Chapter 16 "Seirra, anong ginagawa mo dito?" Yup. Si Seirra ang nasa labas at hindi si Cedric. Tsk! "Napadaan lang." Maikling sagot niya. She let herself in kahit na hindi ko siya pinapasok sa loob. And wait, napadaan lang? Sa ganitong oras at lugar? She was still wearing her white tight suit with matching gloves and boots. Nagtataka na tiningnan ko siya matapos isara ang pinto at sumunod sa kanya. "Bakit?" For sure, malayo-layo ang bahay na tinutuluyan niya kaya sigurado ako na hindi lang siya napadaan dito na basta lang. "Hindi rin ako magtatagal dito." She sat on the stool. Nagde-quartro siya. "Ano ba ang kailangan mo sa akin, Seirra? Pwede bang deretsahin mo na ako, hindi iyong magpaligoy-ligoy ka." "Hindi naman ako nagpaligoy sa'yo, Ms. El' Greco, and the reason I came here bec