Kabanata 2

2439 Words
Kabanata 2 Impression “Can I ask a serious question?” I asked to Yerim when I first headed to our room. Nadatnan ko siya roon na abala sa pag-aayos ng mga gamit nila. Rafa isn't here. Lanta akong naupo sa tabi niya. “What is it ba? And what's with that expression?” she said. I heave a sigh then look at her. “Mukha ba talaga akong manang?” The first thing I heard was her laugh. The second was her clap. Yes, she is laughing while clapping, kaya mas lalo akong nairita. “Nevermind,” naiinsi na sinabi ko sa kanya saka padabog na tumayo. Kinuha ko ang maleta ko at padabog iyong binuksan para ilabas ang mga damit ko. Hindi ko na dapat tinanong pa dahil obvious naman na ang sagot. I just don't understand that guy. Nang sabihin niya iyon ay bigla na lamang umalis, tumatakbo pa. Pagkatapos akong insultuhin ay iniwan ako sa ere. Okay lang ba siya? “What kind of question is that? Of course, you are!” pang-aasar na sagot ni Yerim kaya napaismid ako. “Stop, just forget it.” “Don't get me wrong, ha. Noon ko pa sinasabi sa'yo na masyado ka nang late pagdating sa pananamit mo. Hindi por que komportable ka, hindi mo na babaguhin. Just try to change a little bit, wala namang mawawala sa'yo,” sermon niya sa'kin habang naiiling. Isa-isa kong inilagay ang mga damit ko sa bakanteng drawer doon habang nakikinig sa mga sinasabi niya. “This is what I am, Yerim. Hindi ko kailangang magbago para lang sa iba—” “No, uh uh. You don't need to change for other people, Rae. Para sa sarili mo 'yan. You need to allow yourself to grow.” Iyon na ang huling sinabi niya sa'kin bago niya ako iwan para sa dinner. Sabi ko ay susunod na lamang ako kaya hinayaan na niya ako. She's right. Everybody's allowed to grow. Hindi ko lang alam kung bakit ganito pa rin ako hanggang ngayon. Mula nang mamatay si Papa, hindi na ako nakausad. I was so busy providing the needs of my family lalong-lalo na ang pag-aaral ng kapatid ko. Naging abala ako sa mga bagay na kailangan kong gawin dahil iyon ang kailangan nila sa'kin, na hindi ko naman inirereklamo dahil masaya ako sa ginagawa ko. Maybe, I suddenly forgot myself. Sa sobrang hirap umusad, bigla kong nakalimutan alagaan ang sarili ko. Lumipas ang gabi na hindi pa rin ako lumalabas sa kwarto namin. Nakatitig lamang ako sa mga damit na pinili ni Yerim para sa'kin. Iniisip kung handa na ba akong suotin ang mga gano'ng klaseng damit. Iniisip kung bakit bigla akong nagkakaganito, e sinabihan lang naman ako ng manang ng isang estranghero. Now, I suddenly cared about how I look? Ilang minuto pa ay nagdesisyon na akong magpalit. Pinili ko 'yong maong short at black na t-shirt na yumakap sa katawan ko nang suotin ko iyon. Napangiwi pa ako nang makita ko ang sarili ko sa salamin. Pinasadahan ko ng tingin ang itsura ko mula ulo hanggang paa. I suddenly smiled. It feels great. Ngayon lamang ako nakapagsuot ng short at ganitong t-shirt. Hindi ko akalaing bababagay pala. Ilang minuto pa ay nagdesisyon na akong lumabas para kumain. Dumiretso ako sa kakabit na resto ng hotel at doon ko nakita ang dalawa, ngunit kasama ng kabilang department. When I entered the resto, lahat sila ay napalingon sa'kin kaya nangunot ang noo ko. Hindi ko na iyon pinansin at dire-diretso sa mesa kung nasaan ang pagkain. Nang matapos kong makuha lahat ng gusto kong kainin, I headed towards Yerim and Rafa at tahimik na naupo sa tabi nila. “Rae?” Mabilis ang naging lingon ko nang marinig ko iyon. Napaawang ang bibig ko nang mapansin kong nakatingin silang lahat sa 'kin. “Yes?” I awkwardly answered, si Vincent ang tumawag. ”Oh my god! May himala ba sa islang 'to? Is that really you?” Pola hysterically said. Dinig ko pa ang bulungan ng iba. I just shrugged my shoulder, “Can I eat now?” tanong ko sa kanila. Hindi ko na sila hinintay sumagot dahil nagsimula na akong kumain. Ramdam ko ang paninitig sa'kin ng dalawa ngunit hindi ko na iyon pinansin pa. “Anong nangyari sa'yo? Kaya ba ang tagal mong lumabas dahil naghanda ka? Anong meron?” I heard Rafa asked to me. “I...uh, just tried the clothes that Yerim bought for me yesterday. Sayang naman kung hindi ko gagamitin,” paiwas na sagot ko sa kanya. “Really, huh? Who are you trying to impress here?” bulong sa'kin ni Yerim kaya muntik na akong mabilaukan. Rafa handed me a glass of water immediately habang naririnig ko ang paghalakhak ni Yerim. Napairap na lamang ako sa naging asal niya. I'm not trying to impress anyone. Noong hindi ko sinusunod ang sinasabi niya, panay ang reklamo niya. Ngayon namang sinunod ko ay heto siya't malakas mang-asar. The dinner went smoothly. We had an urgent short meeting regarding sa task na gagawin namin habang narito kami sa isla which is magpahinga at kumuha ng bagong inspirasyon para sa bagong ilalabas na libro. Nang matapos iyon ay naghiwa-hiwalay na kami. Ang iba ay nagdesisyong mag night swimming habang ang iba ay nagsimula nang mag inom at gumawa ng bonfire. “You can take this. Hindi naman ito hard drinks,” pagpupumilit sa'kin ni Yerim habang inaabot ang isang bote ng beer. “You know I don't drink—” “Just for tonight, c'mon! We're adults, Rae. Wala namang masama sa pag-iinom unless you won't take it responsibly,” she insisted. Lumingon ako kay Rafa na abala sa pagpapaapoy ng bonfire namin upang humingi ng tulong. “Just one drink, pag ayaw mo talaga, edi huwag ka nang uminom,” kibit balikat nitong sinabi sa'kin kaya wala na nga akong nagawa. “Anyway, remember the guy infront of you? Sa eroplano, I saw him earlier. Taga rito ba 'yon?” Yerim uttered. Napalagok ako ng beer dahil sa gulat ko. Napangiwi ako nang gumuhit iyon sa lalamunan ko at muntik pa akong maduwal dahil sa lasa non. Buti na lang ay napigilan ko kundi ay sasabog lahat ng kinain ko sa harapan nilang dalawa. “Who is it?” Rafa asked. “The guy from the airplane. Kasabay natin kanina, I saw him sa resto. Bigla nga lang nawala. Weird, but I always caught him staring at Rae,” Yerim answered kaya natawa ako. “Guni-guni mo lang 'yon,” tanggi ko sa sinabi niya. Bakit naman ako titingnan ng gagong 'yon, e hindi naman kami magkakilala. “Uh...maybe, but, nevermind. Let's just have a drink. Cheers!” she yelled. We drink for an hour. I can't say if I'm already drunk but I can't feel my legs anymore. Para itong biglang namanhid na ewan kaya nagdesisyon akong tumayo para maglakad-lakad. “Whoa!” I hissed. “Careful, b***h! You're drunk!” Yerim yelled, I just laught at her. “I'm not,” I simply answered to her then went on my way while still holding a bottle of beer. Hindi ko alam kung nakailang bote na ako. Alam ko pa ang ginagawa ko at nangyayari sa paligid ko pero ramdam kong pagewang-gewang na ang lakad ko. I can't still feel my legs. Where are they?! Hindi ko na alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. Pakiramdam ko ay malayo na ang nilakad ko. I couldn't even hear them from where I am right now. Natigilan lang ako sa paglalakad at muntik pa akong matumba nang bumangga ako sa kung ano. “What the heck." I heard a man said. Inisang lagok ko ang beer na hawak ko saka iyon itinapon sa isang tabi. I immediately look at him. Nangunot ang noo ko nang makilala ko ito. “We meet again, asshole,” I uttered to him while poking his face. “Stop..stop it! What are you doing here?” “Ikaw! Ang bastos bastos mo. Sino ka ba? Taga rito ka ba? Hindi mo ba ako nakikilala?” wala sa sarili kong sinabi sa kanya. I heard a laugh from him kaya natigilan ako. He laughed. Really? What the hell? “Oh, so you know how to laugh. You have an emotion, huh?” I said to him then smirk on him. “I thought, you're a robot,” dagdag ko pa at napahagikhik ako. Tangina, Rae. What are you doing? May lakas ka para pigilan mo ang sarili mo ngayon 'cause you're drunk as f**k pero patuloy ka sa pagiging baliw mo. Naupo ako sa rock formation roon. Inilaylay ko ang mga paa ko dahilan para maabot sila ng tubig dagat. Hinayaan kong gano'n ang ayos ko nang maramdaman kong may umupo sa tabi ko. “You're drunk? Akala ko ay hindi umiinom ang mga tulad mo,” dinig kong sinabi niya kaya natawa ako. “You're quick on judging people, you know that? Noong una ay tinawag mo akong manang, ngayon naman ay ito. What is wrong with you, people?” reklamo ko sa kanya. Napayuko ako habang pinagmamasdan ang mga paa ko na nakalubog sa tubig. The moon was bright. Tamang-tama lang upang makita ko iyon, makita namin ang isa't isa dahil madilim na kung nasaang parte kami ngayon. “I just thought you can't drink. You look so innocent, that's why. Masama na bang magbigay ng first impression?” katwiran niya. Bago pa ako makasagot, narinig ko ang tunog na iyon mula sa cellphone. Pasimple ko siyang tiningnan at doon ko nakita ang pagsagot niya ng phone call na iyon. “What is it this time, huh?” I heard him said then immediately stood up. Tumalikod pa ito sa'kin at lumayo nang kaunti, ngunit dinig na dinig ko pa rin ang sakit sa bawat salitang binibitiwan niya. “I'm not mad, pero kung galit nga ako, bawal ba? I have the rights to get mad! You don't tell me what to feel!” hiyaw niya, ngunit ramdam ko ang pagpipigil nito. I know it's so sound wrong to eavesdrop but I can't help it. Who is he talking with? “Look, Seah. I needed this—no! After knowing everything, I don't think I can—shut up! I can f*****g take the weight! I can f*****g take everything and you know that! Ngayon lang ako humiling sa'yo dahil hindi ko na kaya, bakit hindi mo ako mapagbigyan?” My heary sank. That time I first saw him outside the coffee shop, he was inside of his wall. I can't see anything in him. I can't sense any emotion from him hanggang sa makasabay namin siya sa eroplano pati na ang engkwentro namin kanina lamang sa duyan na iyon, but this time, it's different. He is different. Kitang-kita ko ang pagkuyom ng kamao niya when he ended the call. Nanatili pa siyang nakatalikod sa akin nang ilang minuto. Nang akmang lilingon na siya sa'kin ay agad akong nagkunwaring hindi narinig ang lahat. What's happening to him? Anong meron sa kanya? Tama bang nakinig ako? Should I go and left him here? Or should I stay because maybe...he need someone to talk. I felt he sat down beside me. Nang pasimple ko siyang lingunin, napaawang ang bibig ko nang makita ko ang pagbagsak ng mga luha niya. Nakatingala siya at tila nakatingin sa bilog na bilog na buwan. “Are...you okay?” hindi ko na napigilang tanong sa kaniya. Obviously, he's not. “Tangina...” he uttered. With his deep, cracked voice, I can feel that he is hurting. Pakiramdam ko ay nawala ang pagkalasing ko habang pinagmamasdan kung gaano siya nasasaktan ngayon. “Ano bang meron? You can atleast talk to me. Hindi naman tayo magkakilala so, no judgement,” tuloy tuloy kong sinabi sa kanya. “Para lang mabawasan 'yan,” dagdag ko pa. Narinig ko ulit ang paghalakhak niya. Mabilis niyang pinalis ang mga luhang 'yon sa mga mata niya saka bumaling ng tingin sa'kin. Bahagya pa akong napaatras nang makita ko nang malapitan 'yong mga mata niyang 'yon. “Can you keep a secret?” natatawa niyang tanong sa'kin. Sunod-sunod akong tumango, “Depende,” wala sa sarili kong sagot sa kanya. “I don't talk to strangers,” bulong niya sa'kin kaya napasimangot ako. “Then, should I tell you my name—” “Last week, I caught my fiancé cheating on me with my bestfriend. Wala silang narinig sa'kin. Hindi ko sinabing alam ko na until she found it in herself. Umuwi na lang kaagad ako rito...wala lang. Para makalimot.” Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko mahanap ang tamang salita para sa kanya. It caught me off guard to the point that I couldn't think straight. Hindi ko alam kung dahil ba sa alak o dahil sa nalaman ko. “That's why I'm here. I can't stay in the city for too long. Marami rin akong inaasikaso rito. How about you? What are you doing here?” sunod sunod na tanong niya sa'kin na parang walang nangyari. “Bakasyon lang,” tipid na sagot ko sa kanya. “So, you're moving on?” I asked him directly. “Not exactly like that. I mean—hey!” Bago pa man niya ituloy ang sasabihin niya, mabilis akong napatayo dahil alam alam ko na ang susunod. Ganyan ang mga isinusulat at nababasa kong senaryo. May isang marupok at tanga sa isang relasyon. Siya yong tanga. “Niloko ka na pero hindi ka pa rin mag m move on? Seryoso ka ba?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. “It's not like that,” he said then stood up while trying to grab my hand. “Stop moving. Baka mahulog ka!” “Tanga ka ba? Niloko ka na, pero mukhang okay lang sa'yo? Hindi ka pa mag mu-move on? Naririnig mo ba ang sinasab—ah!” The next thing I heard was the loud noise from the water. Yes, I fell. Nice. Ramdam ko ang pagbalot ng lamig sa buong katawan ko kaya napaahon kaagad ako. “s**t!” I cussed out of thin air at matalim na tumingin sa kanya. “I want to go home. Ayoko nang makipag-usap sa tangang katulad mo!” I shouted to him, pero humalakhak lang ang lintik and the next thing I knew, he jump on the water and grab my waist towards him. “It's cold and you're drunk. I'll take you to your room," I heard him say. Nagulat na lamang ako nang mabilis niya akong inahon mula sa tubig. Ramdam ko ang mabilis na t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit pero nagsimula ito nang hatakin niya ako sa baiwang patungo sa kanya. “You don't know where I'm staying,” kibit balikat kong sinabi sa kanya saka tinalikuran siya. Pagewang gewang pa rin ang lakad ko. Akala ko ay tuluyan nang nawala ang lasing ako. Lalo pa yata akong nakaramdam ng hilo nang mahulog ako sa dagat. “Then I'll bring you at my place,” simple niyang sinabi. “Don't worry, I'm harmless,” dagdag pa nito saka niyakap sa'kin ang jacket na suot niya kanina. Who is this guy?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD