Isla's POV Sa totoo lang ay na anticipate ko na ang pangyayaring ito, na may gagawin sila para sa anak nilang si Rain pero nakakatakot naman talagang tunay ang mga magulang ni Rain pero hindi ko pa din akalain na hahantong sa ganito ang kaya nilang gawin para sa kanya. Hindi kasalanan ni Alunsina kung nagkaron man ng brain tumor si Rain. Huli na ng ma diagnosed siya kaya naman hindi na ito maaagapan. Mahirap paniwalaan na ganoon talaga ang mangyayari sa kanya, ang nakayanan ko lang naman na gawin ay ang damayan si Rain sa mga panahong hindi sya okay dahil sa pag reject sa kanya ni Alunsina. Ngayon ay kailangan ko na din abisuhan si Alunsina. Agad akong pumunta sa condo nya ngunit wala sya. Isang lugar na lang ang mapupuntahan ko at yun ang paaralan nya. Nagpunta nga ako pero wala din sya