CHAPTER1 KIDNAPPED
Lumayas ako sa bahay namin, wala naman silang paki sa akin. Parang ang tingin nila sa akin ay isang basura, basura na hindi nila kayang pakinabangan. Minsan sinasaktan pa ako ni Papa at Mama. Ayoko nang ganito para akong isang ibon na nakulong sa isang hawla na walang ibang taong nagpapahalaga. Ito ako ngayon, nag lalakad-lakad nagbabakasakaling may mahanap na trabaho at matutuluyan. Mas okey na siguro ang ganito kaysa naman sa isang hawla na walang kahit sino ang nakakakita nang halaga mo. Hindi pa ako nakakalayo bigla na lang huminto ang isang pulang van at sapilitan akong isinakay. Wala man lang ginawa ang mga taong nakakita sa akin. Kahit na pilit akong nagpumiglas wala ni isa ang tumulong sa akin. Siguro nga ganito ang mundong ito, may mga tao talagang walang paki alam kahit, may mga taong nangangailan nang tulong. Nagpumiglas ako hanggang sa nawalan ako nang malay dulo't nang isang panyo na may kakaibang amo'y na inilagay sa aking bibig.
Nagising ako sa isang kuwarto na puno ng mga babaeng nag-iiyakan. Hindi ko alam bakit kami dinala dito sa bawat sulok ng silid na ito mga iyak ng mga kababaihan ang maririnig mo. Naawa ako pati sa sarili ko, dahil sa nakikita ko tumulo ang luha ko. Ayoko dito, gusto kong umalis dito pero mukhang malabong mangyari. Maya maya lang may pumasok na isang babae na may katandaan na.
"Ladies, Wecome to my auction house!" Nagulat ako sa sinabi nito. Bakit ganito sila, bakit kailangan nilang magbenta ng kababaihan para lang kumita sila. Mga halang ang bituka.
"Gusto ko nang umuwe!"
"Maawa ka! Pakawalan mo na kami!"
"Tumigil nga kayo kaka-iyak!"
"Ma'am please pakawalan mo na kami!' ani ko sa matanda pero nilapitan lang ako nito at pinisil ang panga ko. Masakit pero binalewala ko na lang.
"Hindi nga puwede! Maya maya mag-uumpisa na ang auction kaya umayos kayo! Kun 'di humanda kayo sa 'kin!" Sigaw nito habang hawak pa rin ang panga ko. Pabalang nitong binitawan ang panga ko, hinawakan ko ito at hinimas. Ang sama nila.
"Parang awa mo na ma'am, pakawalan mo na kami!"
"Gusto ko na umuwe!"
"Hindi kami bayarang babae!"
"Hindi kami magsusumbong pakawalan n'yo lamang kami!" Iyan ang mga naririnig kong binibigkas ng mga babae habang patuloy pa rin ang pagluto nang kanilang mga luha. Pati ako hindi ko maiwasan na hindi maiyak.
"Kung hindi kayo titigil, papatayin ko kayo!" Lalong nag lakasan ang iyak ng mga babae na takot na takot kagaya ko.
"Ayusan na ninyo sila!" Utos ng babae sa mga kababaihan na kanina naka-abang sa pintuan.
"Yes ma'am!"
Inayusan nila kami, habang ginagawa nila 'yon patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko. Gusto ko nang tahimik na buhay pero hindi ko akalain na may mga taong ganito. Nagkamali ba ako ng disisyon sa buhay ko? Pinili ko lang naman ang buhay na alam kong tama pero hindi ganito ang inaasahan kong mangyayari sa akin.
"Ms. Puwede ba huwag ka umiyak! Nasisira make up mo!"
"S--orry!" Ani ko.
Ang daming ginawa sa katawan ko, at pati suot naming damit ay akala mo prostitute kami. Ang ikli nito kita na ang singit namin. Binigyan rin kami ng numero at ayon sa suot kong numero ako ang huling isasalang. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari.
"A--yan ayos na, ang ga-ganda n'yo! Sana mabait na lalaki ang makabili sa inyo, Good luck!" Ani ng isang babaeng nag-ayos sa amin. Pag-alis nila, lumakas ang mga iyakan.
"Bakit nangyayari ito sa'tin?"
"Natatakot ako!"
"Mommy ko!'
"Tumigil na nga kayo!" Sigaw ng isang babae na kanina ko pa napapansin na tahimik lang at parang walang paki alam sa nangyari. Tumigil kami at tumingin sa kaniya, di 'ko alam bakit nagagawa n'yang kumalma sa kalagayan namin ngayon?
"Tanggapin na lang na'tin na ito ang kapalaran na'tin! Wala na tayong magagawa, kahit tumakas tayo hahanapin pa rin nila tayo 't baka patayin pa nila!" Kalmadong ani nito. Huminga ako ng malalim, tumigil ako kakaiyak. Siguro nga ito ang kapalaran na meron ako. Ito ang kaparusahan sa akin dahil sa pag-iwan ko sa mga magulang ko. Nakakatawa naman ang iniisip ko. Magulang? Kaylan ba sila naging magulang sa akin? Kaylan ko ba naramdaman na anak nila ako? Wala akong matandaan kase, Hindi naman nangyari 'yon.
"Paano kung masamang tao ang makabili sa'tin?!"
"Ipagdasal n'yong hindi masamang tao ang makabili sa'tin!" Ani pa ng dalaga.
Pilit kong kinumbinsi ang sarili ko na tanggapin na lang ang kapalaran ko. Pero hindi ko maiwasan na ma-isip, paano kung masamang tao ang bumili sa 'kin.
"Ladies be ready, malapit na tayo mag-umpisa!" Ani ng babae. Ang sama nila, hindi ba sila marunong matrabaho nang matino? Bakit ganito pa ang ginawa nilang hanap buhay?
Napaiyak muli ako dahil sa kaba at tensyon na aking nararamdaman. Gusto kong magmakaawa muli sa babae pero. Hindi ko na ginawa dahil alam kong mabibigo lamang ako.
"Huwag nga kayong umiyak! Masisira ang make up ninyo! Kailangan ninyong mabenta ngayon kun 'di papatayin namin kayo!" Sigaw nito sa amin. Binalot nang takot ang puso ko. Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko, ayoko pa mamatay. Gusto ko pa mabuhay at maging malaya sa buhay.
"Good! Madali naman pala kayo kausap!"Ani pa ng matandang babae Kinabahan ako ng lumapit sa akin ang babae. Ngumisi ito sa akin, pagkalapit nito sa akin hinaplos nito ang mukha ko.
"Makinis, Maputi, Maganda t'yak akong maraming magkakandarapa na bilhin ka!" Ani nito. Tumalikod na ito sa akin, at tinuro ang mga ibang babae na umiiyak pa rin.
Pagka-alis ng matandang babae, muling humagulgul nang iyak ang mga babae. Pinagmasdan ko lang sila, naaawa ako dahil sa nakikita ko sa kanila mga bata pa sila na sa edad 18-23.
Ako pala si Lucy Fayte Monque, 23 anyos na ako. Kunting kembot na lang mawawala na ang edad ko sa kalendaryo haha. Hindi sa pagyayabang pero may kagandahan akong taglay, May Sexy na katawan. Kaya siguro ako dinukot nang mga ito dahil may potential akong mabili halos lahat ng babae na nakikita ko dito magaganda sila. May morena pero ang ganda. Hay pero ang sakit lang dahil ito kami kinuha at ibebenta na parang mga ibon.