Chapter Five
“What the…” Namilog ang mata ko, hindi ko inaasahan na madatnan ang kay daming tao sa labas ng condominium kung saan ako nakatira. Well, hindi naman siguro makapagtaka kung sakali mga fans ko iyon pero may mga reporters din! Para kasing nagkakagulo eh. Kakauwi ko lang galing sa pagbakasyon ko sa resort. Kasama ko din si Cedric pero tahimik lang na nakaupo sa likod.
Tumunog ang cellphone ko na ngayon ko lang napansin na parang umuusok na iyon dahil kanina pa pala ring ng ring iyon. Galing kay Gaia iyon. “Manong wag itigil niyo po muna dito ang taxi.” Tumalima naman iyong driver, agad na sinagot ko ang tawag. “Hello?”
“This is serious, Maxine!” Wala sa oras na tinakpan ko iyong tainga ko sa lakas ng boses ni Gaia.
“Ano ba ang nangyari? Nawala lang ako ng ilang araw ay napakadami naman tao dito?”
“What? Nandiyan ka na sa condo mo? Alam na ba nila na nandiyan ka na?”
“Nope. Nandito pa kami ni Cedric sa loob ng taxi.”
“Good. Huwag kang dadaan sa entrance kundi doon sa likod ng condo.”
“Anong problema?” I was still oblivious what was happening.
“Gusto mo malaman? Hindi ka ba nanood ng tv? Oh nevermind. May kumalat kasing picture ninyo ni Cedric, usap-usapan na baka may relasyon kayo! Alam mo ba ang ibig sabihin niyon?”
Seriously, inaasahan ko na balang araw ay dadagsaan ako ng mga tao sa ganitong sitwasyon pero hindi ko inaasahan na magkakaroon ng misunderstanding dito! Pero in fairness okay lang kasi si Cedric naman iyong lalaki eh!
“Why are you looking at me like that?”
Ay naku! Nahuli pala niya akong nakatitig sa kanya. Nginitian ko na lang siya bilang sagot tas kinuasap si Gaia sa kabilang linya. “Gaia, wala naman problema doon di ba?”
“Anong wala?! Tingnan mo nga 'yong picture niyong dalawa! Teka, e-send ko lang sa'yo.” Pinatay niya ang linya tas nag-send ng picture. Namilog ang mata ko na nilingon si Cedric.
“What?”
“Oh my gosh! Oh my gosh! Cedric! This is so horrible!!!”
Nagtataka na inagaw niya ang cellphone ko na ikinaasim ng mukha niya. Grabe naman parang nakakita ng hindi kaaya-aya. “Anong problema nito?”
“Seriously, hindi mo alam?” Segunda ko. Malaki itong problema. Dahil dadagsain ako ng madaming reporters tungkol dito.
“Uh. I forgot sikat ka pala kaya malaking issue iyang picture na iyan. Kung gusto mo I could ask someone to delete all the picture na iyan na nakakalat sa internet. At pwede ko din patahimikin ang media.” Wow, believe na ako sa kanya. Siguro napaka-impluwensya ng agency na tinatrabuhan niya kaya kampante lang ito.
Umayos ako sa pagkaupo. “No. Huwag na.”
“Seriously? You hired me to protect you at kasama na din ito sa trabaho ko.”
“Are you kidding me? Ayoko nga.”
“Ang gulo mo.”
“Aba, kung ganito naman iisipin ng mga tao dito sa buong pinas na may relasyon tayo then why not? I really don’t mind at all, isa pa hassle lang iyan. Hehe!” Masama na tiningnan niya ako pero binigyan ko lang siya ng peace sign.
“Then why the heck are you hysterically?”
Napakamot ako. “Eh tingnan mo nga maigi iyang picture na iyan! Hindi close up iyong picture natin!”
“Damn. Ayusin mo nga ang kilos at pananalita mo! Para kang baliw, para iyon lang? tsk! At kung pwede lang sana e-deny mo iyang balita na iyan. We’re not dating or anything. I am just your personal bodyguard.”
Nanghaba ang nguso ko. “Hindi ba talaga pwedeng magpanggap kang boyfriend ko?”
“No.”
“Why?”
“Dahil ayoko.”
“Hindi pa—este—naman kita pipikutin eh. Isa pa di ba secret lang natin na personal bodyguard kita?” Hindi ito umimik, ibig sabihin niyon ay ako ang nagwagi pero naudlot ang pagsasaya ko sa isipan magsalita uli siya.
“I didn’t care a less if it’s a secret or not. This problem of yours has nothing to do with me, I don’t want to lie other people just to please you. For once, Maximillian, can’t you be serious when a time like this? Dinadaan mo kasi sa biro ang lahat kahit hindi naman. Hindi ka parin nagbago mula noon hangang ngayon.”
Napalis ang ngiti ko nang marinig ko iyon. Iniisip parin niya na joke lang itong naramdaman ko sa kanya? Mapait na ngumiti siya.
“Seryoso naman talaga ako eh.” Mahinang sabi ko bago ako lumabas ng kotse nang likod na kami ng condominium at nagmadaling pumasok. Hindi ko na alam kung sumunod ba siya sa akin o hindi pero wala akong pakialam. For the first time na nainis ako sa kanya. Bakit ba parati na lang niya iniisip na hindi ako seryoso sa kanya? Sure, I always joke around but my feelings for him ay totoo iyon. Siya lang iyong manhid. May babae ba na nagtitiis sa kasungitan niya?
Nang nasa condo unit na ako pero hindi pa nga ako tuluyan nakapasok ay bigla gumusot iyong ilong ko sa baho. Muntik na nga ako matumba dahil sa may kung ano nakaharang sa paanan ko.
“Ano ito?”
Isang ordinaryong box lang iyon pero umaalingasaw doon ang masamang amoy parang patay.
Napalunok ako ng ilang beses. Bago binuksan iyon.
Parang tinakasan ako ng dugo sa mukha sa nakita and before I knew it ay tumili ako ng kay lakas. “Ah!!! Patay! Patay! Ah!”
Mabilis naman na nakarating si Cedric sa likuran ko. “What happened—s**t! What the hell is that smell?”
“Cedric! Cedric! May pugot na ulo!” Napaiyak ako dahil sa takot. He pull me against him, ngayon nasa bisig na niya ako. Binaon ko ang mukha sa malapad nitong dibdib. Bigla itong na-tense and let out a curse. Siguro nakita din niya iyon. It was a head of a dead person pero base na din sa mukha niyon ay parang ilang araw na ito patay!
Naramdaman ko na hinila ako ni Cedric palabas ng condo unit ko.
“DITO KA muna.” Sabi ni Cedric. Pansamantala na dito muna ako sa makikituloy sa condo niya, katabi lang ito sa condo ko pero okay na iyon as long na hindi doon sa bahay ko ako matutulog ngayon gabi. Kinuha na ng NBI iyong pugot na ulo para imbestigahan pa iyon. Kinausap ko ang mga ito na sana ay ilihim muna ang nangyayari dito.
Pinaupo niya ako sa upuan. Nilibot ang tingin. First time kong makapasok dito, n’ong lumipat siya dito kasi ay hindi niya ako pinayagan na makapasok. Walang gaanong gamit dito pero sa sofa at maliit na tv. Akmang iiwan niya ako pero pinigilan ko siya.
“Huwag mo akong iwan.”
“I am not leaving you, kukuha lang ako ng maiinom sa kusina.”
“Ayoko. P-please baka multuhin ako ng ulo na iyon o kundi kaya baka nandito lang iyong tao na iyon.” Mangiyak-ngiyak na sabi ko. Nagpakawala siya ng hininga, umupo siya sa tabi ko. Naging malamlam ang ekpresyon niya. Hindi kagaya noon na parang bato.
“Silly. Imposible na makapasok dito sa condo ko ang tao na iyon. I am here to protect you, isa pa. Ilang metro lang ang layo ng kusina. Just wait for me, okay?”
Napilitan na tumango ako pero ang bilis talaga ng t***k ng puso ko dahil ba kay Cedric o dahil sa nangyari kanina? Ewan.
N’ong iwan na niya ako dito sa sala ay niyakap ko ang binti ko at pinatong ang baba sa tuhod. What now? Ayaw ko pang bumalik sa condo ko dahil maalala ko lang iyong nakita ko.
Tama nga si Gaia. Hindi na ito biro ang nangyayari sa akin.
Napaigtad ako ng biglang may kumatok. What now? I am too scared to open the doon. What if that psycho will come and get me?
I don’t deserve to be treated like this. All I did was to be on the show business. May masama ba doon? Mabait akong tao. Kapag free ako sa Sunday ay nag-simba ako. I always thank God for giving me these much of a blessing. Mabait akong anak kahit na makulit kaya hindi ko alam kung bakit kailangan kong ranasin ito.
“Maxine, could you please open the door?”
Bigla akong natigilan. Minsan lang niya ako tawagin sa pangalan ko. Ah, ang sarap palang pakinggan kapag hindi pagalit iyong boses 'no? Saglit na nawala iyong takot sa isipan ko at sinunod ang utos niya. Binuksan ko iyong pinto pero maliit na siwang lang para silipin kung sino iyon.
“Max!” It was Joermiana.
“J-joey?” Iyon ang nickname ko sa kanya. Pinapasok ko siya. “Paano mo nalaman na nandito ako?” Hala, patay! Sekreto namin ni Cedric na personal bodyguard ko siya.
“Tinawagan ako ni Cedric. Sabi niya hindi daw maganda ang pakiramdam mo kaya nandito ako.” Nanudyo na tiningnan niya ako. Walang kaalam-alam sa nangyari sa kanya. Napalunok ako. Ayokong mag-alala siya sa akin kaya pinili ko na lang na magsinungaling.
“Ano?” Tinaasan ko siya ng kilay.
“Ikaw ha. Malihim ka na pala, Max.”
“Anong lihim ka diyan.” Hala, alam na niya?
“Bakit hindi mo sinabi sa akin na magkapitbahay pala kayo ni Cedric? Teka, kayo na ba? May nabalitaan kasi ako na kasama mo siya sa beach resort eh.”
“Ano sa tingin mo?” Sabay kaming tumili. Alam kasi niya na may pagsinta ako kay Cedric eh. Haha! Pero agad kami tumigil. “Sa totoo lang hindi eh. Nagkataon lang na magkasama kami dahil sa trabaho niya.”
“Trabaho…?”
“Er…may sarili siyang business di ba? Gagawin ata akong model sa mga produkto na binebenta ng business niya.”
“Ahh… eh dito? Bakit nandito ka?”
Itinirik ko ang mata ko. “It’s a long story but to make it short. Nangulit ako sa kanya na pumasok dito.”
Mukhang hindi parin siya kumbinsido pero itinikom na lang niya ang bibig. “Alam ba ni Ice din ito?”
“Hindi. And I doubt na nagbabasa iyon ng dyaryo o balita sa tv. Pero in fairness himala ha? pinayagan kang makapasok dito.” Tumili uli kami, tuluyan ng nawala iyong kaba sa dibdib ko. Mabuti na lang nandito si Joey pero mas lalong mas maganda kung nandito si Ice.
“KUNG AYAW NIYO NA ITAPON KO KAYO SA LABAS AY TUMAHIMIK KAYO.”