First Kiss

836 Words
Ehsay Naglalakad si Ehsay patungo sa mansion ng Montecarlo. Dahil walang nakakapasok na tricycle, taxi, or jeep dito sa Village ng mayayaman kaya kailangan niyang lakarin ang patungo sa mansion. Medyo basa pa ang kalsada dahil sa katatapos na pag ulan. Nilagay niya ang bayong sa ulo niya habang naglalakad siya. Pakanta kanta pa siya nang biglang may rumaragasang sasakyan na dumaan. At sa malas, niya natapat pa sa may tubig kaya basang basa siya at may kasama pang putik na tumama sa mukha niya. Ibinagsak niya ang bayong at sinubokang alisin ang putik sa may mata niya. Huminto ang sasakyan kaya sa inis niya dinampot niya ang bato at ibinato niya eto sa sasakyan na may gawa kung bakit mukha na siyang basang sisiw na putikan. “Hoy walang hiya ka. Akala mo pag aari mo ang daan. Porket maganda yang sasakyan mo. Boysit ka bumababa ka d’yan” sigaw niya. Nakita niya ang pag atras nang magarang sasakyan pabalik sa gawi niya. Kahit laking probinsiya siya marunong siyang lumaban. Hindi naman siya basag ulo pag alam niya lang na nasa tama siya hindi siya nagpapatalo. Dumampot ulit siya nang bato at ihahagis na sana ulit eto nang bumukas ang sasakyan at bumababa ang isang may kaliitan na lalake. Pinigilan niyang matawa dahil sa edad niya na disisais nasa five feet and six inches na siya at di hamak na mas matangkad pa siya sa lalakeng bumaba mula sa magarang sasakyan. “Miss ayos ka lang ba? Pa censiya ka na nagmamadali kasi ako” “Mukha bang ayos lang ako. Nakikita mo ba ang itsura ko o bulag ka lang!” sigaw niya dito. “Alex just give her money. Late na ako sa appointment ko” Napatingin si Ehsay sa lalakeng nagsalita na bumababa sa likoran nang sasakyan. Hindi eto pangkaraniwang lalake lang. Matangkad eto na tingin niya ay six feet ang taas nito, may matangos na ilong, manipis na mapulang labi, ang mata nito ay kulay gray at ang katawan nito parang ‘yong nasa magazine na pinakita sa kanya ni Berta ang chismosang tindira sa palengke sa probinsiya nila. Nang magawi ang tingin nito sa kanya bigla etong humalakhak. Kaya sa inis niya dumampot siya nang putik sa may harapan niya at ibinato sa damit nitong mukhang mamahalin. “Ano ka ngayon?” sambit niya at inirapan pa ang lalakeng uumusok ang bumbunan sa galit. “What the fúck!!” sigaw nito. Galit na galit eto sa kanya at inilang hakbang lang ang pagitan nila. “Look what you've done. I have an important meeting to attend too. Alam mo kung gaano ka importante ang meeting na ‘yon ha! Hindi mo ba alam kung gaano kamahal ang suit na to? Baka kahit buong buhay mo hindi mo ‘to kayang bayaran!” sambit nito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Nakita pa niya na napalunok eto nang magawi ang mata nito sa dibdib niyang bumakat dahil nabasa ang puting t-shirt na suot niya. “Grabe siya! Por yor enpoormesyon…Ano na nga yong sunod. Ay iwan basta. Hoy Mister sa ganda kung to ipangbabayad lang sa damit mong hindi naman bagay sa’yo mukha kang lalake na mahilig sa mga matrona. Saka hindi na ako bata disisais na ako. Sabagay bata talaga ako kumpara sa’yo na gurang na” tuloy-tuloy na salita niya. Narinig niya ang pag tawa nang pandak na lalake na naunang bumaba kanina. “Kuya dahan dahan sa pagtawa umaabot na sa akin ang laway mo” “Alex just give her a fúcking money and let’s go late na late na ako” sigaw nang matangkad na lalake at tinalikoran na siya nito. “Gurang na mahilig manigaw. Akala mo gwapo!kahit gwapo siya hinding hindi ko ‘yon sasabihin” bulong niya na may kalakasan kaya narinig naman nang matangkad na lalake na papasok na sa loob nang sasakyan pumihit eto pabalik sa kanya at walang babalang hinaklit ang braso niya at inangkin ang labi niya. Nagpumiglas siya at sinubokang makawala. At bigla siyang binitawan nito at naglakad patungo sa sasakyan nito na walang lingon likod na pumasok na sa sasakyan. “Walang hiya kang lalake ka. Nakakainis ka wala na ang first kiss ko” inis na inis siyang nagpapadyak at masamang tiningnan ang sasakyan. “Miss pa censiya ka na sa bossing ko. Eto kunin mo na tong pera” “Anong gagawin ko d’yan? Magsama kayo nang amo mong gurang na nanghahalik na lang basta” Inis na inis siyang pinagdadampot ang mga damit niya na nagkalat at ibinalik sa bayong na dala niya at tinalikoran ang lalakeng pandak. Narinig niya na lang ang pag andar nang sasakyan nang mga eto na hindi niya na pinagkaabalahan pang lingonin. “Napaka walang hiya nang lalakeng gurang na ‘yon. Ganito ba ang mga lalake sa Maynila nanghahalik na lang bigla? Walang hiyang gurang na ‘yon. Nakakainis talaga wala na ang first kiss ko!” tuloy-tuloy na salita ni Ehsay habang naglalakad patungo sa mansion.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD