Simula

1249 Words
Ehsay Dalawang linggo pa lang nakararaan nang mamatay ang lola niya. Kaya namumuhay siyang mag isa sa kubo nila na pinamana ng lola niya sa kanya eto na lang ang mayron siya. Bitbit ang bilao na puno ng gulay na paninda niya sa palengke. Malayo layo din ang nilalakad niya mula sa kubo nila patungo sa palengke. Malapit na siya sa palengke ng sinalubong siya ni badong ang makulit na manliligaw niya sa palengke. “Hi miss betiful” “Naku badong tigil tigilan mo yang kaka English mo mali mali naman. Huwag mo nga sirain ang araw ko. Mag sipolyo ka badong ang baho” Nilagpasan niya eto at nagtuloy tuloy siya sa pwesto niya sa tabing kalsada. “Ehsay naman kakaligo ko lang at nagsipolyo din ako. Ang gwapo ko nga daw sabi ni Coring” “Naku Badong doon ka na lang kay Coring at baka malasin pa ang araw ko kailangan kung maubos tong paninda ko” sa totoo lang may itsura naman si badong kaya lang hindi siya interesado sa mga lalakè. Disisais pa lang siya at laging sinasabi nang lola niya noong nabubuhay pa eto na pagaaral ang atupagin huwag ang mga walang kwentang lalakè. Ang daming nagsasabi na maganda siya mukha lang siyang gosgosin dahil mahilig siyang magtanim at sa palengke lang naman ang punta niya kaya kung ano lang ang sinusuot niya hindi din siya pala ayos. Makaligo lang araw araw okay na sa kanya. “Badong tawag ka na ni tatay mag deliver ka na daw ng tubig” tawag ni Coring kay badong at inirapan siya. “Aba! Eto talagang si Coring korikong akala mo pinaglihi sa sama ng loob” bulong niya. “Bye my labs” “Yucks ka talaga Badong” “Bili na kayo nang gulay ko mga suki fresh na fresh. Mas fresh pa sa petsay ni aling Bebang” “Pabili ako Ineng isang bungkos nang sitaw” “Salamat Manong naku ikaw ang swerte ko ngayon. Isa kang angel” kinuha niya ang binayad nito at hinampas hampas ang pera sa paninda niya para swerte. “Ehsay naman sinali mo na naman ang pangalan ko” “Ay sus Aling bebang naman fresh ka naman noong panahon nang mga ninuno ko” “Ikaw talagang bata ka. Pasalamat ka pinapa tinda pa kita sa harapan nang pwesto ko” “Kayo naman aling Bebang hindi na kayo mabiro. Bumabata kayong tingnan” “Totoo ba yan?” “Oo naman kailan ba ako nagsinungaling? Mabuti pa aling Bebang bilhin mo na tong paninda ko nang makauwi na ako. Ang dami ko pang labahin” “Sige ilagay mo na yan doon sa pwesto ko dahil sinabihan mo akong bumabata. Tingin mo ba papansinin ako ni Tonio ngayon?” “Ay oo naman aling Bebang ang ganda niyo kaya. Ayan paparating na si Mang Tonio. Joke lang mamaya pa siguro ‘yon. “Ikaw talagang bata ka. Hindi kita bayaran d’yan” “Huwag kang ganyan aling bebang papangit ka pag hindi mo ako binayaran” “Eto na nang makauwi ka na” “Salamat aling bebang. Napakaganda niyo at napakabait n’yo pa” “Bolera ka talagang bata ka” Tuwang tuwa siya na makakauwi siya ng maaga. Bibili muna siya nang isda at bigas bago siya umuwi. Sa murang edad niya nakasanayan niya na ang mga gawaing bahay at hirap nang buhay. Nang mamatay ang lola niya tinulongan siya ng mga kapitbahay niya. Pakanta kanta pa siya habang naglalakad siya pauwi sa kubo. “Ehsay sulat para sa’yo galing Maynila. Hinatid kanina dito. Tinanggap ko na dahil wala ka naman. May kakilala ka ba sa Maynila?” “Salamat ate Melay. Baka kakilala ni lola” Pagkapasok niya sa kubo nagsaing muna siya at hinugasan ang isda na binili niya. Inilapag niya ang sulat sa mesa. Balak niyang buksan eto pagkakain niya nang pananghalian. “Lola nakikita mo ba ako? Ang ganda ko ngayon lola. Naliligo na ako araw araw. Ang bango ko na lola hindi na ako amoy araw. Miss na kita lola” “Ay ano ba yan ayaw ko na mag crylalo masisira ang facelak ko Lola. Diyan ka lang lola dito lang ako. Huwag mo muna ako kunin at bata pa ako La. Sayang naman kung ma tsutsugi ako ng maaga” Binuksan niya ang sulat at binasa niya. Noong nabubuhay pa ang lola niya lagi nitong kwento ang tungkol sa kaibigan niyang si Lola Cora niya. Best friend ng lola niya si lola Cora na mayordoma sa mayamang taga Maynila. Laman nang sulat ang address nito sa Maynila at perang pamasahe niya papuntang Maynila. Binilin pala siya nang lola niya sa kaibigan nito bago siya namatay. “Lola huwag ka mag alala magpapakabait ako kay lola Cora sa Maynila. Hindi ako magpapasaway. Luluwas na ako sa Maynila bukas lola iiwanan ko muna tong kubo natin” Maaga siyang nagising kinabukasan. Hindi siya gaanong nakatulog kakaisip niya sa pagluwas sa Maynila. First-time niya lang kaya kinakabahan siya. Pinagbilin niya na kay ate Melay na kapitbahay ang nila kubo niya. Bitbit ang bayong niya na pinaglagyan niya nang ilang damit niya at isang backpack lumabas siya nang kubo. “Bye kubo” Alas syete pa lang ng umaga nasa terminal na siya ng bus na tinuro sa kanya ni ate Melay. Kinakabahan siya habang nakaupo na siya sa bus. “Manong ilang oras ba ang papuntang Maynila. Pagising po ako ha” “Walong oras Ineng saan ba ang punta mo sa Maynila? “Eto po ang address” “Medyo malapit na to sa terminal sa Maynila. Sige gisingin na lang kita” “Napakabait naman ni Manong sana kunin ka na ni Lord” “Sus na bata ka! Marami akong anak na pinapakain” “Joke lang Manong” Nagtawanan ang mga nakarinig sa sinabi niya sa loob nang bus. Pumikit siya hanggang sa nakatulog siya. Nagising siya nang may kumakalabit sa balikat niya. “Ano ba natutulog pa ang tao” “Ineng nasa Maynila na tayo. Tulog mantika ka tulo pa laway mo” Napabalikwas siya nang bangon at nauntog pa siya sa may bintana nang bus at dahil sa sinabi ni Manong na tulo laway siya kinapa niya ang gilid nang bibig niya. “Hindi naman Manong. Grabe ka baka ikaw ‘yon” Nakita niyang tawa nang tawa si Manong kundoktor at ang driver. “Mag taxi ka na lang papunta sa Village na pupuntahan mo. Mayayaman ang mga nakatira doon” “Salamat Manong” “Taxi pala ang tawag dito. Ang lambot nang upoan. Bakit ka tumatawa Manong?” “Maka Manong ka naman bata pa ako. Ngayon ka lang ba nakapunta nang Maynila?” “Oo Manong kaya huwag mo akong gugulangan” Tawa nang tawa ang driver nang taxi na sinasakyan niya. “Hanggang dito lang ako sa labas nang Village bawal kasi ang mga taxi dyan” “Magkano po?” “150” “Hala Manong ang mahal naman niyan. Dalawang araw ko na yang pagtitinda sa palengke. Ang lapit lang naman nang papunta dito mula sa terminal. Saka 50 na lang pera ko. Kunin mo na ‘to” “Grabe ka naman Ineng lugi ako sa gasolina sa’yo” “Bahala ka d’yan Manong eto lang pera ko” “Akin na nga yan. Kung mamalasin ka nga naman” “Akala niya maiisahan niya ako. Buti nga sa’yo” bulong niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD