CHAPTER7 Helyvin pov

1213 Words
Nagkukuwentuhan kami, habang kumakain. Nang biglang bumaba si Amika Delena s'ya 'yong babaeng patay na patay sa kuya ko. Ang ganda ganda sana n'ya kay. Kuya lang nagpapakatanga, kahit ano naman gawin n'ya. Hindi s'ya magugustuhan ng Kuya Klayt ko. "Gosh! Amika ano nangyari sa'yo?" tanong ni Mierjan Portek. Isa siya sa nagkakagusto kay Amika. Hindi lang nito mapansin, dahil baliw nga kay kuya tch. Isa rin s'ya sa pinaka-pinagkakatiwalaan ni Kuya Klayt. "Obvious ba?" mataray na ani nito kay Mierjan. Nakakainis nga lang ang ugali ng babaeng ito. Arex Alexier Exylder isa sa tauhan ni kuya na mabait. Close kaming dalawa magkalapit lang kase ang edad naming dalawa, s'ya 20 ako 15. Tumayo naman ito at pumunta ng kusina. "Ano ba kasing katangahan na naman, ang ginawa mo at binaril ka ni boss?" tanong ni Ailden Monte Carlo isa siyang tahimik na lalaki pero delikado. "Bakit ba! Wala kayong paki!" Mataray na ani nito. Kung puwede lang ako manapak ng babae. Baka sinapak ko na ang isang 'to. "Napakatanga mo kase e--h. Kung ako na lang minahal mo. Liligaya ka pa!" ani naman ni Sixpirt Zyrix Pornif Zefeide. Siya lang naman ang pinaka-babaero sa grupo. "Bwisit ka magunaw na ang mundo. Hindi ako papatol sa'yo!" pagsusungit pa nito, habang nililinis ni Mierjan ang sugat nito. Mabuti at daplis lang. Sinabi ko na kanina pa eh may hindi magandang mangyayari. Kaya pala nakarinig ako kanina nang putok ng baril. "A--yan maayos na!" ani ni Mierjan. "Alam mong mainitin ang ulo ni kuya nextime, huwag kang tanga na kokonprontahin mo siya. Kahit wala naman kayo! Kase kahit magunaw ang mundo? Hinding hindi papatol sa'yo ang kuya ko!" masungit na ani ko tch. Maya maya lang habang busy kami magsermon kay Amika. Bigla kaming nakarinig nang isa pang putok ng baril. "Yari na! Sobrang init na ng ulo ni kuya! Dahil 'yon sa'yo malandi ka kase tch!" masungit na sabi ko, wala ako pake kung masaktan s'ya sa sinabi ko. Nagkatinginan kami at pinakiramdaman ang paligid. Maya maya lang bigla naman lumabas si kuya sa elevator. Makikita mo sa mukha nito na badtrip ito hindi na kase maipinta ang mukha n'ya. Tinignan lamang kami nito nang masama at lumabas na ito ng pinto. Ako naman biglang kinabahan, kaya agad akong tumayo at tumakbo papunta sa elevator. "Pre, saan ka pupunta?" tanong ni Arex sa akin. Hindi ko na s'ya sinagot at nagmadaling sumakay sa elevator. Alam ko nang ang putok ng baril na narinig namin ay galing sa office ni Kuya. Hindi ako sigurado pero sana mali ang iniisip ko. Paghinto ng elevator agad na akong lumabas at naglakad papunta sa office ni kuya. Pagdating ko sa pinto ng office. Kinakabahan ako hindi ko alam kung bakit? Pero kusa nang gumalaw ang kamay ko para buksan ang pinto. Nang makita ko na nakatayo si ate Lucy. Maya maya lang parang babagsak na ito, kaya tumakbo ako para saluhin s'ya. "Oh sh*t ate Lucy! Are you okay?" kinakabahang tanong ko rito. "Ate Lucy! Hey wake up!" ani ko. Wala na talaga siyang malay. Nakita ko naman ang mukha nito na pulang pula at duguan ang kaniyang braso. Agad ko na s'yang binuhat papunta sa elevator. Pagbaba sa elevator, agad akong sumigaw. Sh*t baka kung ano mangyari kay Ate Lucy. "Call the doctor. N--ow!" sigaw ko. Agad naman silang kumilos. Ako naman, dinala s'ya sa mini clinic dito sa underground ng mansion. Wala nga lang nurse ngayon dahil kakaalis lang, ay mali pinalayas pala ni Kuya. Napakasira ulo talaga ni kuya. Pati babae hindi n'ya pinapatawad. Agad ko s'ya inihiga sa kama dito sa clinic. "Ano nangyari?" tanong ni Sixpirt "Nahimatay siya!" tipid na sagot ko "Bakit may sugat s'ya braso?" tanong ni Mierjan. "Sa palagay ko nadaplisan s'ya ng bala ng baril!" sagot ko. Mga ilang minuto lang dumating na ang doctor at pinaubaya na namin si ate Lucy. Sana lang maging maayos na si Lucy. Lumabas na kami sa mini clinic at tumambay sa labas nito. "Mabuti nga sa kaniya malandi kase siya!" ani ni Amika. "Amika? Puwede ba! Huwag ka na magsalita. Hindi ka naman makakatulong!" gigil na ani ko at tinignan siya nang masama. Buwisit na babaeng ito, sarap sapakin eh. "Bakit ba concerned ka sa babaeng 'yan. Hindi mo pa naman s'ya gan'on kakilala!" mataray na sambit pa nito. Nagpipigil lang ako na masapak ang babaeng ito. "Kung puwede lang sana. Ilabas n'yo na ang babaeng 'yan. Habang nakakapagpigil pa ako!" mahinahon na sabi ko. Agd aman lumabas ang lima, at kinaladlad si Amika. Naiwan naman si Kuya Shavin. "Tch. Ibang klase talaga si kuya. Pati babae hindi na pinatawad tch..." ani ni kuya at napabuntong hininga pa. "Hindi ko na kilala si kuya. Hindi s'ya gan'yan dati pero ngayon. Ibang-iba na siya, pati ugali n'ya!" ani ko. Iba na si kuya. Mula nang mawala ang mga magulang namin. Sobra ang galit n'ya. Kaya kahit walang kasalanan sa kaniya dinadamay n'ya. "Nakakamiss si kuya!" ani ko. Yumoko ako, para pigilan ang luhang nagbabadyang dumalo'y sa aking mga mata. "Yeah! Me too!" ani ni Kuya Shavin at tinap ang braso ko. "Shavin, Helyvin! Ano ginagawa n'yo dito?" tanong ng isang familiar na boses si Tito Kerswel. Agad ko naman s'ya nilapitan at nag-mano sa kan'ya. "Anong ginagawa niyo dito, Tito Kerswel?" tanong ni Kuya Shavin. "Hinahanap ko kase ang kuya ninyo. Baka alam n'yo kung nasaan s'ya?" tanong ni Tito Kerswel. Ewan ko kung saan pupunta si kuya. Baka kung ano na naman gawin n'on. "Hindi namin alam, Tito Kerswel. Dahil kanina bumaba s'ya nang galit na galit, hindi n'ya sinabi kung saan s'ya pupunta!" sagot ni Kuya Shavin. "Gano'n ba. Ano ba ginagawa n'yo rito sa clinic?" tanong ni Tito Kerswel. "Mayini-uwe si Kuya Klayt na isang babae. Tapos kanina sinaktan n'ya ito binaril pa mabuti at daplis lang!" sagot ko kay Tito Kerswel. Ang sama ni Kuya. "Gan'on ba? Ibang klase talaga ang kuya n'yo. Ibang-iba na talaga siya ngayon!" iling-iling na sabi nito at sumilip sa bintana ng clinic. "F*ck!" mura ni tito Kerswel at may binulong pa ito. Hindi naman namin s'ya narinig. "Bakit, Tito?"tanong ni Kuya Shavin. "Wala, sige aalis na ako! Hanapin ko muna ang kuya n'yo may pag-uusapan lang kami!" ani nito. "Sige po, Tito. Ingat!" sabi ni kuya tumango na lang si tito at umalis na. "Ikaw na bahala dito! May tatapusin pa akong trabaho!" paalam ni kuya Shavin. "Sige kuya. Ako na bahala!" ani ko. Umalis na ito ako naman inintay na lumabas ang doctor. Nang makalabas na ang doctor agad ko naman kinamusta ang kalagayan ni ate Lucy. "Maayos na siya. Nahimatay lamang ito. Dahil sa pagdudugo ng braso n'ya. Mabuti't naagapan!" ani ng Doctor. "Okey Doc maraming salamat," ani ko at kinamayan siya. "Sige Hijo, aalis na ako mayroon pa akong pasyenteng pupuntahan," ani nito tumango na lang ako sa kan'ya. Tinignan ko naman ang kuwarto kung na saan si ate Lucy. Nakita ko siyang natutulog. "Hayst hindi ko alam kung bakit concerned ako sa'yo!" napangiti na lang ako sa sinabi ko. Siguro kung nandito si Mommy magugustuhan n'ya rin si ate Lucy. Mukha naman s'yang mabait e--h "I hope Mom, you're here. Para gabayan kami sa landas na tinutungo namin. I miss you so much mommy..." ani ko sa aking isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD