Bata

1055 Words
Ehsay “Ate Maya salamat at isinama mo ako sa mall ngayon. Ang bait-bait mo ngayon at ang buhok mo ang ganda bagay na bagay na sayo hindi ka na mukhang bruha” sambit niya. Tuwang tuwa siya na makapunta ulit nang mall. Isang buwan na siya sa Maynila at isang buwan na rin siyang namamasukan sa mansion nang Montecarlo. “Nambola ka pa Ehsay. Buti na lang at hindi ka na mukhang Manang ngayon. Ang ganda mo dyan sa suot mong skinny jeans at white sleeveless na blouse. Hindi ka na mukhang Manang at bata. Disisais ka pa lang pero ‘yong katawan mo dalagang dalaga na” “Ate Kulot naman okay na yong sinabihan mo akong maganda bakit inulit ulit mo pa ang mukha akong Manang dati” “Ehsay iiwanan kita dito pag kulot pa din ang tinawag mo sa akin” “Sorry na ate Maya na sobrang ganda. Punta tayo doon sa murang bilihan nang mga damit” sambit niya at sa sobrang pag ka excited niya hinatak niya si ate Maya niya papunta sa bilihan nang damit. “Ate Maya bakit ang liit mo? Kayang kaya kitang bitbitin” sambit niya at humalakhak pa siya sa pangaasar niya kay Maya. “Oh my gosh. Look what you've done” sigaw nang babaeng nabangga ko. Sa kakatawa ko hindi ko alam na may tao sa daraan ko. Bigla niyang naalala ‘yong unang araw niya sa Maynila na basang basa siya dahil sa gurang na mayabang na akala mo pag aari ang kalsada. Bigla niya naalala dahil ‘yong babaeng nabangga niya basang basa ang damit nito dahil nataponan dito ang hawak hawak nitong inomin. Napangiti siya dahil mukhang basang sisiw eto at nanlilisik ang mata nito sa galit. Imbes na mag sorry siya iba ang nasabi niya. “Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo. Ikaw kaya ang bumangga sa akin” sambit niya at tinaasan niya eto nang kilay. “It’s your fault, you are the one bump me. You don’t know how expensive this dress was!” sambit nito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. “Aba naman talaga ‘tong babaeng maarte na ‘to pa english english pa. Bakit ba lagi nila pinangangalandakan ang mamahalin nilang damit parang si gurang na ‘yon” sa isip niya “Hoy miss na maarte para kang kontrabida sa isang pelikula na inaapi ang bidang babae at ako ‘yong bidang babae. Ikaw ang bumangga sa akin hindi ako” sambit niya at namaywang pa siya. Narinig niya ang tawanan nang mga tao. Pag tingin niya ang dami na palang tao sa paligid niya. Kumaway pa siya sa mga eto. “Ehsay ano ka ba huwag ka na makipag away mukha pa naman mayaman yan. Tara na” sambit ni Ate Maya niya ng hindi siya sumama iniwanan siya nito. “Look what she did to my dress babe” sambit nang maarteng babae. Nang lingonin niya eto nakita niya ang matangkad na lalake na parang nakita niya na pero hindi niya matandaan. Tinitigan niya etong mabuti at inalala kung saan nga ba niya eto nakita. “Naku naman eto ‘yong gurang na lalake na nagnakaw nang unang halik niya. Kung mamalasin ka nga naman ngayong araw na eto. Bagay silang dalawa nang babaeng kontrabida na to na ipinangangalandakan sa akin na mamahalin ang damit niya” bulong niya na may kalakasan naman kaya naririnig nang dalawang tao sa harapan niya. “What is she talking about, Babe?” Hindi naman sumasagot ang lalake at nakatingin lang sa akin. Tinitigan siya nito lalo na ang labi niya. Tinaasan niya eto nang kilay at pinangdilatan nang mata. “Manyak talaga ang gurang na ‘to. Makatingin akala mo kakainin ako nang buhay” sa isip ni Ehsay at tinitigan niya eto nang mariin habang kagat-kagat niya ang pang ibabang labi niya. Mannerism niya ang pag kagat nang labi pag may naiisip siya. “Hey Bata, stop staring at me” “Hoy gurang hindi na ako bata. Disisais na ako. Huwag mo nga ako kausapin. Hindi ako nakikipag usap sa gurang na manyakis” sambit niya at tinalikoran niya ang mga eto sa inis niya. “B’wisit na gurang na ‘yon tinawag pa akong bata. Mukha ba akong bata?” bulong niya at nagpalinga-linga siya para hanapin si ate Maya niya. “Tapos ka na ba makipag away Ehsay?” “Ate Maya naman hindi naman ako nakikipag away. Nakakainis naman kasi. Huwag ka na magalit, sige ka pag nagalit ka lalong kukulot ang buhok mo” sambit niya at nginisian si Maya. “Iwan ko sa’yo Ehsay ang kulit mo talaga. Halika ka na nga ng makabili na tayo nang damit” sambit ni Maya at hinila na siya nito. Nilingon niya pa ang dalawang tao na nakasagotan niya kanina at nakita niya pa ang pagtitig nang lalaki sa kanya. “Ano kaya problema nang gurang na ‘to. Tingin pa nang tingin” sa isip ni Ehsay. Inirapan niya eto at tiningnan nang masama. “Ate kulot mukha ba akong bata?” “Ehsay naman iiwanan na talaga kita pag tinawag mo pa akong kulot. Bata ka pa naman talaga Ehsay disisais ka pa lang. Mukha ka lang dalaga sa katawan mo pero ‘yong mukha mo bata ka pa talaga tingnan” “Talaga ate Maya?” “Oo Ehsay, bakit ba gusto mo nang tumanda?” “Ayaw ko lang tawagin akong bata. Dalaga na kaya ako” “Sino ba tumawag sayong bata?” “Si gurang. Naku dalawang beses ko na siyang nakita inis na inis ako sa kanya” Napahinto siya sa paglalakad nang tawa nang tawa si Maya. May luha pa eto sa mata kakatawa. “Ate Maya nababaliw ka na. Ano naman nakakatawa sa sinabi ko? Hala huwag mong sabihin na baliw ka na talaga?” “Ay, naku Ehsay hindi ko talaga kinakaya yang kakulitan mo. Bakit naman gurang tawag mo? Matanda na ba talaga ang tumawag sa’yo nang bata?” “Mukha siyang matanda sa akin. Gurang lang tawag ko kasi nakakainis ang lalaking ‘yon” Napasimangot siya nang maalala na naman na ang lalaking ‘yon ang nagnakaw nang halik sa kanya at tinawag pa siyang bata sa harap nang maraming tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD