Kabanata 4

2988 Words
Kabanata 4 Tag Along “Hindi mo naman kailangan pang gawin ‘yan. Masyado na kitang naiistorbo,” nahihiya kong sabi sa kanya habang patungo kami sa resto ng hotel. He’s insisting to be my personal tour guide dahil wala naman na raw akong kasama. I was thinking of just going home just like what Rafa and Yerim did, ngunit hindi ako pinayagan ng head ng department namin. Kailangan ko raw kasi ito. Isa pa, wala naman daw akong valid reason para umuwi kaya hindi talaga siya papayag. Ayoko namang makihalubilo sa ibang department dahil hindi ako gano’ng tao. Hindi ko kaya. “I insist. Wala naman akong ginagawa. Sakto, may festival sa bayan bukas at isang beses lang iyon mangyari sa isang taon. We can go there,” dinig ko pang sinabi niya. I heaved a sigh as I sat down. Napatingin ako sa kanya nang umupo siya sa kaharap kong upuan. May sinabi siyang kung ano sa waiter na lumapit sa’min saka niya ako muling binalingan ng tingin. He seemed so serious. Ni hindi niya tinatanggap ang mga sinasabi ko mula pa kanina. Gusto ko talagang maglibot sa ganito kagandang lugar. Ito ang unang beses na nakapunta ako sa probinsya at gusto kong maranasan ang buhay nila rito. Simple pero mararamdaman mo ang pagiging kuntento. “What are you thinking?” I heard him asked that made me blink twice. Napatagal yata ang pagtitig ko sa kanya. I looked away from him then heaved a deep sigh again. “Hindi ko kasi alam...I don’t even know you. Why are you doing this?” halos bulong kong tanong sa kaniya. I heard a chuckled from him. Maya-maya pa, dumating na ang pagkain namin kaya nagsimula na akong kumain dahil gutom na gutom na ako. Hindi naman kasi ako nakakain nang maayos kanina dahil sa dalawang ‘yon. “I love your idea by staying strangers to each other, but with a memories,” seryoso niyang sabi saka nagpatuloy sa pag kain. I just shrugged my shoulder. Kung iisipin ay wala namang problema iyon. Hindi niya ako kilala. Hindi ko siya kilala. Hindi rin ako taga-rito. So, why not? Nang sumunod na araw ay nakita ko na lamang siya sa labas ng hotel na hinihintay ako. Simple lang ang suot nitong maong short at button down na itim. Suot niya rin ang salamin niyang ‘yon dahil siguro nagsisimula nang magpakita ang araw. Ramdam ko na rin kasi ang init sa balat ko na dati ay hindi dahil sa mga mahahabang damit na suot ko. “I decided to not bring my car para mas makita mo lahat kapag nag-commute tayo. What do you think?” He asked me and lead the way outside that private resort. “Ayos lang. Sanay naman ako mag commute,” tipid na sagot ko sa kanya habang nasa likuran ko siya. “Bagay sa’yo ang suot mo. Hindi ka ganyan manamit noong una kitang nakita,” sabi pa niya sa nang-aasar na tono. I raised a brow on him. Matagal bago ako magdesisyon na suotin ang damit na ito dahil hindi ako kumportable. It’s a maxi dress na nakalabas ang likod at hanggang legs ang slit kaya gano’n ang naramdaman ko. Ito na lang kasi ang nakita ko kanina sa maleta ko na babagay sa pupuntahan namin dahil siguro akong maraming tao roon. Ang iba ay puro swim suit at short na. “Hindi ko hinihingi ang opinyon mo,” pairap kong sinabi sa kaniya na tinawanan niya lang. Nauna akong maglakad hanggang sa tuluyan na kaming makalabas. Pumara siya ng tricycle nang makarating kami sa paradahan. Papasok na sana ako sa loob nang bigla niya akong hinawakan sa braso ko kaya tiningnan ko siya. “Nagbibiro lang ako kanina. Huwag kang magalit,” marahan niyang sinabi sa’kin at hinubad pa ang salamin niyang ‘yon. Napasinghap ako nang makita ko na naman ang mga mata niya. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tuluyan nang pumasok sa tricycle. “Ayos lang. Tara na,” simple kong sagot sa kanya at hinintay siya sa loob. Muntik pa akong matawa nang halos hindi siya magkasya dahil malaki siyang lalaki at maliit lang ang tricycle kung nasaan kami ngayon. “Sa bayan, kuya,” aniya sa tono na naaasar kaya mas lalo akong napangisi. Ilang oras pa ang lumipas bago kami makarating. Halos hindi makadaan ang tricycle na sinakyan namin dahil sa sobrang daming tao. Nang makababa kami ay dumiretso agad kami sa kumpulan ng mga tao dahil may parade na nagaganap doon. “Huwag kang lalayo sa’kin. Baka mawala ka,” dinig kong sabi niya sa tainga ko bago kami tuluyang makigulo sa mga nanonood. Maingay dahil sa sari-saring tunog na nagmumula sa parada pati na sa mga boses ng mga tao na nag-uusap, ngunit hindi nakaligtas sa pandinig ko ang malakas na kabog ng dibdib ko nang hawakan niya ang kamay ko. Napatingala ako upang tingnan siya ngunit nanatili siyang nakatalikod sa’kin habang nanonood. I was about to went straight in front of him nang sa gano’n sa hindi nga ako mawala, ngunit bigla na lamang niya akong nabitawan nang magsimulang umandar ang mga tao dahil sinusundan nila ang parada. “Teka! Wait po—aray!” I hissed when someone bumped me and stepped on my foot. Napamura ako sa isip ko nang tuluyan na siyang nawala sa paningin ko dahil natatangay na ako ng mga tao na naglalakad. I tried to get away from the crowd to find him but it took me so long dahil sa sobrang daming tao. Hindi na iyon ang lugar na hinintuan namin nang makalaya ako sa kumpol kaya nagsimula akong kabahan. Hindi ko pa naman kabisado ang lugar na ito! Bakit ang malas ko ngayon? Naglakad ako pabalik sa pinanggalingan namin kanina, ngunit tanging mga dumaraan na lamang at stall ng street food ang nakikita ko. I was thinking of texting him pero naalala kong hindi ko alam ang pangalan niya at wala akong number niya. Hindi naman ako puwedeng bumalik sa hotel dahil baka hinahanap din niya ako. I tried to walk again while searching my sling bag where my wallet is ngunit mas lalo akong nag panic nang wala na sa katawan ko ang sling bag ko! “Oh my god! Bakit nangyayari ‘to?” I hissed to myself while I’m on the verge of crying. “Miss, okay ka lang? Nawawala ka ba?” Napatingin ako roon sa nagsalita at nakita ko ‘yong matandang nagtitinda ng kakanin. I tried to calm myself and think of a good situation. “Alam niyo po ba ‘yong Tierra Fima?” tanong ko sa matanda. Saglit na kumunot ang noo nito bago ako sagutin. “Bakit, ija? Doon ka ba nanggaling? Naku! Malayo ‘yon dito,” naiiling na sinabi niya sa’kin kaya tuluyan na akong nawalan ng pag-asa. Nagpasalamat ako sa matanda at umalis na roon. Naglakad pa ako nang naglakad hanggang sa may marinig akong sumisigaw sa ‘di kalayuan. “I can give you money if that’s what you want! Just give me my credit cards!” The man said. May sasakyang nakatigil roon at hula ko ay doon nanggagaling ang boses kaya mas lumapit pa ako. Sunod na narinig ko ay ang parang may sinuntok kaya natigilan ako. “f**k it! Sa inyo na nga!” Dinig kong sigaw ulit no’ng lalaki sa inis na inis na tono. Then next thing I saw, may tumakbong dalawang lalaki palayo sa lugar na ‘yon kaya mabilis akong tumungo sa pinanggalingan nila. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya nakasalukuyang nakaupo sa lupa at tila pinapasadahan nang paulit-ulit ang mukha nito. “Oh my god!” sigaw ko at mabilis siyang dinaluhan. Tiningnan ko ang kabuuan ng mukha niya at napangiwi ako nang makita kong pumutok ang gilid ng labi niya. “Anong nangyari?” I hysterically asked to him and help him to stand up. Saglit na pinagpag niya ang pang-upo niya at mabilis na bumaling sa’kin. “What happened to you? Are you okay? Saan ka galing? I was looking for you!” sunod-sunod niyang tanong kaya natigilan ako sa pag-ayos ng damit niya dahil bahagyang nagusot iyon. “Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan,” hindi makapaniwalang sinabi ko sa kanya. His jaw clenched. Pinasadahan niyang muli ang mukha niya at tumingin sa’kin. “I’m fine. Now, where have you been? I was looking for you dahil bigla kang nawala. Ayos ka lang ba?” puno ng pag-aalalang tanong niya sa’kin. I shooked my head. “I got lost on that crowd at nawala rin ang bag ko. My cellphone and wallet...” “Tangina!” he cursed out of thin air kaya nanlaki ang mga mata ko. “Hindi ko alam kung paano tayo makakabalik sa resort. We don’t have any money,” problemado niyang sinabi sa’kin at nagsimula na kaming maglakad. Ramdam ko ang inis niya at ang gutom ko nang mga oras na ‘yon. Malayo na kami sa napakaraming tao. Tingin ko ay hindi na ito sakop ng bayan dahil hindi na namin marinig ang tugtog na iyon at halos wala nang tao sa gawing iyon. “Ilang oras ba ang byahe mula rito hanggang resort? Puwede naman tayong maglakad,” I suggested to him ngunit tinawanan niya lang ‘yon. “Kaya mong maglakad nang almost three hours? I doubt it.” Napanguso ako nang marinig ko ‘yon. Sanay akong mag commute peri hindi ako sanay maglakad. Mahina ang mga paa ko. Ayoko. “Fine. We need to find another way,” I head him said and held my hand again as we walked towards that old car. Nakahinto iyon sa gilid habang may lalaking umiihi sa ‘di kalayuan no’n. Bigla niya akong hinila sa likod ng puno na naroon at may binulong na kung ano sa’kin na hindi ko masyadong naintindihan dahil sa sobrang lapit niya sa mukha ko. Hindi ako makapag-concentrate! Rae, ano ba?! “Are you with me?” he immediately said kay mabilis akong tumingin sa kanya. I gulped and nodded to him. “Alright. I’ll just do this myself. Hintayin mo na lang ako riyan,” utos niya sa’kin sa baritono niyang boses. Bago pa ako maka-react ay iniwan na niya ako roon para puntahan ‘yong lalaki na tapos na sa ginagawa niya. Nakita ko ang saglit na pagkunot ng noo ng lalaki bago tumango nang sunod-sunod. Maya-maya pa, binalikan na niya ako nang nakangiti kasama ‘yong lalaki. “Naku! E, marami talagang gano’ng tao rito lalo na’t fiesta. Walang pakialam ‘yong iba pag may nangyayaring gulo,” the other man said while shaking his head. “Bumalik muna tayo sa resort. We need to eat,” marahan niyang sinabi sa’kin at hinagilap ang kamay ko. “I’m sorry for letting your hands go earlier. Nawala ka pa tuloy,” dagdag pa nito habang mahigpit na hinawakan ang kamay ko. Hindi na ako nakakibo nang makapasok kami sa kotse. Hanggang sa byahe ay nanatiling tikom ang bibig ko dahil sa mga nangyayari. Gusto ko siyang patigilin sa ginagawa niyang pagdikit sa’kin, ngunit hindi ko magawa dahil ayoko siyang mailang sa’kin. He’s a nice guy, I can feel it. I just don’t like the idea lalo pa’t may kakaiba akong nararamdaman sa bagay na ‘yon. Nang makarating kami sa resort ay kumain kami saglit sa resto. Binayaran niya ‘yong lalaking naghatid sa’min saka ako hinatid sa hotel. “Do you have something in mind? May gagawin ka ba ngayon?” tanong niya sa’kin bago ako makapasok sa hotel. I bit my lower lip when I saw his figure again. Nakabukas na ang dalawang butones ng polo niya dahilan para malantad sa harap ko ang collar bone niya. Nagsusumigaw rin ang dibdib niyang ‘yon kaya napaiwas ako ng tingin. “I need to inform my heads about what happened especially to my cellphone,” nahihiya kong sagot sa kanya. “I’m sorry for what happened earlier. Hindi na sana kita dinala ro’n,” he said in his disappointed voice kaya agad akong umiling. “Hindi mo naman kasalanan. Wala namang may alam ng mga mangyayari.” “Can I take you to Tierra Fima instead?” Napakunot ang noo ko dahil sa tanong niya. Anong sinasabi niya? “Tierra Fima? Ito na ‘yon, ‘di ba?” takang tanong ko sa kanya na ikinatawa niya. Lumapit siya sa’kin at bahagyang inalis sa mukha ko ang buhok na naroon dahil sa hangin. “This is just the small part of Tierra Fima. I was thinking of taking you to the main Tierra Fima. Our farm,” seryoso niyang paliwanag sa’kin at iginiya na ako papasok ng hotel. “Ano namang gagawin natin do’n?” Bigla kong naalala ang sinabi ng kapatid niya sa’kin noong nagising ako sa kwarto niya kaya lumikot ang imahinasyon ko. Napansin niya yata iyon dahil narinig ko siyang tumawa. “It’s not what you think. Nasira kasi ang araw mo ngayon kaya gusto ko sanang dalhin ka ro’n. Tierra Fima is a nice place, you’ll love it. Trust me,” seryoso ngunit nakangiti niyang sabi sa’kin kaya napatango na lamang ako. Tingin ko naman ay wala siyang gagawing masama sa’kin. Kung mayroon man, sana ay noon pa no’ng unang beses kaming nagkasama. It was around 6PM nang sunduin niya ako sa hotel. May dala na siyang kotse dahil sabi niya ay medyo malayo ang malaking bahagi ng Tierra Fima sa resort na ito. Noong tanungin ko siya kung ano ang Tierra Fima, sabi lang niya ay farm kaya ang akala ko ay farm lang talaga. Nagkamali ako nang makarating kami roon. Napatingala ako sa napakalaking itim na gate na nasa harapan namin. Casa de Acuzar. Iyon ang nakalagay roon kaya nangunot ang noo ko. Casa? Bahay ba niya ‘to? “Is this your house?” tanong ko bago pa kami makapasok. “My family’s house. Minsan lang umuwi ang lahat dito dahil madalas ay nasa Manila,” paliwanag niya. Halos malaglag ang panga ko nang tuluyan na kaming makapasok sa loob. Kaya pala napakalaki ng gate dahil sobrang lawak ng bakuran nito. May malaking fountain sa gitna at sa likod no’n ay ang big two-storey house. Mansyong-mansyon ang dating. “Grabe! Sobrang yaman naman ng pamilya niyo,” nalulula kong sabi sa kanya nang makababa kami mula sa kotse. Narinig ko lang siyang tumawa saka iginiya na ako papasok. Kung sa labas ay nakakalula, lalong-lalo na sa loob! Ini-imagine ko lang ang ganitong bahay sa tuwing nagsusulat ako dahil ganito madalas ang status ng buhay ng mga main character ko. Mayaman, may malawak na lupa at mga ari-arian. Hindi ko akalaing makakakita ako nito sa personal. “O, nandiyan ka na pala. Akala ko ay hindi ka na naman uuwi rito.” Mabilis ang naging lingon ko sa nagsalitang ‘yon at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ‘yong babaeng naabutan ko nang araw na ‘yon. His sister. “Oh...this is the second time that you brought someone here. I know her,” she seriously said and crossed her arms while still looking at me. “Stop, Max. Nasaan sila?” He asked to her kaya nanatili akong nakatingin sa kanila. Lumapit ‘yong babae sa’kin at nginisian ako. “I told you, be careful with him. Huwag kang magpapadala sa pang-uuto nito sa’yo,” seryoso nitong sinabi sa’kin kaya hindi ako nakakibo. Maya-maya, bigla itong humalakhak at tinap pa ako sa balikat. “Just kidding,” she said to me and looked at her brother. “Nasa sala na. Hinihintay kayo,” dagdag pa nito at muling tumingin sa’kin. She just smiled at me and went on her way. Napatingin ako sa kanya nang marinig ko ang pag-iling niya. “She’s my cousin Maxim. Don’t listen to her. Let’s go,” marahan niyang sinabi sa’kin at hinawakan na ako sa siko saka iginiya patungo sa kung saan. Akala ko ay magkapatid talaga sila. We went to their dining area. Halos gusto kong bumalik na lang sa hotel nang makita ko kung sino ang makakaharap ko ngayong dinner. Lahat sila ay sobrang intimidating ng itsura at tama nga ako, maganda talaga ang genes nila. “Mabuti ay nakarating kayo. We heard what happened to you earlier. Dapat ay hindi na kayo nagpunta roon. Ayos ka na ba, ija?” tanong sa’kin no’ng babae na ipinakilala niya sa’kin kanina as his mom. Mukha namang mabait silang lahat maliban na lang sa dad niya na masunit tingnan. Hindi sila gano’n katanda tingnan at nananatiling may class bawat galaw. Lalo na iyong Maxim na panay lang ang tingin sa’kin. “Ayos na po ako. Hindi naman po ako nasaktan,” nahihiya kong sagot sa kaniya at itinuo ang atensyon ko sa plato na nasa harap ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Sa ganitong mga sitwasyon, inaatake ako ng social anxiety ko dahil hindi naman ako madalas kumilala ng ibang tao. Tanging malalapit lang sa’kin ang kilala ko. “Nagbabakasyon ka lang dito, ‘di ba? Paano mo nakilala si kuya?” Maxim suddenly asked to me that made me look at her. Dinig ko ang pagtikhim niya sa tabi ko. “Stop asking her, Maxim. Let her eat.” “Nagtatanong lang ako. Masama ba ‘yon?” “You’re scaring her!” he suddenly hissed that made everyone shocked. Napatingin ako sa kanya na nag-iigting na ang panga dahil sa iritasyon. Sunod na narinig ko ang pagsaway sa kanila ng parents nila at ang sinabi pa ni Maxim. “Baka kasi ayaw mo lang makilala ka niya nang tuluyan kaya ayaw mong tanungin ko siya,” dagdag pa nito sa nagbabantang tono kaya nabitiwan ko na ang kutsarang hawak ko. I guess, it is not good for me to be here. Magugulo ko lang ang gabing ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD