Karugtong nang simula
Matulin lumipas ang mga araw isang taon na si Ehsay na namamasukan bilang katulong sa mansion nang Montecarlo sa loob nang isang taon na ‘yon hindi niya pa nakikita ang may-ari nang mansion. Sabi ni Maya hindi daw eto palangiti at sobrang seryoso kaya na e-emagine niya dito ay isa etong matandang lalake na pangit at napapanot na ang buhok.
“Iba talaga pag mayaman laging pinapalinis ang bahay kahit malinis na”
Maaga pa lang naglilinis na sila nang buong kabahayan dahil kahapon kinausap silang lahat ni lola Cora niya na darating ang amo nila ngayon. Simula kahapon walang tigil sa pag utos ang lola niya sa amin nang mga dapat gawin.
****
Katatapos niya lang mag dilig nang halaman. Hanggang ngayon hindi siya makapaniwala na ang inaakala niyang matandang, panot at pangit na amo nila ay isang napaka gwapo, masungit na masungit na masungit at napaka lamig tumingin. Hindi niya napigilan ang mapa irap pag naalala niya ang ginawa nitong pag sigaw at pag tulak sa kanya kanina. Hindi niya naman alam na eto pala ang may ari nang mansion at ang amo nila. Pinagkamalan niya pa etong magnanakaw kanina.
“Parang may kamukha si tandang Avans. Parang nakita ko na talaga siya hindi ko lang matandaan” sambit niya.
Dumiretso siya sa kusina at balak niyang tumulong sa pagluluto.
“Lola Cora ako na po ang magluluto nang tangha—” hindi niya natapos ang sasabihin niya, dahil hindi si lola Cora niya ang naabotan niya sa kusina kundi si tandang Avans na sumimangot agad pagkakita sa kanya.
“Aba naman akala mo naglilihi sa akin. Makasimangot daig pa ang babaeng matandang dalaga na galit sa babaeng maganda na katulad ko” bulong niya. Tumalikod na siya nang tawagin siya nito.
“Bata make me a coffee”
“Bata na naman! Kung hindi ko lang ‘to amo baka sinipa ko na ‘to kakatawag sa akin nang bata” bulong niya. Bumuntong hininga siya bago siya humarap dito.
“Sige po sir. May asukal po ba at cream sir” tanong niya dito sa seryosong mukha.
“What is your name again?”
“Bakit sir kailangan ba sa pag gawa nang kape ang pangalan ko? Hindi ko naman po lalagyan ng lason nang daga ang kape n’yo. Mabait po ako at hindi kagaya niyong masungit”
“Ehsay sumagot ka nang maayos pag kinakausap ka ni sir Avans”
Gulat na gulat siya nang magsalita ang lola n’ya sa likoran n’ya.
“Lola naman nanggugulat kayo d’yan. Saka po sinasagot ko naman nang maayos si Tanda— sir Avans”
“Just make me black coffee” sambit ni Avans. Nakita niya pa ang pag ngiti nito kaya sinimangotan niya eto.
“Sabi nila hindi daw ngumingiti ang amo nila bakit ilang beses niya na etong nakitang ngumiti. Baliw ‘ata ang amo nila, bigla na lang ngumingiti” sa isip niya at dumiretso na siya papasok nang kusina para igawa nang kape ang amo niyang masungit.
“Bata when you're done bring my coffee to my room” sambit nito at ngumisi pa bago siya talikoran.
“Hindi na ako bata!” inis na inis na sigaw niya dito. Napipikon na talaga siya sa Tandang Avans na amo nila.
Narinig niya pa ang halakhak nito bago nawala sa paningin niya.
“Asaran pala ang gusto mo ahh! Tingnan natin baka lalong umusok yang ilong mo sa galit sa gagawin ko” bulong niya at sinabayan niya pa nang pag tawa.
“Ehsay dalian mo na d’yan at dalhin mo na ang kape ni sir Avans. Pakabait kang bata ka baka pareho tayo mapalayas dito”
“Opo lola”
Nakangisi pa siya habang kumakatok sa pintoan nang silid nang amo nila.
“Come in”
“Come in” pag gagaya niya sa sinabi nito. Binuksan niya ang pintoan at dahan-dahan siyang naglakad papasok sa loob nang silid ni Avans.
“Sir eto na po ang kape n’yo”
“Put it on the table”
“Sir kailangan inomin n’yo agad eto. Hindi masarap ang kape pag malamig na”
Nakita n’ya ang pagtataka sa mata nito at tinitigan siya. Hindi siya umalis sa kinatatayoan niya at nakipag tagisan nang titigan dito.
“Akala mo uurongan kita. Champion ‘ata eto sa titigan” sa isip niya. Napangisi siya nang ang kanyang amo ang unang nagbaba nang tingin.
“Give it to me”
Lumapit siya dito at inabot ang kape nito.
“Inomin mo na sir habang mainit pa” sambit niya at nginitian niya pa eto nang pagkatamis tamis. Pinanood niya ang paglapat nang labi nito sa tasa.
“İnomin mo na dali ang pinakamasarap na kape na matitikman mo” sa isip ni Ehsay at binaling niya sa ibang direction ang mukha niya para hindi nito makita ang pag ngisi niya.
“What the fúck!!” sigaw nito at naibuga ang kape na nilagyan niya nang asin.
“Buti nga sa’yo. Tawagin mo pa akong bata sa susunod lalagyan ko lagi nang asin ang kape mo” sambit niya at tumakbo na siya papunta sa pintoan.
“Where do you think you're going? You're a little brat”
Bigla nitong ne-lock ang pintoan. Pag lingon niya dito kaunti na lang ang pagitan nila, kaunting galaw niya lang sasayad na ang labi niya sa labi nito. Ikinulong siya nito sa pagitan nang mga braso nito at nakasandal na siya sa pintoan.
“Pwede ba sir ilayo mo nga yang pangit mong mukha sa akin” sambit niya. Gamit ang kamay niya tinulak niya ang mukha ni Avans palayo sa kanya. May gumapang na parang kuryente sa katawan niya nang sumayad ang labi nito sa palad niya. Tinanggal niya agad ang kamay niya sa mukha nito at lumusot siya sa pagitan nang braso nito.
“What did you say? I’m ugly? Tanging ikaw lang nagsabi niyan”
“I’m your boss you have to learn how to respect me. This is my house and you have to obey me”
“Bakit ba panay English ka pwede ba pakitagalog dumudugo na ang ilong ko. Ang alam ko nasa Pilipinas pa ako, hindi ako na inform na English na pala ang lenggwahe sa bansa”
“What the hèll you talking about?”
“Bakit ba hell na naman tawag mo sa akin. E-H-S-A-Y ang pangalan ko. May ipaguutos ka pa po ba sir? Dahil kung wala na lalabas na ako. Ang dami ko pang gagawin. Kung ikaw—”
“Shut up!”
“Bakit ba naninigaw ka na naman? Hindi na kita tatawagin na tandang Avans. Magpapakabait na ako huwag mo lang akong tawaging bata. Seventeen na kaya ako. Sabi nga nila ate Maya at ate Flor dalaga na ako”
Gulat na gulat siya nang bigla etong tumawa nang malakas.
“Ano bang nakakatawa?”
Sa sobrang pagkapikon niya inapakan niya ang paa nito at tumakbo na siya patungong pintoan.
“Buti nga sa’yo” sambit niya at inirapan niya pa ang boss niya.
“EHSAYYYY!! You're a brat!”
Narinig niya pang sigaw nito bago niya isara ang pintoan nang silid nang amo niya at tumakbo na siya pababa sa hagdanan.