Alunsina's POV Maaga akong nagising sa mga bisig ni Angelo. Kung pwede lang na huwag ng umalis ay hindi ako aalis. Ibang iba ang araw na ito dahil imbis na magising nang maaga para mag asikaso papuntang paaralan para mag turo ay hinahanda ko na ang mga iilang damit ko dahil gusto ko ng pag handaan kung ano pa man ang worse na susunod na mangyayari kapag nakapunta na ako sa bahay ng mga Flores. Sinulit ko ang mga natitirang minuto bago ako umalis at pinagmasdan ang natutulog na si Angelo sa kama ko. Sorry mahal ko. Para din ito sa ikabubuti mo, ninyo. Sana mahanap mo pa din ako mahal ko. Maghihintay ako sa muli nating pagkikita. Mahal na mahal kita. Hinalikan ko sya bago tuluyang buksan ang pinto at naglakad papalayo. Nag iwan na din ako ng letter para sa kanya. Yun na ang mga huling s