Ehsay
Hindi mawala wala ang inis ni Ehsay kahit nasa tapat na siya nang mansion ng Montecarlo nakasimangot pa rin siya. Hindi lang dahil sa ninakawan siya ng halik nang gurang na ‘yon kundi basang basa siya at nilalamig na.
“Neng paano ka nakapasok sa Village? Bawal ang manlilimos dito. Umalis ka na bago pa kita ipahabol sa aso”
“Grabe ka naman kuya. Sa ganda kung ‘to sasabihin mong manlilimos ako. May isang gurang na mayabang na pangit na may gawa nito sa akin kaya basang basa ako. Paki tawag na lang po si lola Cora ko para malaman mong hindi ako manlilimos kuyang poging pogi”
“Talaga pogi ako Neng? Sige mag hintay ka dito tatawagin ko si Manang Cora”
“Naniwala naman si kuya na pogi siya. Wala bang salamin sa bahay na eto” napa ngisi siya sa kalokohan niya. Nilalamig na talaga siya.
“Pagnakita ko talaga ulit ang gurang na ‘yon makakatikim sa akin ‘yon” bulong niya at sinipa niya pa ang maliit na bato na nasa harapan niya.
“Ikaw na ba yan Ehsay? Anong nangyari sayong bata ka? Bakit basang basa ka at may putik ka sa mukha?” sambit nang lola Cora niya. Medyo tumanda na eto nang huling kita niya dito.
“Ako nga po lola Cora ang magandang apo ni lola Guada. At ‘yong sunod niyong tanong kung bakit ganito itsura ko pwede po ba mamaya ko na sagotin. Nilalamig na ako at nagugutom na ako lola Cora”
“Halika na pumasok ka na. Wala ka pa rin pinagbagong bata ka”
“Maganda pa rin ako lola kahit bilad ako sa araw”
“Ang ganda nang apo niyo Manang Cora”
“Mag tigil ka d’yan Berting bata pa tong apo ko. Kaya huwag kang luluko-luko d’yan. Tatamaan ka sa akin”
“Kuya Berting baka pasokan nang langaw yang bibig mo sa sobrang laki. Natulala ka na ba sa kagandahan ko? Naku naman kuya Berting ‘yong ilong mo parang kayang kaya akong higopin”
“Grabe ka naman Neng kanina sinabihan mo akong pogi ngayon naman nilalait mo ako”
“Halika na Ehsay baka mapaaway ka pa kay Berting. Kararating mo lang dito sa mansion”
Tatawa tawa siyang sumama na kay lola Cora niya. Nilingon niya pa si Berting at nginisian. Sobrang laki nang mansion na eto. Sa lahat nang bahay na nadaanan niya eto ang pinaka malaki at parang palasyo na. Sumakay pa sila nang lola Cora niya mula sa gate patungo sa mansion sa isang maliit na sasakyan na tinawag na golf cart nang lola niya.
“Grabe ang laki nang bahay na ‘to lola at sobrang ganda. Sa labas pa lang sobrang ganda na. Parang nakakahiya e-apak ang madumi kung paa sa loob nang bahay na eto”
“Eto talaga ang pinakamalaking bahay sa buong Village Ehsay. Bilyonaryo kasi ang may ari nito na magiging amo mo na rin. Pasok na tayo sa loob nang makaligo ka at makapagpalit nang damit”
Lalo siyang humanga nang makapasok sila sa loob nang mansion. Ang laki nang chandelier na may kulay ginto, may nagmamahalang mga kagamitan, malalaking vase na halatang hindi gawa sa Pilipinas. Kahit mahirap siya maalam siya sa mga bagay na pang mayaman dahil mahilig siyang mag tingin sa mga magazine nang mga naglalakihang bahay dahil pangarap niyang maging isang architect.
“Ang bahay na eto ay punong puno nang karangyaan. Mapapa sana all ka na lang. Pero parang ang lungkot. Mas masaya pa tumira sa kubo nila nang lola niya” sa isip niya.
Dinala siya nang lola niya sa isang silid. Sabi nang lola Cora niya eto ang magiging silid niya. Tuwang tuwa siya na may sarili siyang kwarto na may tv at may sariling banyo na din. Hindi niya na kailangan mag igib nang tubig pang ligo.
“Paano ba buksan ang gripo na ‘to?” sambit niya at pinagpipihit niya lang hanggang sa bumukas eto.
“Hala ang galing naman nang gripo na to parang waterfalls” sambit niya at tuwang tuwa siya habang nalilligo. May mga gamit na din panligo sa loob nang banyo.
“Ang bango naman nang shampoo na ‘to hindi katulad nang ginagamit ko sa probinsiya at hindi na sabong panglaba ang sabon ko sa katawan mukhang mamahalin din” sambit niya at makailang beses niyang sinabon ang katawan niya.
Magbibihis na lang ako nang mapatingin ako sa salamin. Hinawakan ko ang labi ko na hinalikan nang lalake kanina. Napakagat labi siya at napangiti.
“Ganon pala ang halik nang isang gurang” sa isip niya.
Lumabas siya nang silid niya na malinis na malinis na. Nag suot siya nang mahabang palda at bulaklakin na long sleeve na regalo nang lola niya noong ika labing lima niyang kaarawan.
“Lola Cora nandito na po ako”
“Lola Cora siya ba yong apo niyo? Bakit mukhang Manang kung manamit” sambit nang kasama ni lola Cora sa kusina at tinawanan pa ang suot niya.
“Grabe ka naman ate kulot ang ganda ganda kaya nito. Paborito ko nga ‘to, sabi nga ng lola Guada ko noong nabubuhay pa siya bagay na bagay sa akin etong damit na eto”
“Maka kulot ka naman d’yan. Ano na nga pangalan mo? Ilang taon ka na ba?”
“Kulot kasi mas bagay sayo. Interview ba to? Ako po ay si Ehsay Rivera disais anyos. From the beautiful province of Quezonnn!” sambit niya at isinigaw niya ang Quezon na para siyang kasali isang patimpalak sa fiesta sa probinsiya nila.
“Manang Cora ang kulit pala nang apo n’yo. Ang ganda sana niya kaya lang mukhang Manang manamit”
“Grabe ka naman ate Kulot. Maka Manang ka naman d’yan. Ang ganda kaya nang damit ko”
“Ehsay huwag mo nga ako tawaging kulot. Tawagin mo nga akong ate Maya”
“Sige ate Maya huwag mo din ako tawaging Manang”