SAM 4

921 Words
Tulala at nanginginig si Sam sa isang gilid ng kuwarto nang dumating ang ina at kinakasama nito. Yakap niya ang mga tuhod at impit na umiiyak. Kanina, tsinek niya ang dila at bumalik na iyon sa dati. Tiningnan niya pa sa may salamin at ganoon nga, buo na ulit ang dila niya. Nabuo ng ganoon lang . Ngayon, alam niyang hindi ito isang bangungot o panaginip kaya. Totoo ang lahat na nangyari kanina lang. Totoong napatay niya si Aling Bining at kinain niya ang pinutol na dila nito. Pinilit na rin niyang isuka iyon pero walang lumalabas sa kaniyang lalamunan. Kahit anong sundot niya rito ay wala talaga. "Sam, anak. Okay ka lang?" napalingong bigla si Sam sa palapit na ina. Nag-aalala ang mukha nito nang lumuhod sa tabi niya. Mabilis naman niyang pinahid ang luha at ngumiti nang pilit. Walang dapat makaalam ng mga nangyari, kahit ang kaniyang ina. Umiling siya nang sunud-sunod. "N-naalala ko lang si Rick." minsan ay naikukuwento niya sa ina ang ibang taong nakakasalamuha niya. At isa na rito sina Shaira at Rick. "Makakalimutan mo rin siya. Sige na, magpahinga ka na." Tinapik pa siya nito sa balikat bago tumayo at lumabas ng kaniyang kuwarto. Nahiga nang nakatagilid si Sam habang nakabaluktot. Naluluha pa rin siya kapag sumasagi sa isip ang mga ginawa. Malamang ay hindi siya nito makakatulog. Ilang minuto pa ay naisipan niyang tumayo. Nagtataka kasi siya dahil sobrang tahimik ng bahay. Usually kasi, hindi pala madalas, kapag ganitong umuuwing lasing ang Tiyo Dan niya, sobrang ingay nito. Sasabayan pa nang pagbubunganga ng kaniyang ina. Pero ngayon ay himala ng mga himala! Hinawi niya ang kurtina ng kuwarto at sumilip sa labas. Ang salas s***h kainan nila ay siyang tulugan din ng kaniyang ina at ni Tiyo Dan. Hala! Mahimbing na natutulog ang dalawa habang magkayakap pa? Napangiwi siya kahit pa mas gusto niya iyong ganito; tahimik at payapa ang paligid. Kaya nga iyon ang hiniling niya sa wishlist, manahimik ang mga ito... Nanlaki ang mga mata niya nang maalala ang notebook. Diyata't nagkatotoo ang isinulat niya sa wishlist? Agad niyang hinagilap ang notebook na nasa ibabaw ng kahon ng kaniyang damitan. Tinanggal niya muna ang ballpen na nakasabit sa ibabaw niyon bago kinakabahang binuklat. Pero walang nakasulat sa mga pahina! Tanging wishlist number 2. Napunit niya kaya? Sinilip ni Sam ang loob ng kahon pero walang papel na naroon. Kahit ang lapag ay kaniya ring sinipat subalit wala naman. Walang bakas din na napunitan ng pahina ang notebook. Kaya paanong mawawala ang mga isinulat niya? Nawala nang kusa? Anong kababalaghan meron ang notebook na ito? Wala namang maaaring makialam nito para mawala o mapunit na lang iyon basta. Sumasakit na ang ulo niya sa kaiisip pero talagang naniniwala na siya. Hello, ngayon pa ba? Ang dila niya kanina na unti-unting naagnas na nang sinunod niya ang utos ay biglang bumalik sa dati. Ang sinulat niyang katahimikan na nangyayari na ngayon. Totoong halos isang oras pa munang magbabangayan ang mga ito bago mangyari ang nasilayan niya sa labas. O, hindi na nga niya naalala ang huling araw na nagyakap ng ganito ang mga ito. Magbabatuhan muna ito ng mga gamit kaya nga nasira ang electricfan nila. So, totoo nga? Mabilis siyang naupo sa lapag at mukhang nae-excite na siya kung may kapangyarihan mang taglay ang wishlist na ito. Sa isang taong tulad niya na maraming gustong mangyari sa buhay ay isang pag-asa ang tingin niya rito. Kahit pa kapahamakan niya o ng iba pa iyon. Nangingiti pa siya nang magsisimula na sanang magsulat nang magulantang sa sunud-sunod na katok sa kanilang pintuan. Kaalinsabay nito ang pagtawag sa pangalan ni Tiyo Dan at ng kaniyang ina. Saktong nakalabas na siya ng kuwarto nang inaantok pang bumangon ang dalawa. "Sino ba 'yan!?" nakapikit pa ang isang mata ng nanay niya nang buksan ang pinto. Si Lupe na kabitbahay nila na nagpapataya ng ending ang nabungaran ng kaniyang ina. Bungal na ito at may pinakamarami atang anak sa baranggay nila. Mas payat pa ito sa kaniyang ina. Hinihingal pa itong nang magsalita na halos ikalaki ng kaniyang ulo dahil sa narinig. "Aling Tet, natagpung patay si Bining. Sa tapat mismo ng kaniyang tindahan!" napatayo nang tuluyan si Dan at lumapit na sa pinto. "Ano?! Paanong..." "Pinatay siya!" Napalingon sila kay Sam nang mailagpak nito ang notebook na hawak at tulalang nakatingin sa kanila dala nang pagkabigla. "Sam, dito ka lang. Pupuntahan namin si Bining." Halos wala na sa paningin niya ang mga umalis pero hindi pa rin tumitinag si Sam sa kinatatayuan. Paano kung may nakakita pala sa kaniya kanina? Tiyak na sa kulungan siya pupulutin kapag nagkataon. *** Tatlong araw lang ibinurol si Aling Bining at inilibing na rin ito. Walang nakakita sa nangyari kaya walang makapagturo kung sino ang salarin. Maraming nag-akala na baka addict ang may gawa dahil tinanggal nga ang dila nito. Dumating naman ang asawa at anak nito at sila na ang nag-asikaso ng burol at mga naiwan ng babae. Medyo nakahinga nang maluwag si Sam dahil sa nangyari. Ligtas na siya. Panandaliang nakalimutan niya ang tungkol sa Wishlist dahil nakitulong siya sa burol at pagpapalibing ni Aling Bining. Pambawas na rin sa pag-uusig ng kaniyang kunsensiya. "'Nay, okay ka lang?" mula sa pagbibigay ng tinapay at juice sa mga nakipaglibing, nalingunan niya ang inang sapo ang sariling bibig habang ubo nang ubo sa gilid. Agad niya itong nilapitan at bago pa man ito lumagpak sa lupa ay nasalo niya ito. Nawalan ng malay tao ito kaya napasigaw siya sa takot. jhavril---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD