Nandito na ako ngayon sa kwarto nito. Nagsimula na akong mag linis. Pero ang linis naman e--h. Paarang wala naman dumi. Pero dahil sa utos ni monster naglinis pa rin ako kahit, wala akong makuhang dumi. Habang naglilinis ako may napansin akong isang family picture sa mini table nito, dahil sa curiosity pinuntahan ko at hinawakan. Pinagmasdan ko ang picture nila, at apadako ang tingin ko sa isang batang lalaki na sa tingin ko 15 years old na sa palagay ko ay ito si monster ang gwapo n'ya pala. Tsaka 'yung ngiti niya napaka ganda. Dumako naman ang paningin ko sa isang napakagandang babae at gwapong lalaki na sa tingin ko ito ang nanay at tatay niya. "Sinabi ko bang paki-alaman mo ang picture na 'yan?" biglang salita ng isang malamig na boses sa likod ko, kaya naibaba ko agad ang picture. Tu