When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
"Malala na ang TB ng iyong ina. Hindi na ito kaya nang pag-inom lang ng gamot. Sumabay pa na diabetic pa pala siya. Kung naagapan sana hindi hahantong sa ganito ang lahat. Kailangan na siyang i-admit kaagad. Pero, tatapatin ko na kayo, baka hindi na siya abutin ng humigit kumulang na anim na buwan." Malungkot na saad ng doktor sa kanila ni Tiyo Dan. Walang humpay namang tumulo ang kaniyang luha habang nakatingin sa nakaratay na ina. Wala pa rin itong malay. Bakit hindi nito sinabi ang bagay na iyon? Inilihim nito dahil alam niyang wala silang perang panggamot. "Malaki raw ang magagastos sa panggagamot ng nanay mo. At hindi ko alam kung saan tayo kukuha niyon. Kailangan rin daw siyang ikuha ng sariling kuwarto para hindi makahawa sa iba. Nakakainis naman bakit si Tet pa ang dinapuan ng ga