Kabanata 1

2593 Words
Kabanata 1 She writes "Kailangan ko ba talagang sumama sa gano`n?" tanong ko sa mga ito habang pinagmamasdan silang abala sa pag-iimpake ng kani-kanilang dadalhin. Umupo ako sa gilid ng kama ni Rafa at pinagpatuloy ang panunuod sa kanya. "Bakit ba kasi kailangan ng trip na ganito? Hindi ba puwedeng mag trabaho na lang tayo?" dagdag ko pa. Matalim ang tingin ni Rafa nang bumaling ito sa'kin. "It's a free trip, Rae. Ano bang inaarte mo diyan? Mag impake ka na," naiirita nitong sagot sa'kin. "Isa pa, ayaw mo bang magpahinga? Ikaw na ang nagsabi na kailangan mo ng pahinga dahil sunod-sunod ang submission natin noong nakaraan. Libre naman `to," dagdag pa ni Yerim. Napanguso na lamang ako saka tumayo sa kinauupuan ko. Nagsimula akong iligpit ang mga gamit ko habang tahimik na pinapakinggan ang dalawang ito na sobrang excited para bukas. It's a one week trip patungong Surigao. Hindi ko alam kung anong trip ng head namin sa pagbibigay ng ganito ng klaseng vacation trip. Hindi ko lang matandaan kung nabanggit ito noon sa'kin ni Yerim bago ako mag-apply sa company na `yon. May staff house, malaki ang sahod at tuwing anniversary ng company ay nagbibigay sila ng libreng bakasyon para sa mga matatagal nang empleyado ng kompanya at kasama kami doon. Hindi ko naman akalain na makakasama ako sa mapipili dahil dalawang taon pa lang naman mula nang magsimula akong magsulat para sa kompanyang ito. Siguro ay dahil nakuha ko ang top writer of the month noong nakaraan kaya naisama ako sa listahan. Balak ko pa namang umuwi na lamang sa'min para doon na lang magpahinga, pero kung tutuusin hindi na rin masama ito dahil libre naman. "`Yan na ba lahat ng gamit mo?" may pagtatakang tanong sa'kin ni Yerim saka hinalungkat ang laman ng maleta ko. "Eh? Bakit?" "My god, Rae! Ilang taon ka na ba at puro pang manang ang mga damit mo? Wala ka bang ibang damit bukod sa mga `to?" aniya na may halong pandidiri sa tono nito habang isa-isang ini-scan ang mga damit ko. "What do you expect, e manang naman talaga manamit ang isang 'yan," dagdag pa ni Rafa saka iiling iling na pinasadahan ng tingin ang mga damit ko. "Okay na `yan. Sabi mo ay magpapahinga lang nama-" "Hindi ba nasabi sa`yo na private resort ang pupuntahan natin? Oh god!" bulyaw niya saka bumaling sa'ki nang tingin. Nailing na lamang siya saka kinuha ang bag at phone nito. She immediately grab my hand and went outside. Hindi na ako nakaangal pa dahil dire-diretso na kaming sumakay sa taxi. Pasado alas sais na nang makabalik kami sa staff house dala ang mga pinamili naming damit at pagkain. Yerim is the kind of woman na hindi titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto kaya naman nang siya na mismo ang pumili ng mga iilang damit at swim suit para sa'kin ay wala na nga akong nagawa. Noon pa man ay inirereklamo na niya ang pananamit ko na hanggang ngayon din ay hindi ko maintindihan. Wala namang masamang magsuot ng skirt na lagpas sa tuhod at long sleeve na blouse. Dito ako komportable kaya lahat ng klase ng damit ko ay pare-pareho. "Next time, I'll tell Arturo to teach you how to wear classy clothes. Mas marunong pa ang isang 'yon sa'yo, e," singhal niya sa'kin na ang tinutukoy ay ang nakababata kong kapatid. I laugh, "Kung narito iyon ay sinabunutan ka na non dahil sa tawag mo sa kanya." Art is just 15 years old. Kung nabubuhay pa si Papa ay sigurado akong hindi no'n magugustuhan ang piniling landas ng nakababata kong kapatid. Mabuti na lamang ay suporta si Mama sa lahat ng gusto niya kaya naman malaya nitong nagagawa ang lahat. Ilang taon na lamang at matatapos na ito ng high school. Nang mamatay si Papa dahil sa isang aksidente ay nagdesisyon akong magtrabaho na agad para masuportahan ang pag-aaral nito. Mabuti na lamang at ipinasok ako ni Yerim sa kompanya kung nasaan kami ngayon at agad na natanggap. Natapos akong mag impake ng mga bagong damit na dadalhin ko nang hindi kumakain. Nauna nang matulog ang dalawa dahil sa sobrang excited kaya naman nagdesisyon akong lumabas na lang muna para magpahangin. With my earphones on, I went outside and bring my notes on me. Sa ganitong oras kasi ay nakakakuha ako ng ideya na puwede kong magamit sa susunod na librong ipapasa ng team namin. Tumungo ako sa café na katapat lamang ng building ng staff house. Pagpasok ko ay agad akong nginitian ng barista saka tinanguan. "The usual?" tanong nito sa'kin kaya napangit ako. "The usual," tipid na sagot ko bago ako umupo sa favorite spot ng café na ito. Madalas ako rito kaya naman kabisado na niya ang lagi kong inoorder. Ito ang pinakapaborito kong lugar sa city na ito dahil pakiramdam ko ay kalmado ang lahat. Hindi maikakaila dahil ang amoy pa lang ng kape ay nakakakalma na ng kalooban. "Mag isa ka yata?" bati niya sa'kin saka sinerve ang order ko. "One americano," dagdag pa nito saka tumawa. "Tulog na si Rafa, 'wag ka nang umasa," pang aasar ko sa kaniya. Nakita ko ang pagkamot nito sa ulo saka umupo sa kaharap na upuan ko. "Ang aga naman yata," he said while looking at the staff house building. "Why are you here, then?" he added kaya natawa ako. "Seb, this is my usual place. Bawal na ba ako rito? Por que hindi ko kasama si Rafa ay ganyan ka na," pang aasar ko pa sa kanya. Kita ko ang pagsimangot niya. He likes Rafa, but Rafa doesn't seem to like him. Marami silang hindi pinagkakasunduan. Although, Sebastian is a good man, kabaligtaran ng gusto ni Rafa dahil masyadong stiff ito. Hindi niya gusto ang good boy. “May lakad kami bukas kaya maagang nagsitulog," singit ko bago pa man siya tuluyang mainis. "Where are you going? Let me guess, free vacation trip ng company niyo?" tuloy tuloy nitong sabi kaya tumango na lamang ako. Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya at nagsimula nang mag isip ng scenario sa utak ko ngunit dahil sa kadaldalan ng isang ito ay kaaagad na naglalaho iyon sa utak ko. Bumaling muli ako ng tingin sa kanya at tiningnan siya mula sa ilalim ng salamin ko. Bago pa ako makapagsalita ay tumunog na ang chimes ng shop dahil sa customer na pumasok. Mabilis ang kanyang pagtayo at tumungo na sa counter. I heave a sigh. Sana ay pagbigyan na siya ni Rafa dahil mukhang baliw na baliw na ang lalaking ito sa kanya. Tahimik na ang shop. I started to write a scene where a setting is here in this coffee shop, while looking outside, nowhere. Napansin kong unti-unting nababasa ang glass wall ng coffee shop at sunod kong nakita ay ang lalaking nasa labas, katapat ko. He is like talking to someone on his cellphone. Tumagilid ito ng tayo dahilan para makita ko nang maayos ang visual nito. Wow. His visual is not a joke. Nakatagilid pa lamang ito ngunit nahuhulaan ko na na may itsura ito. Matangos ang ilong, katamtaman ang kapal ng labi, namumukol ang adams apple. His jaw clenched kaya napasinghap ako. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya saka bahagyang pinasadahan ng kamay ang basang buhok. Sa palagay ko ay naabutan siya ng ulan at dito sumilong. Patuloy pa rin siya sa kanyang pagsasalita na tila may kaaway dahil sa ekspresyon nito. Hindi ko alam kung saan ako unang titingin—sa mukha nito o sa katawan nito na nababalot ng white sleeve polo. Basang basa na iyon kaya naman bahagyang bumabakat na ang bato-bato nitong katawan. Maya-maya pa, nanlaki ang mga mata ko nang lumingon siya sa'kin. Mabilis ang pag-iwas ko ng tingin saka lumagok ng kape. Napamura ako sa kaloob-looban ko dahil mainit pa pala iyon. "F-fuck..." I whispered. Napapikit na lamang ako sa katangahan ko at pasimpleng tiningnan kung naroon pa ang lalaking iyon. Laking pagpapasalamat ko dahil wala na. Umalis na siguro. Ngayon lamang ako nakakita ng gano'ng lalaki sa loob ng dalawampu't limang taon kong namumuhay sa mundong ito. Sino kaya 'yon? Taga rito kaya 'yon? Palagay ko ay hindi dahil ngayon ko lang siya nakita rito. He seems so furious. His eyes—I can see pain in his eyes nang magtama ang mga mata namin kanina. - Saktong alas sais ang flight namin patungo sa Surigao. Humiwalay kami sa ibang team dahil ayaw ng dalawa sa dapat ay kasama naming team patungo sa isla. Kanina lamang binanggit sa'kin ni Rafa na buong isla pala ang pupuntahan namin, balita pa raw niya ay naroon din ang farm ng business partner ng head namin. Akala ko naman ay isang private resort lang. Three seaters ang pinili namin para lang magkakatabi kami. Buti na lamang at nasa bintana ang upuan ko, kaya sigurado akong ma e enjoy ko ang byaheng ito. Tahimik kong pinagmamasdan si Yerim na inaayos ang bag namin sa itaas nang may mahagip ang mata ko. It's the guy from last night! What a coincidence. Pasimple ko siyang sinundan ng tingin at halos manlaki ang mga mata ko nang makita kong umupo siya sa kaharap kong upuan. Kitang-kita ko ang ulo niya dahil matangkad ito, kaya naman nang tumagilid ito ay nakita ko na naman ang visual nito. “Hey, you okay?” Yerim asked. I immediately look at her then I nodded. “Are you sure? Para kang nakakita ng multo,” dagdag pa nito kaya umiling na lamang ako. Kinuha ko ang earphones ko at dali-daling isinaksak iyon sa magkabilang tainga ko. Umayos ako ng upo, maging ang scarf na nasa leeg ko ay inayos ko upang matakpan nito ang kalahati ng mukha ko. Napatingin muli ako sa harapan ko at doon ko lamang napansin ang mabilis niyang pagbaling ng tingin sa harapan niya. Is he looking at me? Why would he do that, Astrae? Nanatili ang tingin ko sa kanya na ngayo'y nakatulala na. Sa ilang taon kong pagsusulat ay alam na alam ko na ang bawat eskpresyon ng mga tao at base sa ekspresyon niya...a, wala akong mabasa. He has a blank expression. Just deadly staring outside the window. I wonder what is he thinking? Tungkol ba ito sa nangyari kagabi? Ano nga bang nangyari kagabi? I examined his face. His eyes, nose, lips and that clenching jaw. What is he up to? Siguro nga ay hindi siya taga Manila at ngayon ito uuwi sa kung taga saan man ito. After minutes of just staring at him, I heave a sigh and then close my eyes, ngunit hindi rin nagtagal iyon dahil bigla akong kinalabit ni Yerim. Bumaling ako ng tingin sa kanya, “Bakit?” “Do you know him?” she asked, referring to the guy in front of me. “Hala, hindi, a,” maagap kong sagot sa pag-aakalang napansin nito ang paninitig ko sa lalaki kanina pa. “A, akala ko magkakilala kayo. Napansin ko kasing tinitigan ka niya kanina,” she said then shrugged her shoulder. Hindi na ako nakasagot. Napatingin muli ako sa lalaki na gano'n pa rin ang ayos. He's staring at me earlier? Ahm, why? After an hour, we safely landed in Surigao. Hindi ko na muling nakita iyong lalaki dahil diretso kaming sumakay sa van na nakaabang sa'min. Bilib na ako sa company namin. Libre na nga ang lahat, may libre pang hatid ng sasakyan. “Para saan nga ulit ang trip na ito?” tanong ko sa kanilang dalawa nang makaalis kami sa airport patungo sa pupuntahan namin. “Let's just say na parang...ice breaker? This is Miss Lim's way to give us a break from work,” seryosong sagot ni Rafa habang tutok na tutok sa phone niya. “Wow, we're lucky,” saad ko habang inaayos ang damit ko dahil bahagyang nagusot nang makaidlip ako kanina sa eroplano. “Are you seriously continuing wearing that kind of clothes? Plus, that big eyeglass of yours. Can't you use contacts instead of that?” reklamo na naman ni Yerim sa'kin kaya napairap ako. Ito na nga lang ang nag iisang damit ko talaga. Lahat ng nasa maleta ay 'yong binili namin kahapon. “Ano bang problema sa ganito? Komportable ako rito, e.” “Ang sakit mo sa mata, Rae! Magpalit ka na lang agad pagdating natin doon,” pairap na sinabi niya sa'kin. Narinig ko ang paghalakhak ni Rafa kaya napanguso na lamang ako. Hindi ko na sila pinansin at nanahimik na lamang sa isang tabi. Maya-maya pa ay nakarating na kami sa karatig bayan ng islang sinasabi nila. Napangit ako nang makita ko kung gaano kaganda 'yong lugar. Mainit, ngunit binabawi iyon ng napakalakas na hangin. Maririnig pati ang huni ng ibon. Amoy na amoy rin ang dagat. Hindi ko alam kung nanaisin ko pa bang umuwi sa City dahil sa ganda ng lugar na ito. “Is this the place?” singit kong tanong sa dalawa habang nakikipag-usap sa kasama ng driver namin kanina. A, si Miss Jacinto, head ng kabilang department. What is she doing here? “Hindi pa ito, Rae. Sasakay pa sa yate para makarating sa mismong isla,” pabulong na sagot sa'kin ni Yerim. Napatango na lamang ako saka binuhat na ang mga bagahe ko. I followed Rafa and Yerim patungo sa yate. Doon ay wala na kaming choice kundi makisama sa kabilang department. Ayaw pa naman ng dalawang 'to sa mga 'yon dahil kakaiba ang attitude. Puwede naman nilang balewalain na lang, ngunit ang mga 'yon ang sadyang nagsisimula ng away. The whole ride was safe. Nang makarating kami sa mismong isla ay doble ang pagkamangha ko sa lugar. I can't believe there's a place like this! Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong kagandang lugar. Matapos naming ilagay lahat ng gamit namin sa kwarto ay nagdesisyon akong humiwalay muna sa kanilang dalawa. I immediately went outside and enjoy the view and scenery. The white sand, blue waves and all. Sobrang tahimik. Sa sobrang tahimik ay tanging mga alon lamang ang maririnig mo. Tama nga si Miss Lim. It'll help us to break an ice. I decided to take a walk. Naiyayakap ko ang cardigan ko dahil sa sobrang lakas ng hangin. May natanaw akong malaking puno sa 'di kalayuan kaya mabilis ko itong tinungo. Napangiti ako nang makita kong may duyan na nakakabit dito kaya mabilis akong umupo roon. Sayang lang at hindi puwedeng isama ang pamilya. If my mom and Art is here with me, siguradong matutuwa ang mga 'yon. “Excuse me, that's my place.” “Holy!” sigaw ko nang biglang may magsalita sa likuran ko. Mabilis ang naging lingon ko roon. Dinig na dinig ko ang malakas na t***k ng puso ko dahil sa sobrang kaba. Napaawang ang bibig ko nang tumambad sa'kin ang mukhang 'yon. It's still the guy from earlier at the airplane. Same as the guy from last night. What is he doing here? Is he following me? “Uhm...ano..paalis na rin ako,” I said to him then immediately stand and went on my way. Ngunit bago pa ako makalayo ay nagsalitang muli siya. “What are you doing here? Don't you know that this is a private property?” dinig kong sambit niya kaya natigilan ako. Nilingon ko siya. He's standing beside the hammock and looking at me intently. Gano'n pa rin ang ekspresyon niya. Walang kahit na ano. Blangko. Cold, deadly glare. What the f**k is wrong with him? Imbes na sumagot pa ako ay tinalikuran ko na lang muli siya. I was about to go and went on my way when I heard him uttered a word again. “Manang.” What the hell?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD