Rain's POV Tita, Alunsina's mother invited me to eat dinner at their house. Nag aalangan pa akong pumayag kasi hindi naman na kami okay ni Alunsina, worried din ako na baka ayaw nya pa akong makita ngayong hindi pa matagal simula nung nagka sagutan kami sa ospital. Pero dahil close na din naman ako kay tita na para ko na din syang nanay ay pumayag ako, sabay ng pag asa na baka ay sumabay siya sa amin kumain. Pagkadating ko naman sa bahay nila ay sinalubong ako agad ng hug ni tita na para nya talaga akong anak na galing sa trabaho, pinaupo muna ako ni tita dahil hindi pa daw siya tapos mag luto kaya naman ay tinignan ko muna ang mga litratong nasa sala. Doon nakita ko ang picture naming buong batch noong grade 10 na masayang masaya na nakangiti dahil sa wakas ay nakatapos na ng junior high