SAM 12

747 Words

Pilit na nag-iisip si Sam nang biglang may kumatok nang sunod-sunod kasabay nang pagtawag sa pangalan ni Kelly. Natilihan siya at agad na sinulyapan si Kelly na nasa may pinto ng banyo. Narinig nito marahil kaya nagkakawag ito at pilit na gumagawa nang ingay. Pilit din itong sumisigaw kahit pa wala namang boses na lumalabas sa kaniya. Agad na nilapitan ni Sam ang babae at hinawakan para tumigil. Halos hindi na humihinga si Sam nang ilang saglit pa at nawala na rin ang mga katok. Binitawan na rin niya si Kelly at nakiramdam. Marahang lumapit sa pinto. Nagulat pa siya nang makitang may papel na kulay puting pilit na isinuksok sa ilalim. Tumigil siya at hindi gumawa nang anumang ingay. Nang matiyak na wala ng tao sa labas ng pinto, agad siyang yumuko at dinampot ang papel. Binasa ang naka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD