tumango rito. Mabilis naman ito lumabas ng silid niya.
Sunod sunod na putok ng baril ang narinig niya.
Oh god! Oh god! Ano ba ang nangyayare?!
Matapos ang ilan minuto. Wala na siya naririnig na ingay. Nanlaki ang mga mata niya ng maalala ang mama at papa niya.
Oh No! No. Si Mama at Papa ko!
Lumabas siya sa ilalim ng kama at patakbo patungo sa hagdan nang..napahinto siya ng makarinig ng mga tinig.
"Look what you've done! Look! This is what you did for asking anyone's help! Never asked anyone's help! you got me?"
Sigaw ng isang boses lalaki. Nanginginig ang mag tuhod niya sa mga oras na iyon. Gusto niya tumakbo, magtago, sumigaw ngunit naninigas ang katawan niya sa sobrang takot.
"Kill everyone who lives here. Your twin Sacha is waiting for you."
"There's no one here, only the two of them--"
nakarinig siya ng yabag. Patakbo siya bumalik sa silid ngunit sa likod siya ng pinto nagtago.
"--I already checked upstairs. Swear Dad. There's no one except for that two couple."
"Okay. Let's go."
Narinig niya ang pagsara at tunog nang papalayong sasakyan.
Maliwanag na sa labas. Nang makasiguro wala na ang mga taong pumasok sa bahay nila. Nagmamadali siya bumaba ng hagdan.
"Mama ! Papa!"
sigaw niya. Nakita niya ang nakahandusay na katawan ng Ama sa salas. Naliligo sa sariling dugo.
Habang ang kanya Ina ay wala nang buhay na nakaupo sa single sofa. Duguan. Parehas may tama sa ulo ang mga ito.
No. Hindi maaari! No. Hindi ito totoo!
Nakaramdam siya nang pagkahilo at tuluyan ng nawalan siya ng malay.