Chapter 3

1875 Words
Chapter Three I was grinning from ear to ear from excitement, gusto ko tumili pero hindi ko magawa dahil baka batukan ako ni Ice eh, mag-bakasyon muna ako sa trabaho ko for one week lang naman. Pumunta kami ni Ice sa isang resort and it really suit for my likings. Hindi ko alam kung bakit pero napapansin ko na kakaiba ang kilos ni Ice ngayon nagdaang araw pero pasalamat na din ako dahil sa wakas si manang ay sasama sa akin. Sa wakas ay may kasama na ako—Er. Mali.  Hindi lang pala siya, isama na din natin si Cedric kahit na hindi ko siya nakikita sa paligid ay alam ko na nagmamatyag siya sa akin malayo dito. Nakakatwa kasi three days ago, n’ong nagkita kami ni Cedric sa kung saan siya nagtatrabaho ay stiff na stiff siya. Kahit na naka-poker face siya ay sigurado ako na gulat siya na malaman na ako pala 'yong client nila. At 'yong acting ko? Palpak—I mean hindi ko masasabi na palpak pero matatawag ko na okay na iyon. Hindi naman siguro mahahalata na may gusto parin ako sa kanya hehe! Malakas ang tugtog dito sa loob ng bar, humataw talaga ako sa sayaw dito sa dance floor. Although kapag may lalaki na tumangkang sumayaw sa akin ng dirty dance ay umiwas agad ako. Mahirap na chansingin ako eh! First day, first night ko dito sa resort pero ito 'yong una ko ginawa. Nag-bar. Kasama ko si Ice pero napahiwalay ata sa akin. Oh well, kaya naman niya ang sarili kaya hindi ko na siya hinanap.  Kung sakali man na wala na siya dito ibig sabihin niyon bumalik na siya sa kanyang room. Killjoy talaga. Nang mapagod na ako sa kakasayaw ay pumunta ako sa bar counter at umupo sa stool. Bahagya pa nagulat 'yong bartender kasi naman namukhan ako pero hindi na lang nagsalita kasi naman part na ata 'yon sa trabaho nila. “Piña colada nga po.” Less alcoholic drinks na lang ang in-order ko dahil mahirap na baka ma-tipsy ako. nagbayad na ako, mahirap na at baka makalimutan ko 'no. Ilang minuto na ako doon nakaupo, may mga lalaki na niyaya ako na sumayaw but I decline dahil wala na ako sa mood eh. Pero hindi nagtagal ay may isang lalaki na nakasuot ng hoodie jacket, hindi niya inaalis sa ulo 'yong hood. Weird naman niya, wala atang tiwala sa bubong dito. Haha Hindi ko sana siya makilala kung hindi siya nagsalita. “Psh. Gabi na pero nandito ka parin. Wala ka bang balak na bumalik sa room mo?” May halong irritasyon na bulong niya sa akin. Muntik na akong mabulunan sa ininom ko dahil kilala ko ang boses na 'yon. I swallowed hard before I face him. “C-cedric?” “Tsk.” “Anong ginagawa mo dito?” “What kind of a dumb question is that? You hired me as your bodyguard kaya nandito ako. You better go back or else baka may mangyari sa'yo.” Na-touch naman ako. Nag-alala kaya siya sa akin? Kinikilig naman ako! “Napapansin ko kasi na may sumusunod sa'yo kanina. Noong hinabol ko 'yon ay hindi ko siya naabutan.” Dugton niya. Nanghaba ang nguso ko, hindi man lang niya ako hinayaan na mag-illusion man lang. Pasalamat siya malakas siya sa akin eh. Pero hindi ko ipapahalata sa kanya 'yon 'no. Mahirap na eh baka ipilit niya sa boss na iba na lang ang mag-protekta sa akin. Ewan. Hindi parin ako kumbinsido sa death threat na 'yon at tao naman na tinutukoy ni Cedric na sumusunod sa akin? Duh. Fan ko lang 'yon. Ako ata si Maxine. Isang sikat na aktres pero ang forte ko ay kontrabida na role. Oo. Mostly sa nakuha kong role ay may pagka-maldita talaga ma bida man o kontrabida. Pumalatak ako. “Iyon naman pala eh. You said you are my bodyguard kaya…” Inisod ko 'yon stool palapit sa kanya, nilapit ang bibig sa kanyang tainga and said. “Protect me even If it cause your life, handsome.” Gusto ko sana kagatin 'yon taina eh kaso nga lang dahil naka-hoodie siya ay hindi ko magawa ah di—joke lang. “Oh wait, why are you wearing that silly hoodie jacket anyway?” “None of your business.” Suplado talaga niya 'no? Akala ba niya na porque may gusto ako sa kanya ay pwede na niya ako pagsungitan? I smirk ng makabuo ako ng idea. Lumayo ako sa kanya tas tumayo sa kinauupuan. Walang sabi na hinablot ko ang kamay niya tas hinila sa dance floor. “What the—“ “Shut up or else I’ll report you to your boss and told him you are being rude to me all day! Hindi mo ginagawa ang trabaho mo!” Pasigaw na sabi ko kasi naman malakas na ang kanta, nakakabingi pero maganda parin pakinggan.  “Sayaw tayo!” Dance the night away Live your life ,and stay young on the floor... Dance the night away Grab somebody and drink a little more.. Aaa la la la la, lalalalalala la laaaa! “No.” “Come on! Don’t be such a killjoy, Cedric!” Umiling siya tas tumalikod sa akin, akmang lalayasan niya ako dito pero hindi ako susuko. “Baka naman hindi ka marunong sumayaw? Pareho bang kaliwa ang paa mo? Takot ka ba sa akin dahil sa ginawa ko noon sa'yo? Haha!” sa Tumawa ako ng malakas. “Para mawala na iyang pangamba sa dibdib mo, huwag kang mag-alala dahil hindi na mangyayari iyon.” Okay. Ako na ang sinungalin. But who cares? “I was young back then kaya nagawa ko 'yong habol-habolin kita. Isa pa, wala na akong gusto sa'yo.” Akala ko ay babalik siya para samahan ako magsayaw kaso nga lang ay hindi iyon ang inaasahan ko. He held my arms and haul me outside the bar. Hindi na ako kumontra dahil alam ko na kapag siya na ang mainis ay wala akong panlaban. Ngumiti lang ako sa kanya na mas lalong kinainis niya. “Woman. para malaman mo, hindi ako pumunta—“ “I know! I know!” I said, throwing my hands in the air. “Nandito ka lang para magtrabaho pero hello? I want to enjoy my life you know. Unlike you na napaka-manong!” Inirapan ko siya tas nagmartsa na pabalik sa hotel na tinutuluyan ko. Kinabukasan naisipan ko na ma-sunbathing malapit sa pool para mag-relax. Minsan ko na lang ito magagawa 'no. “Yes. This is life.” Usal ko habang nakababad sa sikat ng araw habang nakahiga lounge chair. Mabuti na lang at hindi gaano mainit ngayon araw dahil kung hindi ay baka nagburo ako sa kwarto ko at magbasa ng libro. Ako lang mag-isa ay scratch that dahil sa di kalayuan ay nandoon siya kabilang panig ng pool. Nakaupo sa bench while reading a news paper. Hindi pansin ang alindog ko. Dahil abala ako sa pagtitig kay Cedric ay hindi ko napansin na nakalapit na pala si Ice sa akin. “Max!” “Uh—ha—what?” Max ang parating tinatawag ni Ice sa akin, just like do to her. Ichinandra ang buong pangalan niya pero I prefer to call her Ice dahil mas komportable ako doon. “Tick. Tock. May nahanap ka na naman na hot guys dito at tinitigan buong araw?” Sinundan niya ang direksyon kung saan ako nakatingin. Kinabahan agad ako kasi naman, sekreto lang namin ni Cedric itong tungkol sa bodyguard thingy eh. Ayokong mag-alala sina Ice at Joey sa akin na hindi naman dapat. Mabuti na lang nakaharang 'yong news papers sa mukha ni Cedric kaya hindi makita ni Ice. Bumaling uli siya sa akin, her blue eyes met mine. I smile at her, sheepishly. “Eh ano naman ngayon? Ikaw talaga, Ice, kaya wala kang love life eh.” “Magsalita ang walang love life.” She retorted before her eyes landed on my book that I was holding. “You really disgust me, Max.” Ganyan lang iyan pero sanay na siya sa akin. Nagtataka na tiningnan ko siya tsaka sinulyapan ang libro ko. “Ano naman masama kung basahin ko ito?” I was currently reading the 50 shades book 2. Palibhasa kasi conservative eh. Ay pareho kami pero hindi kagaya niya over na. “Hindi naman iyan ang libro eh. Ikaw.” “Why?” “Kailangan pa bang sagotin ko iyan? Alam mo naman kung anong tinutukoy ko and I am sure, you don’t want someone to hear it especially may mga fans ka.” “Killjoy.” Hindi ko naman tinatago sa kanila na mahilig akong manood at magbasa ng rated-r haha! Although, secret ko lang 'yong may DVD ako niyon. Pero accidentally n’ong pumunta siya sa condo unit ko ay nakita niya 'yon. “Ano nga pala ang ginagawa mo dito? Tapos ka na ba mag-breakfast? Kanina kasi n’ong kumatok ako pero hindi ka sumagot. Umalis ka ba kanina?” Bigla siyang na-tense pero saglita lang 'yon. “Ah iyon? Maaga kasi ako nagising kesa sa'yo kaya naglakad-lakad ako…er…malapit lang dito para magpahangin lang 'di na ako nag-breakfast dahil wala akong gana kanina.” Bigla niya tinaas ang supot na ngayon ko lang napansin na may bitbit siya. Inilabas niya ang ice cream at binuksan 'yon. “Wow! Ang sweet talaga ng best friend ko, sa akin ba iyan?” “Hindi. Akin ito. Bye.” Iyon lang ay iniwan ako pero agad ko siyang pinigilan. “Parang hindi ka kaibigan.” “Kailan pa kita naging kaibigan?” “Noong nasa itlog pa tayo ng tatay natin.” Sagot ko, pigil ang pagtawa. “Pfft! Puro ka kalokohan.” Nilantakan uli niya ang ice cream. Ah! Iniinggit ata niya ako niyan eh. Kumikibot ang mga labi na tumayo na ako sa kinahihigaan. “Penge!” “Ayoko.” Bago pa ako magpumilit ay may inilabas siya, isang transparent tupperware na may laman na strawberry! Saan lupalop niya nabili 'yon?  Tatanongin ko sana siya kaso sinawsaw niya 'yon sa mango flavor ice cream na ikinangiwi ko. “Yuck! Huwag na nga, naderder ka naman Ice eh!” “anong naderder?” “Yucky naman! Ba’t sinawsaw mo iyan strawberry sa ice cream mo? Ew! Penge na lang isa sa strawberry.” Pero hindi pa nga siya nakapag-protesta ay nakakuha na ako ng dalawa imbes isa lang. Masama na tiningnan ako ni Ice pero bago pa niya ako sermonan ay tumakbo na ako palayo sa kanya. Nang makalayo na ako sa kanya ay lumingon uli ako sa direksyon niya. Napapailing na nagmartsa siya pabalik sa hotel. Habang ako naman ay ngingisi na nagpatuloy sa paglalakad patungo kay Cedric na nagka-kape na. “Yoohoo, handsome boy!” Tawag ko sa kanya tas kinain ko 'yong isang strawberry na nasa kamay ko. Hindi niya ako pinansin. Nuknukan talaga ng sungit! Pero dahil ako 'yong tipo na hindi sumusuko hangang hindi mapapansin na isang kagaya ni Cedric Madrigal ay kinulit ko siya. “Anong ginagawa mo? Nagbabasa ka ba ng news paper? Anong binabasa mo? Hey, sagotin mo naman ako!” Wala parin akong nakuhang sagot sa kanya pero as if naman susuko ako. kaya mo ito, Maxine! “Alam mo bang babaho 'yang hininga mo kapag hindi ka magsalita?” “….” “Ano iyan iniinom mo? Black coffee? White coffee?” “….” “Hello? Anybody home?” “Sa isang kagaya mo na sinabing wala ng naramdaman sa akin ay nagpapansin parin.” Napaismid ako. As if naman ipatatapat ko sa kanya ang totoo 'no! “Wala na kaya akong makausap. Alangan naman papanisin ko 'yong laway ko. Haller?” Nagpakawala siya ng buntong hininga. Inalis ang tingin sa news paper tas nag-angat ng tingin sa akin. Pinasadahan pa niya ang suot ko.  “Like mo?” I smirk at him. “N—“ Pero bago pa siya makasagot ay walang babala na isinubo ko 'yong natitirang strawberry sa kanyang bibig. “Hahaha! Ang cu—“ Nagkabuhol ata ang dila ko dahil matalim na tiningnan niya ako. So instead of continuing what I was going to say, I only pouted my lips. “Huwag mo sagarin ang pasensya ko, woman.” “Oo na. Oo na. Titigil na po. Nga pala, nandito ka naman ay samahan mo ako, gusto ko mag-scuba diving.” Author's Note: >_< Nagdadalawang isip parin ako kung si Marlon Teixeira ba ang gagawing cast as Cedric. Ang wafu kasi eh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD