Inis na kumatok si Joy sa pinto ng landlady ng boarding house. Ilang katok pa at pupungas-pungas na binuksan ito ni Mela, ang matandang dalagang may-ari ng tatlong palapag na boarding house. Nasa first floor ang kuwarto niya dahil gusto niya ring nasusubaybayan ang kaniyang nag-iisang negosyo. "Ano ba? Maaga pa para sa akin ang oras na ito..." nanatili siyang nakatayo sa harap ng pinto at walang balak na i-entertain ang babaing singkit na nasa kaniyang harapan. "O, pakiamoy po." Itinutok ni Joy ang hawak na baso kay Mela. Halos naninilaw na ito at may kaunting kung ano-anong nasa loob niyon. Parang durog na babad na laman ang itsura. "Ano 'yan? Ginising mo ako para lang painumin ng tubig?" nanlilisik ang mga mata ni Mela dahil ang ganda pa naman ng panaginip niya tapos puro kapabebehan