“Ehsay pakilinis naman ‘yong silid ni sir Avans, marami pa kasi ako ginagawa”
“Sige ate Maya”
Dala-dala ang mga panglinis umakyat si Ehsay sa ikalawang palapag at pumasok sa loob ng silid nang kanyang amo.
“Wala naman natutulog dito pero laging pinapalinis. Malinis na nga lilinisin pa rin. Siguro ayaw ni Tandang Avans na may dumi sa silid n’ya” sa isip ni Ehsay.
Simula nang mamatay ang lola ni Ehsay isang taon na ang nakararaan. Ang mansion na ang naging tahanan niya. Dahil sa pakiusap nang kanyang lola bago eto namatay sa matalik nitong kaibigan na si lola Cora niya kaya napunta s’ya dito sa mansion nang Montecarlo. Mayordoma ang lola Cora niya dito sa mansion. Isang taon na siyang katulong sa mansion pero hindi niya pa nakita kahit isang beses ang amo nila. Ang sabi nang mga kasamahan niyang katulong. Ulilang lubos na ang amo nila, masungit at hindi ngumingiti kaya ilag sila dito. Kaya ang nabi-vision niya isa etong, matandang panot, mataba at ubod ng pangit. Katulad nang nabasa niya sa isang libro na mayaman na lalake pero pangit eto.
Pakanta-kanta pa siya habang nagwawalis sa loob nang silid.
Kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay
Humanap ka nang pangit at ibigin mong tunay
lalalala
Paulit-ulit na kinakanta ni Ehsay na sinasabayan niya pa nang sayaw. “Bagay na bagay ang kantang ‘to sa amo ko” sambit n’ya.
Napasigaw si Ehsay nang biglang bumukas ang pintoan at pumasok sa loob ang lalake na seryosong seryoso ang mukha.
“Magnanakawww…malakas na sigaw ni Ehsay.
Hinawakan ang baywang niya at tinakpan ng matangkad na lalake na ubod ng gwapo ang bibig ni Ehsay gamit ang mabango at malambot nitong kamay. Sa takot ni Ehsay kinagat niya ang kamay nito at dahil sa ginawa n’ya nakawala siya sa lalake.
“Fück! Fück! Fück” mura ng gwapong lalake.
“Ang ganda ganda nang suot mo magnanakaw ka! Ang bango-bango mo, ang tangos ng ilong mo, at ang pula-pula ng labi mo tapos magnanakaw ka lang”
Tinitigan ni Ehsay ang lalake at pinisil n’ya ang matangos na ilong nito.
“Totoo ka naman pala, hindi ka multo kaya magnanakaw ka. Paano ka nakapasok sa mansion?”
“Who the héll are you?”
“Hoy hindi hèll ang pangalan ko, E-h-s-a-y”
Pinaghahampas ni Ehsay ng hawak niyang walis ang lalake.
“Manang Coraaaa” malakas na sigaw nito.
Humihingal na pumasok sa loob ng silid si lola Cora at nilapitan ang lalake.
“Sir Avans dumating na po pala kayo” sambit ng lola n’ya. Bigla siyang nakaramdam ng takot na baka paalisin s’ya ng lalake dahil sa pinagkamalan niya etong magnanakaw at pinaghahampas n’ya pa eto ng walis.
“Who the héll is she?” sambit ng lalake.
“Héll na naman ang tawag n’ya sa akin. Sinabi ko na nga ang pangalan ko kanina” bulong ni Ehsay.
“Sir apo nang kaibigan ko. Siya po ‘yong sinabi ko sa inyo na bagong katulong dito. Pa censiya na kayo kay Ehsay sir” sambit ng lola Cora n’ya.
“Siya si Tandang Avans Lola?” bulong niya sa lola Cora n’ya
“Ehsay huwag mong tatawagin si Sir nang ganyan baka paalisin tayong dalawa dito”
Sa takot n’ya na paalisin siya nito. Binalak ni Ehsay na lumuhod dito at humingi nang tawad. Sa kamalasan n’ya natapakan niya ang walis at nawalan sya ng balanse nasubsob siya sa gitna nang dalawa nitong hita. Tumama ang bibig n’ya sa nakabukol sa pantalon nito.
“What the Fück are you doing?” malakas na sigaw nito at hinila siya nito patayo at tinulak.
“Aray naman. Hihinge na nga ako ng sorry nagagalit pa. Nakakainis ka naman walis bakit naman pinatid mo ako. Yan tuloy lalong nagalit si Tandang Avans” sambit ni Ehsay at humalukipkip sa tabi ng lola Cora niya.
“Pa censiya na talaga kayo sir sa apo ko. Pagsasabihan ko po siya. Halika ka na Ehsay” sambit ni lola Cora.
Hila-hila siya ng lola n’ya palabas nang silid ng amo nila. Lumingon pa siya dito at dinilaan n’ya eto. Nakita pa ni Ehsay ang pagngiti ni Avans habang nakapamulsa na nakatingin sa kanila ng lola niya.
“Lola sorry po akala ko po kasi magnanakaw siya”
“Ehsay naman mukha bang magnanakaw si Sir Avans sa suot niya na mukhang kagalang galang. Mabait naman si sir kaya paghumupa na ang init nang ulo niya. Humingi ka ng tawad sa kanya. Naiitindihan mo ba Ehsay?” Sermon nang lola Cora niya.
“Opo lola”
“Diligan mo na ‘yong mga halaman sa garden Ehsay”
“Okay po lola, mas gusto ko pong gawin yan kasya maglinis ng kwarto na malinis naman pero pinapalinis pa” sambit niya na ikinatawa ng lola niya.
“Ikaw talagang bata ka”
Tumakbo na siya papunta sa garden at nagsimulang diligan ang mga halaman. Eto ang gustong gusto niyang gawin. Noong nabubuhay pa ang lola niya ang dami nilang halaman na mga gulay at bulaklak sa bakuran nila. Binibinta niya ang mga gulay sa palengke para may pang baon siya sa eskwela noon. Pangarap niyang makapagtapos bilang isang architect pero hindi kaya nang lola niya na pagaralin siya kaya high school lang ang natapos niya.
“Ang gaganda niyo naman mga halaman. Kasing ganda ko kayo” sambit ni Ehsay habang nagdidilig ng halaman. Sinasabayan niya pa ng pagkanta at sayaw habang nagdidilig siya ng mga halaman. Mahilig talaga siyang kumanta kahit ang kanta walang hilig sa kanya.
“‘Maganda ba ang boses ko mga halaman? Huwag niyong sabihin na hindi. Magtatampo ako sa inyo” ngumiti pa siya sa mga eto at pinagpatuloy na ang pagdidilig.
Hindi napapansin ni Ehsay na kanina pa may nagmamasid sa kanya sa ikalawang palapag nang mansion. Nakatanaw eto sa balkonahe habang pinagmamasdan ang bawat galaw ni Ehsay.
“Crazy little witch” sambit ni Avans na napapailing habang pinagmamasdan ang bagong katulong na si Ehsay.