Napapaatras si Sam habang nakatingin pa rin sa ilang hibla ng buhok na nasa lapag. Nadaragdagan ito dahil nanatiling bukas ang shower. Mabilis namang pinatay ito ni Sam. Agad niyang hinagilap ang tuwalya at itinaping basta sa hubad na katawan at muntik pa siyang madapa sa paatras na hakbang. Ito na nga ang ba kinatatakutan niya! Napalingon pa ang dalawa sa biglang paglabas ni Sam ng banyo. "Tapos ka na?" tiningnan pa siyang maigi ni Joy dahil hindi man lang nabasa ang nakalugay na niyang buhok. Nanatiling nakatingin si Sam sa nakabukas na pinto ng banyo. Paatras ang hakbang niya kaya napaigtad pa siya nang mabangga ang hita sa kama. "Hoy! Okay ka lang?" lumapit si Joy sa kaniya at hinawakan sa balikat si Sam. Nilingon din niya ang tinitingnan nitong banyo. "May sapak ata ang utak niy