Halos dalawang buwan ang lumipas at wala naman naging problema si Sam. Hindi nakulong si Mela dahil hindi napatunayang may kinalaman ito sa pagkamatay ni Kelly. Ang guard naman ay inilipat na lang ng ibang destinasyon. Isa na lang pala ang problema niya, wala na siyang pera. Hindi naman niya puwedeng ibenta ang cellphone, dahil sa bukod na luma na ay ito na lang ang ka-connection niya sa ina. Dalawang beses sa isang buwan ay umuuwi siya. Bawal maglabas ng gamit na nasa loob ng bahay kaya kahit naa-attempt siyang magbenta, hindi niya ginawa. Baka ikapahamak pa nilang mag-ina. Mabuti na iyong nag-iingat. Pero, wala na talaga, sagad na. Wala rin siyang mahanap na trabaho. Kahit iyong extra lang, part time. Nurse ang course niya at magastos pa lang talaga. Buti nga hindi pa sila nag-uuniporm