Kinabukasan nang magising ako. Agad na akong bumangon. Nag-ayos ng kama at naligo na rin. Pagkatapos bumaba na ako. Tutulong na lang ako magluto. Kaysa wala akong ginagawa dito sa bahay este mansion ni monster. Pagkababa pumunta ako ng kusina nakita ko naman 'yong mga katulong na nagluluto na. Si monster kaya gising na? Ayst bakit ko ba iniisip ang lalaking 'yon. "Hija! Ano't naparito ka?" tanong sa akin ng isang matanda. Puti na ang buhok nito at halata mo rin na mabait s'ya sa itsura pa lang nito. "Gusto ko po sana tumulong sa pagluluto!" matipid na sagot ko at tipid na ngumiti. "Sino kaya ang babaeng 'yan?" "Bakit kaya pinatira 'yan ni Master dito?" "Asawa na ba siya ni Master?" "Hindi naman siguro. Kase sa pagkakilala ko kay Master hindi n'ya type 'yong mga gan'yang babae..." "S