Chapter 18 Masamang nakatingin siya sa akin bago tumayo at malalaking hakbang na lumayo sa akin. Hala, patay! Napa-sobra ata ako. Daling-dali na tumayo na din ako, medyo nanlalambot pa ang binti ko pero binaliwala ko na lang at sinundan siya. “Teka lang, Ceddy! Sorry! Nagbibiro lang naman ako kanina eh!” Dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko napansin na wala pala akong suot na tsinelas kaya napangiwi ako nang maradaman ko na tumusok ang mga maliit na bato sa paa ko. Naman! Hinagilap nang paningin ko ang tsinelas ko, nakita ko naman, lumulutang sa tubig. Binalik ko ang tingin sa papalayong si Cedric. Mukhang galit na galit siya sa akin. Agh! Ang galing mo talaga, Maximilliana! Just GREAT! Parang gusto kong sabunutan ang sarili ko. If I know nay better na ganito ang kahantong ay sana hindi