Makalipas ang isang buwan... Hindi makahinga si Sam habang nakatingin muli sa building na nasa pagtawid lang. Isang nakakainis na sulyap pa ang ginawa niya bago tuluyang tumawid sa kabila. Makaraan lang ang limang araw, may nag-email sa kaniya na nakapasa siya sa university na malapit lang sa boarding house na iyon ngang kaniyang titirhan. Buti na lang at napakiusapan niya si Jenny, isang malayong pinsan, na samahan ang ina hangga't hindi pa siya nakakahanap nang malilipatan nilang mag-ina. Ayaw rin naman kasing umalis ng ina sa lugar na iyon. Sabagay, nagkakaroon na ito ng laman at lalong nagiging masigla. Natigilan si Sam nang mapatingin sa guard. Nagkatitigan sila at wala namang indikasyon na nakilala siya nito. Sabagay, nakapantalon siya at T-shirt na medyo maluwang sa kaniya, rub