Dahil sa dami nang iniiisip ni Sam, hindi niya namalayang nakalagpas na pala siya sa silid na kaniyang papasukan. Iniisip pa rin kasi niya ang nangyari kani-kanilang. Nagsisigaw si Joy kaya napalabas si Trixie na nakatapis pa ng tuwalya. Pilit na kinakalma naman ni Sam si Joy pero tumakbo ito sa labas at pinuntahan muli ang landlady. Mayamaya pa ay nagkagulo na dahil kuko raw iyong nakitang lumabas mula sa gripo. Ang sabi naman ni Mela ay hindi. Mukhang tumigas na pintura lang daw dahil nagpapintura siya ng dam. Galit na galit man ang ibang boarders ay wala silang magawa. Ipinangako naman ni Mela na itse-check ang dam, pero sa isang linggo pa naka-skedyul ito para patingnan. Kaya kinakabahan siyang makikita na ang bangkay ni Kelly. Kahit pa wala naman sigurong ebidensiya na magtuturo