Patakbong tinungo ni Sam ang lababo at sumuka nang sumuka. Hindi na halos niya namalayan na wala namang lumalabas sa kaniyang bibig dahil maghapon siyang walang kinain. Pero kasi nang mabasa niya ang utos para sa kaniyang ikalawang wishlist ay ito ang naging resulta; hindi matanggap ng utak niya at pati ng kaniyang sikmura. Kanina, nang dinampot niya ito para sulatan na nga ng kaniyang pangalawang kahilingan, pera siyempre, napakaraming pera ang kaniyang isinulat. Para nga naman hindi na sila magkaproblema pa ng dahil sa pera. Subalit, may mga naglitawang letra na ikinagulat niya nang mabasa. Ang wishlist na ito ay may tatlong bagay na hindi maaaring ibigay: Una, pera o kayamanan. Pangalawa, pagbuhay ng tao o hayop na namayapa na. Pangatlo, kapangyarihan. Pitong wishlist lang ang maaari