Alunsina's POV Pagkatapos ng nangyari noong nakaraang linggo ay pinilit kong maging okay sa harapan ni Angelo dahil ngayon din kasi ang trip namin papuntang Batangas kaya naman ay tinahak ko sa isip ko na dapat lang akong mag enjoy sa buong oras na kami ang nag uusap pero dapat ma enjoy din namin ang oras namin nang mag kasama. Mahigit 4 na oras ang byahe noon mula Manila kaya naman ay maraming oras kaming nag kwentuhan ni Angelo at nakinig sa mga paborito naming kanta. Para sa akin ay mas naeenjoy ko na magkasama kami lagi dahil mas lalo ko syang nakikilala. Ever since college ay hindi na ako nag alangan sakanya dahil eksaktong sya talaga ang tipo ko sa lalaki. Pero nagbago yun nang bigla nya na lang nga akong iwasan, WHICH IS SPEAKING OF!!! hindi ko pa iyon natatanong sa kanya!!!! He