Kabanata 3

3819 Words
Kabanata 3 Lost The other day was so hard to analyze. The fact that I woke up at someone's bed at iba ang damit ko ay hindi na normal. I couldn't even remember anything. Ang huling naaalala ko lang ay ang pagbangga ko sa dibdib ng lalaking iyon at pagkatapos ay wala na. Ilang beses kong pinilit ang sarili kong alalahanin lahat ng nangyari nang gabing 'yon, ngunit hindi talaga mabuo sa isip ko. Everything was blurry. Kagaya ng kung gaano kalabo ang lalaking iyon dahil nagising ako sa kwarto niya nang wala siya. He didn't even show up kahit naghintay pa ako nang matagal. Lalo tuloy akong naghinala na baka may nangyari nong gabing 'yon lalo na't iba na ang suot kong damit. Kasabay ng pag-iisip ko ng mga nangyari noon ay ang pag-iisip ko rin kung paano ako makakabalik sa hotel gayong hindi ko pa naman kabisado ang lugar na ito. My god, Rae! Sinong tanga ang sasama sa isang estranghero? Mabuti na lamang at nang lumabas ako, I saw a girl standing beside the big painting malapit sa pinto. Hindi pa iyon naisasabit sa kung saan man ito ilalagay. The painting was beautiful, iyon ang naaalala ko nong araw na iyon. Painting iyon ng isang babae. Hindi ko nga lang kilala kung sino. After she said that she was waiting for me 'til I woke up ay mas lalong nahiya ako nang malaman kong kuya niya ang lalaking iyon. She even warned me about her brother na hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan kung bakit. "You should be careful. Kuya isn't the type of a man you're willing to be with. Mukha ka pa namang mabait.” Iyon ang natatandaan kong sinabi nito bago ako tuluyang umalis sa bahay na iyon. Maybe because she thought, I'm her brother’s girlfriend or what. Maybe, a victim? Bakit? Ano bang klaseng tao ang kuya niya? Why should I care? Ni hindi ko nga kilala ang lalaking iyon. Sa ilang beses ko siyang naka-engkwentro, hindi ko nalaman ang pangalan niya. All I know was his face. “So, wala kang maalala hanggang ngayon? What if something happened that night? Ibig sabihin, hindi mo maaalala 'yon?” Yerim hysterically asked to me while we were having our brunch inside the hotel's resto. Tamad akong umiling at ipinagpatuloy ang pagkain. “Wala kahit isa.” “Oh my god! How does that happened? Are you that drunk para hindi ka makaalala kinabukasan?” malakas pa rin ang boses nito kaya nahihiya na ako. Marami nang tao nang mga oras na 'yon. Although, it's a private island, marami pa rin ang may business sa lugar na ito kaya sigurado akong mga professional na tao ang mga kasabay naming kumain kaya mas lalo akong nanliliit sa kahihiyan. “I still can't believe you. Sino ba naman kasing matinong tao ang sasama sa stranger tapos lasing pa? Are you out of your mind?” Rafa said to me, malakas din ang boses nito kaya napapikit na ako. “You should find that guy! Hindi puwedeng iiwan ka na lang niya basta sa ere. Paano pala kung may nangyari sa inyong dalawa?!” Yerim added kaya mabilis na ang naging lingon ko sa kanya. “Will you two please low down your voice? Nakakahiya, hindi lang tayo ang tao rito,” na s stress na sinabi ko sa kanila at simpleng pinasadahan ng tingin ang buong paligid. Nang dumako ang tingin ko sa entrance ng resto ay bigla na lamang nanigas ang katawan ko when I saw his familiar face. Pamilyar na pamilyar na iyon sa'kin. Nagsimulang lumikot ang mga mata ko nang makita kong pumasok siya. Napatingin ako sa dalawa kong kasama na takang tinitingnan lamang ako. “We should go. Hindi pa ba kayo tapos?” naiirita kong tanong sa kanila. “Hindi pa nga kami nagsisimula,” pairap na sagot sa'kin ni Yerim kaya lalo akong nainis. “Then, I'll go first.” “At saan ka na naman pupunta?” Rafa asked to me intently kaya iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya. “Ahm...I'll try to swim. I mean, hindi pa ako nakakaligo sa dagat mula nang dumating tayo rito,” mabilis na sinabi ko sa kanya saka diretong tumayo. Bago pa nila ako mapigilan ay binilisan ko na ang lakad ko. Ayokong makita niya ako. Baka bigla niya akong lapitan habang kasama ko ang dalawang 'yon at kung anu-ano ang sabihin nila. Nakakahiya! I went straightly to our room to change my clothes. Labag man sa loob ay napilitan na akong magsuot ng swim suit dahil wala naman akong ibang dalang damit kundi iyong mga pinamili ni Yerim para sa'kin. Pinili ko iyong itim na one piece saka ko ito pinatungan ng short. Nang natapos ako ay lumabas na kaagad ako. Medyo makulimlim kaya walang problema sa araw. Summer ngayon ngunit parang tag ulan dahil ilang beses nang umambon mula pa kahapon. Ni hindi dumampi sa balat ko ang sinag ng araw maliban na lamang noong unang araw namin dito. I saw a rock formation sa 'di kalayuan so I decided to went there. Bigla akong may naalala, ngunit nananatiling putol-putol at hindi klaro. May nangyari ba sa'kin dito? Umupo muna ako pinasadahan ng tingin ang paligid ko. Mabibilang lang ang mga tao ngayon dahil ang iba ay nasa hotel pa. Nang dumako ang tingin ko sa dagat ay may nahagip ang mga mata ko. Tiningnan ko nang mabuti kung sino 'yon at nanlaki ang mga mata ko when I saw his familiar face, walking towards me. May dala itong tuwalya at naka wayfarers pa. What a handsome creature is this. I still can't believe how he looks at me. Ngayon ko lamang siya napagmasdan nang maayos. His body built, his wide chest is killing me! Ano bang klaseng tao 'to.  Nang makalapit siya sa'kin ay mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko saka ipinatong sa balikat ko ang tuwalyang dala niya. “What's up? The last time I saw you, you were trying to kiss me. Ngayon naman ay heto ka't halos walang saplot,” seryoso nitong sinabi sa 'kin. My eyes widened when I heard that. Me? Trying to kiss him?! “Ano?” kabang tanong ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagkalabog ng dibdib ko. “Just kidding. How was your stay here? Nag-e-enjoy ka ba?” pag-iiba nito ng usapan saka lumusong sa dagat at tiningnan ako. Hindi pa rin niya inaalis ang salamin niyang 'yon. “Tara?” dagdag pa nito kaya lalo akong naguluhan. “What are you doing?” puno ng pagtatakang tanong ko sa kanya. He suddenly chuckled. Tinanggal niya ang salamin na iyon saka inabot sa 'kin. “Pakilagay,” tipid nitong sinabi. Nanatili ang tingin ko sa kanya. Ngayon ko lamang napansin ang asul niyang mga mata. His eyes are half moon shaped with an ocean color. Brown ang buhok, makapal at itim na itim ang kilay, matangos na ilong at mapupulang labi. I wonder how he got so lucky to be so handsome like this. Sabagay, nang makita ko ang kapatid niya nang araw na 'yon ay hindi maikakailang maganda ang genes nila. “Sino ka ba?” diretsong tanong ko sa kanya. “Anong ginagawa mo?” dagdag ko pa. Lalong sumeryoso ang ekspresyon niya. Lumapit siya sa'kin at inilapag sa gilid ko ang salamin niya. Maya-maya pa, narinig ko ang pagkalabog ng tubig nang bigla niya akong hilain patungo sa kanya sa ilalim. Mabilis akong napaahon ngunit nanatili ang hawak niya sa mga kamay ko. “You said we can stay like this so we don't have to judge each other,” I heard him said. I looked at him. Unti-unti akong lumangoy palayo sa kanya habang pansin ko ang unti-unti rin niyang paglapit sa'kin. “Wala akong sinabing ganyan.” “Sinabi mo sa'kin lahat ng gusto mong sabihin, hindi mo ba maalala? You were so drunk that night. I was about to tell you my name but you refused, sabi mo ay mas mabuting hindi natin alam ang pangalan ng isa't isa,” dire-diretso nitong sinabi sa'kin. I bit my lower lip. Hindi makapaniwalang sinabi ko nga ang mga yon. Sinabi ko ba talaga? Oh god, ano pang mga sinabi ko sa kanya nang gabing 'yon?! I blinked twice. Inaalala kung anong nangyari nong gabing 'yon ngunit wala talaga akong maalala. “Did uh...did I say something weird? Ano pang mga sinabi ko?” “Bakit ko sasabihin lahat sa'yo?” “Bakit hindi? 'Di ba—” “Oh my god! What are you two doing?” I heard someone said. Mabilis ang naging lingon ko roon at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Yerim habang titig na titig sa aming dalawa. Mabilis akong kumawala sa pagkakahawak niya sa'kin saka umahon mula sa tubig. “Is he the guy you are talking about?” dinig ko pang tanong niya kaya mas lalo kong binilisan ang pagsuot ko ng short. “Yerim..ano..si Rafa? Nasaan? Hindi! Hindi ko siya kilala—” “We met at the coffee shop in Manila,” I heard him said kaya natigilan na ako. Nangunot ang noo ko. Coffee shop in Manila? Ibig sabihin ay alam niyang ako ang babaeng yon sa coffee shop? Wow. “You're her friend, I guess,” bati nito kay Yerim saka inilahad ang kamay nito sa kaibigan ko. “Nice to meet you.” “It's finally nice meeting you too. I heard so much about you,” Yerim crazily said then she smirked on me. Hindi ko alam kung nakailang beses na akong buntong-hininga rito sa mini cottage habang kaharap ang apat na ito. Matapos ng meeting na iyon sa rock formation ay hindi pa nakuntento si Yerim at niyaya niya pa ito sa cottage na para sa'min to have some drinks. I was also surprised nang maabutan ko si Sebastian na kasama si Rafa sa cottage. Sumunod yata ang gago. “So, nagbabakasyon ka rin dito?” panimula ni Yerim. Tahimik lang akong nakatingin sa bote ng beer na nasa harapan ko while secretly hugging his towel dahil lamig na lamig na ako. Dumagdag pa sa panlalamig ko ang kaba na baka kung anong itanong ng mga ito sa kanya. “No, I actually live here. Sa'min ang property na ito, honestly.” Napataas ang kilay ko nang marinig ko iyon. Narinig ko rin ang paghalakhak ni Rafa at Yerim kaya napatingin ako sa kanila at tama nga ako, manghang-mangha sila. “Oh, hindi nabanggit sa'min iyon. Pamilya niyo pala ang tinutukoy ni Ms. Lim na may-ari ng property na ito,” Rafa said to him in a professional way. Pasimple ko siyang tiningnan. Seryoso ang mukha nito, ngunit makikita sa mga mata nito ang saya. As if he's enjoying our company. Mabuti naman kung gano'n. “This place is nice. Ganitong lugar ang gustong-gusto ng kaibigan naming 'to,” Sebastian said to me at inakbayan pa ako. “Right?” he added kaya napairap na lamang ako. “Shut up, Seb.” “C'mon! Why are you so timid? Hindi ka naman ganyan pag kaharap mo kami. Speak up!” Yerim hissed kaya mas lalo akong lumubog sa kinauupuan ko. Oh god, help me. This is so embarrassing. Alam kaya ng mga ito na hanggang ngayon ay hindi pa kami pormal na nakikipagkilala sa isa't isa?! “Magbibihis muna ako. I'll be right back,” tipid kong sinabi sa kanila then I looked at him. Nakita ko ang pagtango niya at ang pagpasada nito ng tingin sa katawan ko na parang sumesenyas na takpan ko iyon. Nagkibit-balikat na lamang ako at iniwan na sila roon. Saglit lamang akong naligo at nagbihis ng damit. I decided to wear a big hoodie at short shorts saka mabilis na bumalik sa cottage, ngunit nadismaya lamang ako nang maabutan kong wala na sila roon. I checked my cellphone to see if there's a message from them but there isn't one kaya nagdesisyon akong maglakad-lakad na lamang ulit hanggang sa mapadpad ako sa likod ng hotel. Ngayon ko lamang napansin na may kakabit pa pala itong lupa ngunit makikitang puro nipa tree lamang ang naroon. I decided to continue walking. Nakita ko kasing may make-road papasok sa mga puno na iyon kaya alam kong may daanan patungo sa loob nito. Hindi naman mukhang delikado kaya nagpatuloy ako. After a long walk, tumambad sa'kin ang malawak na lupa na puno ng mga tanim. May kalayuan na ito sa mismong isla. Sumalubong sa'kin ang malamig na hangin kaya napatingala ako sa langit, doon ko napansin na mas lalong kumulimlim kaya napanguso ako. Uulan pa yata. Naglakad pa ako habang pinagmamasdan ang mga iba't ibang tanim na iyon. May mga iilang hayop din sa gawing dulo. Nang makarating ako sa hula ko ay kulungan ng kabayo, saka bumuhos ang malakas na ulan kaya napatakbo ako palabas. Papasok sana ako nang tuluyan sa kulungan na iyon, ngunit hindi ko na tinuloy dahil takot ako sa mga hayop. I'm not an animal lover dahil hindi rin nila ako mahal. Patuloy ako sa paghahanap ng masisilungan hanggang sa makakita ako ng bahay kubo kaya mabilis akong tumungo roon. Nayakap ko ang sarili ko dahil sa sobrang lamig. The rain was heavy. I checked my phone again to see if there's a message on it but there's no one. I was about to compose a message to Rafa and Yerim, saying that I lost inside the island, ngunit hindi na iyon ma-send dahil walang signal. Naiiyak na ako dahil sa halo-halong nararamdaman ko. Pagod, iritasyon sa sarili ko dahil sa sobrang curious ko sa mga bagay-bagay at sumabay pa itong malakas na ulan. This vacation is so messed up! Naupo na lamang ako sa itaas ng hadgan ng bahay-kubo na ito. Hindi ako tuluyang makapasok dahil sarado ang pinto at isa pa, hindi ko naman kilala kung sino ang nakatira rito. Hihintayin ko na lamang tumila ang ulan. Maya-maya pa, napaangat ang tingin ko nang may marinig akong paghinto ng sasakyan. Nang tingnan ko iyon ay nangunot ang noo ko hanang inaabangan kung sino ang bababa mula roon. I was dumbfounded when I saw him, may kinuha siya saglit sa loob ng sasakyan then he ran towards me habang may nakapasan na sako sa balikat nito. Nang ibaba niya ang sakong iyon ay nagulat din siya nang makita ako. “What the hell? Paano ka nakarating dito? Bakit basang-basa ka?” sunod sunod na tanong niya sa'kin kaya napakamot ako sa ulo ko. “Ano kasi...naglalakad-lakad lang naman ako—” “You’ll catch a cold. Let's get inside,” putol niya sa sasabihin ko saka ako hinila papasok sa loob ng kubo. Binitiwan niya ako nang makapasok kami saka diretso siyang pumasok sa loob ng isang kwarto. Namangha lamang ako nang makita ko kung gaano kalinis ang loob ng bahay. Parang hindj lalaki ang nakatira. Sa kanya rin ba ito? Gaano ba siya kayaman? “Change your clothes first. May banyo sa loob ng kwartong 'yon,” he said at itinuro ang kwarto kung saan siya lumabas. Inabot niya sa'kin ang isang t-shirt na panlalaki at short na panlalaki rin. I supposed it's his clothes kaya alangan akong tumingin sa kanya. “Okay lang ako, hihintayin ko na lang tumila 'yong ulan.” His forehead frowned at bahagyang kinusot niya ang mga mata niya saka muling bumaling sa'kin ng tingin. Napasinghap ako nang makita kong namungay ang mga mata niyang 'yon, na para bang inaantok na ewan. Bigla kong naalala na uminom nga pala sila kanina. “Just change it. Basang-basa ka. After you change your clothes ay ihahatid kita sa hotel,” tamad niyang sinabi sa'kin saka ako tinalikuran. Wala na akong nagawa nang iwan niyang muli ako roon. Pumasok na lamang ako sa kwartong sinabi niya saka dumiretso sa CR. Nang matapos akong magbihis ay isinampay ko muna ang hoodie at short ko sa loob ng banyo para matuyo kahit kaunti. Nang lumabas ako ay saka ko lamang napansin na kakaunti lamang ang gamit sa loob ng kwartong iyon. Malinis na kama, may isang maleta sa ilalim nito, mga gamit panlalaki sa side table at nakakalat na sapatos—iyong suot niya kanina nang pumasok kami. “You done?” Halos mapatalon ako sa sobrang gulat nang sumulpot siya sa likuran ko. Napalingon kaagad ako sa kanya saka marahang tumango. “Pasensya na sa abala. Hihintayin ko na lang tumila 'yong ulan para hindi mo na ako ihatid,” I said to him while looking at him staring at me from head to toe. Nakita ko ang simple niyang pagkagat sa ibabang labi niya saka pinasadahan ng kamay niya ang buhok niyang iyon. Hindi na siya tumingin sa'kin at mabilis akong tinalikuran. “Stay here while waiting. Ihahatid kita,” simple niyang sabi saka lumabas na. Sumunod na lamang ako sa kanya habang ipinagtataka pa rin kung bakit ganon ang naging reaksyon niya. Naabutan ko siya sa terrace ng kubo na nakaupo. He is smoking. Napansin ko rin ang isang bote ng beer sa gilid niya. Staring at nowhere while his jaw is clenching. Patuloy pa rin ang paghithit niya sa sigarilyo. “Bakit ka naninigarilyo?” hindi ko na napigilang usisa sa kanya. “Tuwing pagod lang,” tipid niyang sagot sa'kin. “So, you're tired? From what?” pagpapatuloy ko. Narinig ko ang pagngisi niya. Pinagmamasdan ko lamang siya sa bawat ginagawa niya. Hindi pa rin dumadako ang tingin nito sa'kin. “Do you know why I stay here? Originally, I'm staying at our house at Manila,” pagsisimula niya. Naupo ako sa katabi ng upuan kung nasaan siya. “Bakit? Para magpahinga? E, you still look so tired,” I said to him simply. Mula nang makita ko ang mga mata niyang 'yon ay una kong napansin ang pagod na namumuo rito. The eagerness to have a rest just for a short period of time is strong enough for me to see how vulnerable he is right now. Ano bang pinagdaraanan niya? “You're good at reading expressions, huh,” nangingisi niyang sinabi at nilagok ang alak na iyon sa tabi niya. Nanatili ang tingin ko sa kanya. Is he okay? “I'm a writer, that's why.. Kaya kami narito ay binigyan kami ng chance ng boss namin na makahanap ng bagong inspirasyon para sa bagong book. Ikaw, bakit ka narito, e taga-Manila ka naman pala?” “Para tumakas. You know...from the reality.” “Iho!” Bago pa ako makasagot ay siyang pagbungad sa'min ng isang matandang lalaki. May dala itong sako at base sa damit nito ay may kung anong ginawa siya sa lupa dahil sobrang putik niya. “Tay! Tapos na ho kayo? Sabi ko sa inyo, ako na lang ang gagawa, e. Pasok ho kayo,” dinig kong sinabi niya sa matanda kaya napatitig ako sa kanya. Napansin ko ang pagliwanag ng mga mata nito. Napansin ko rin ang paninitig sa'kin ng matanda na nakita rin siguro niya. “Kaibigan ko ho,” he said then looked at me, “Si Tatay Henry, isa sa mga magsasaka namin,” pakilala niya sa'kin kaya awtomatikong napangiti ako. “Hello po,” bati ko sa matanda. Lumawak ang ngiti nito saka inabot ang kamay na inilahad ko sa kanya. “Kaibigan mo lang ba talaga ito? Aba'y napakagandang dalaga,” wika nito kaya nahihiya akong ngumiti sa kanya. “Kayo talaga, o. Nasaan ba si Nay Mel? Kumain na lang ho kayo diyan sa loob, maraming pagkain diyan,” dinig kong sinabi niya habang inihahatid ang matanda patungo sa loob ng kubo. “Nagsisigarilyo ka na naman. Itigil mo na 'yan at masama para sa'yo 'yan. Ikaw talagang bata ka,” narinig ko pang sinabi ng matanda kaya lalo akong napangiti. Hinintay ko siyang makabalik. Hindi pa rin maalis ang mga ngiti ko dahil bukod sa sinabi nitong napakaganda ko raw, kitang-kita kung gaano nila iniingatan ang isa't isa. “Your place is nice. Sa'yo rin ba ito?” salubong na tanong ko sa kanya nang maupo muli siya sa tabi ko. Itinapon na niya ang sigarilyo niyang 'yon, ngunit nagbukas pa ulit siya ng isang bote. “Nakikituloy lang. Kina Tatay Henry ito, dito ko na sila pinatira mula nang mawalan sila ng bahay dahil sa bagyo noon. Mas madalas ako rito kaysa sa town house ko malapit sa hotel,” he said while massaging his head. “Okay ka lang ba?” hindi ko na napigilang tanong sa kanya. Itinagilid niya ang kanyang ulo para tingnan ako gamit ang mapupungay pa ring mga mata niyang 'yon. “Can you stay here for a while?” he said in his husky voice. Mas lalo kong naramdaman ang pagod niya. Kitang-kita sa mga mata niya kung gaano niya kagustong magpahinga na ngunit may kung anong pumipigil sa kanya. “Umuulan pa naman. I'll go ahead when the rain stops.” “You sounds so good. Parang magkakilalang-magkakilala na tayo,” natatawa niyang sinabi sa'kin kaya natawa na rin ako. Hindi ko rin alam kung bakit panatag ako kahit hindi pa kami ganon magkakilala. It feels like we knew each other for a long time. Like this is not a new feeling. Hindi ko rin alam kung bakit hinahayaan ko siyang pasunurin ako sa bawat salita niya. Dapat ay kanina pa ako umalis para bumalik sa hotel. Dapat ay tinanggihan ko na siya nang sinabi niyang magpalit ako ng damit, pero pakiramdam ko ay habang patagal nang pagtagal 'yong pagiging ganito namin sa isa't isa, palalim nang palalim 'yong kailangan kong lusungin para lang mas makilala pa siya. After a while of talking, sharing each other's shallow stories, I decided to went back to the hotel dahil baka nag-aalala na sa'kin ang dalawang 'yon. He insisted to drive me back to the hotel kaya wala na akong nagawa. Nang makarating kami ro'n ay halos gumuho ang mundo ko nang malaman kong wala na silang dalawa. I received a text from Yerim right after we arrived at the hotel saying; Yerim Rae, I'm sorry. Ayoko pa talagang umalis pero may emergency kasi sa bahay. Kailangan kong umuwi. I'll tell you everything later. Take care, please. Hahanapin ko pa sana si Rafa nang maka-received naman ako ng text galing sa kanya at kay Sebastian. Rafaela Ibinilin kita kay Vincent. Sila na bahala sa'yo. You should be careful. May importante lang akong kailangan ayusin sa Manila. I'm sorry, Rae. Sebastian Hiramin ko muna kaibigan mo. Ingats. Napasapo ako sa mukha ko nang mabasa ko ang mga text nila. What the hell was happening? Bakit nila ako iniwan?! “What's wrong? Where are they?” dinig kong tanong niya kaya napakamot ako sa ulo ko. “They left me. Umuwi na sila sa Manila.” I said to him at padabog na lumabas ng kwartong iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD