Chapter Four
Tinaas ko 'yong water proof camera at kinunan ng picure ang mga naggagandahan na mga coral at iba’t ibang klase ng isda. Worth it talaga na pumunta dito. At n’ong satisfied na ako sa pagkuha ng picture ay lumangoy na ako paitaas. Hinanap ko agad sa yatch na ni-rent ko si Cedric. Nasa deck siya at tahimik lang na nagbabasa ng kung anong libro.
Nang mapansin niya ako ay agad na kinawayan ko siya pero ini-snob lang niya ako.
Tinanggal ko 'yong snorkel sa bibig. “Alam mo napaka-nuknukan mo talaga ng sungit! Sigurado ka ba na ayaw mong mag-scuba? May spare pa doon sa loob ng yatch na iyan. Pwede mo ako samahan.”
Hindi niya ako pinansin. Sus, pakipot lang iyan eh pero deep inside kinikilig iyan haha!
“Bingi ka ba? Meron ka ba ngayon?”
Masama na tumingin siya sa akin. “Tapos ka na diyan? Umuwi na tayo.”
“Yoko pa. Isang oras palang tayo dito 'no tas uuwi na kaagad?”
“Iyan na nga eh. We’d been here for an hour yet hindi ka pa nagsasawa?”
Nanghaba ang nguso ko. Killjoy talaga niya? Oh why? Bakit ba napapaligiran ako ng mga killjoy na tao? “Fine. Bigyan mo lang ako ng five minutes.” Pasalamat ka love kita eh.
Bumulusok na uli ako sa tubig. Lumalangoy sa napakailalim na parte, nang may mapansin akong oranger thingy na may white stripe ay sinulyapan ko iyon. Clown fish! Daling-dali na kinunan ko iyon ng picture subalit napakibilis nito kaya naman ay kalahati lang ng katawan ng clown fish ang nakunan ko. Sinundan ko ito tas kinunan, this time ay nakunan ko talaga ang buo ito, lihim ako napangiti. Okay na siguro ito. Nang mapagtanto ko na five minutes na pala ang nakalipas ay babalik na sana ako nang bigla parang may pumulipit sa paa ko.
Cramps! s**t! s**t!
Pinilit ko lumangoy pataas kaso nga lang sa tuwing gagalaw ako ay ang sakit talaga ng paa ko!
CEDRIC’S POV
Binaba ko ang libro na binabasa ko at sinulyapan ang wristwatch.
I sigh na tila nauubusan na talaga ako pasensya sa babaeng ito. Sabi niya five minutes lang pero ilang minuto na ba ang nakalipas? Ten minutes na pero hindi parin umahon sa dagat. Hindi talaga niya ako sineseryoso, kahit ito lang. Napakunot ang noo ko nang mapansin akong lumulutang na bagay. It was a red rubber band na ginamit nang babae na iyon para itali ang mahaba niyang buhok.
Parng may kung ano kaba. Kahit na sakit lang sa ulo ang binibigay niya sa akin ay nasa pangangalaga ko siya. Kaya naman ay walang kimi na tumalon ako sa dagat mula dito sa yatch. Walang kahirap-hirap na makita ko siya…
MAXINE’S POV
Ito na ba ang katapusan ko na forevah virgin? Yuck naman eh. Ah! s**t! Ang sakita talaga ng paa ko. Nagpasalamat na lang ako nakasuot ako ng snorkel. I don’t know how it will last long pero sana naman ma-gets ni Cedric ang kalagayan ko ngayon.
Maiiyak na ako. Nakaramdam na ako ng panghihilo, para akong hinihila pababa patungo sa kinaliliman. I slowly close my eyes, naghihintay na lang na kunin ni kamatayan. Hindi pa nga ako nawalan ng ulirat ay nakaramdam ako na may kamay na humawak sa braso ko…
“SORRY na eh. Hindi ko naman kasalanan na pulikatin ako eh.” Kaninang hapon pa 'yon nangyari na muntik na ako malunod sa dagat. Mabuti na lang pala ay nandoon si Cedric at niligtas ako. Iyon nga lang piningot ay pinaulanan ako ng sermon sa kanya. And also to my surprise, piningot niya ang tainga ko!
Ang sakit din niyon ah!
Wala sa sarili na himas-himasin ang tainga ko. First time na may pumingot sa cute kong tainga. Ako lang ata na tao na naging masaya na piningot nang irog ko ang tainga ko. Pagkatapos na mangyari iyon ay parati na bad mood si Cedric.
“Libre na lang kita ng dinner ngayon.” Nalaman ko na umuwi na pala si Ice. Grabe lang 'no? For sure, trabaho na naman ang aatupagin niya! Ayan tuloy wala akong kasama na mag-dinner kaya si Cedric na lang ang yayain ko. Hopefully na papayag. Pakipot kasi eh.
Tumigil sa paglalakad si Cedric na ikinatigil ko din. He motion his hands na lumapit daw ako. At ako naman si Eng-eng lumapit talaga wih matching kilig pa nang inilapit niya ang bibig sa tainga ko. Pero pakshet lang! kasi sa 'di ko inaasahan ay bigla ba naman niya ako binulyawan sa tainga ko! “HINDI PWEDE!”
“Aray! Nakakaisa ka na ah. Pakipot ka naman eh! ang sakit niyon ah!” Hinihimas ang tainga, para akong mabingi sa sigaw niya.
“Hindi ako nagpapakipot. Who in the right mind na magpapalibre sa isang babae?” Iyong nanghaba kong nguso kanina ay napalitan ng ngiti. Abot tainga na ata iyong ngiti ko na ikinakunot ng noo ni Cedric. “Why are you smiling?”
“Since ayaw mo naman magpalibre dahil babae ako. Eh di ikaw ang manglibre.” Inayos ko pa iyong kwelyo niya kahit na maayos naman iyon. “Mukhang bigtime ka naman ngayon eh.” I said, I lift up my chin and batting my eye lashes at him.
“—the heck?!”
Hindi ko na lang pinansin iyong tono ng pananalita niya at nang iba pang guest dito sa hotel na nagagawi sa direksyon namin.
“Sige na! ang sakit na nga ng tainga ko dahil piningot at sinigawan mo pa eh.” Pangonsensya ko sa kanya. Hindi naman tumalab iyon pero napapayag ko naman siya dahil sa kakulitan ko. Doon kami sa isang restaurant sa baba ng hotel kumain. Dahil once in a blue moon lang ata siya manlibre ay tinodo ko na. Um-order ako ng hot & spicy chicken steak, smash potatoes with gravy, vegetable salad, berry almond crumble at fruit shake.
“You sure eat a lot for a woman like you.” Hindi maitago sa mukha ni Cedric na pagkagulat.
“Ganito lang ako kapag gutom. Besides, sexy na ako 'no. Hindi ako tumataba.” Totoo iyon. Kahit anong dami kong kain ay hindi ako tumataba. “At isa pa, bakit ko naman pipigilan ang sarili ko na kumain? Ayokong mamatay ng maaga 'no dahil sa diet na iyan.” Nang dumating na ang order namin ay nagsimula na ako kainin iyon.
“Now that’s explain why you’re so heavy.”
Muntik na ako mabulunan sa sinabi niya. “Hindi ako mabigat 'no.” Tanggi ko.
“Whatever.” Heto na naman, bumalik na naman sa dati. Hindi ko talaga siya ma-gets.
Tinawag ko siya. Pero hindi niya ako pinansin. “Cedric.”
“…”
“Cedric!” Grabe lang 'no? Bingi kaya siya?
“…”
“Kapag hindi mo ako papansinin. Hahalikan talaga kita!” banta ko.
“Now what?” Aba, ayaw magpahalik 'no?
“Wala lang.”
“Tsk! Kumain ka na nga lang!”
“Cedric?”
“Kapag hindi ka umayos ay iiwan kita dito.”
Ayoko naman maiwan dito kaya naman nag-isip ako nang mabuti kung anong sasabihin ko. Sumagi sa isipan ko iyong stalker kahapon. “Ano na ang balita tungkol doon sa stalker ko? Nandito ba siya? Ha? Ha?!~”
He rolled his eyes. “So far hindi ko siya napapansin na umaaligid ngayon.”
“Hmm…” Tumango-tango na lang ako kahit wala naman ako paki doon. Humiwa ako ng maliit na piraso ng manok tas kinain.