Chapter 17 Matapos kong mag-jet ski ay napagdecision ko na tumigil na, nakakaumay na din kasi na maglaro na nag-iisa. Oo. Ako lang mag-isa. Wala daw kasi siyang hilig sa jet ski kaya doon na lang siya sa ilalim ng coconut tree, nakaupo at nagbasa ng news paper. Bago ako lumapit sa kanya ay kinuha ko muna sa loob ng gusali ang oversize shirt na binili ko doon. Oo. Maliban sa nag-offer ang mga ito ng iba’t ibang activities ay meron din silang swimsuit o damit na binibinta. Napaka-convenient 'no? Pero ang weird naman ng lugar na ito, ba’t nagtitinda sila ng damit eh wala naman halos katao-tao dito maliban na lang sa mga trainee at mga kliyente na kagaya ko. Pagkatapos kong isuot iyong shirt ay lumabas uli ako at lumapit na kay Cedric. “Hi, Papa Cedric!” Inalis niya ang mata niya sa dyaryo