06

2602 Words
Chapter 06 3rd Person's POV Binuklat ni Valkyrie ang libro. Doon nakita niya ang mga pangalan ng mga dumaan na hari at reyna. Mga ilang libong panunungkulan ng mga ito. Nagawa at ilan mga naging anak. Masyado luma ang libro na iyon at detelyado para maging kasinungalingan lamang. Malayo ang mga nakasaad sa libro na iyon ang mga salitang sinaksak sa isipan nila ng ama. Napahawak ng mahigpit si Valkyrie sa libro. "Ano nga ba ang totoo." Napatigil si Valkyrie noong magbukas ang pinto. May batang tumatakbo ang pumasok at nakita niya na nagtago sa mga book shelves. "Tiara! Huwag—" Nanlaki ang mata ng isa ss mga tagapaglingkod na pumasok. Bagong mukha iyon. Agad na lumuhod ang tagapaglingkod habang nasa pinto at humingi ng tawad sa kalapastanganan niya. Takot na takot ito. Nakita ng babae ang mukha ng konsorte. "Anong ginagawa mo tagapaglingkod!" Hinila ng mga kawal ang babae. Napatigil si Valkyrie. Naiyak ang babae sinabing pumasok sa silid na iyon ang anak niya. "Mama!" Lumabas ang batang babae at yumakap sa hita ng ina. Sinabing huwag hawakan ang kaniyang ina. Huwag ito kainin. "Bitawan niyo sila." Kumunot ang noo ni Valkyrie. Sigurado siya hindi lobo o bampira ang mag-ina. "Hindi kayo mga lobo o bampira. Anong uri kayong nilalang?" Mabango ang amoy ng mag-ina. Hindi niya maipaliwanag. Niyakap ng ginang ang anak at sinabing mga ordinaryo lamang silang mga tao at nanggaling sa kabilang bayan. Dumating si Karren. Nagulat ang babae matapos makita ang tagapaglingkod sa labas ng silid kung nasaan ang korte. Napatayo si Valkyrie at hindi nagawa makapagsalita. Pinaalis ni Karren ang mag-ina matapos magbigay galang ang tagapaglingkod. Napatingin si Karren. Agad na lumapit si Karren matapos makita na namumutla si Valkyrie. "Mahal na konsorte anong nangyari?" Naitungkod ni Valkyrie ang dalawang braso sa lamesa. "Mga tao? May mga tao sa kaharian na ito?" Parang sasabog ang dibdib ni Valkyrie matapos marinig ang salitang tao. Inalalayan ng tagapaglingkod si Valkyrie. Tumingin si Valkyrie at tiningnan si Karren. Parang naghihintay ito sa mga susunod na sasabihin ng babae. "May isang bayan sa castelliona na lahat ay mga tao. Doon ay pinoprotektahan sila ng ating kaharian para hindi tuluyan mawala ang kanilang lahi." Napaupo si Valkyrie. Doon nakumpirma ni Valkyrie na wala sa sinabi ng ama niya ang totoo. "Ngunit sabi ng ama ko. Pinapatay niyo lahat ng tao." Napatigil si Karren at bumuga ng hangin. Sinabi ni Karren na wala iyong katotohanan. "Ngunit hindi ko sinasabing inosente lahat ng lobo ukol doon." Napatingin si Valkyrie. Sinabi ni Karren na sa kaharian nila lang may tinatanggap na mga tao. "Likas na magkakaaway ang mga lobo, bampira at tao ngunit— ang reyna at ang namayapa na hari. Iba ang kanilang pananaw at nais." "Gumawa ng isang organisasyon ang hari para sa mga tao at noong ang reyna naman ang namuno. Gumawa siya ng isang bayan para lamang sa mga tao. Doon namumuhay ng tahimik ang mga tao, nagtatanim, nagtatrabaho, nagbibigay ng kanilang buwis sa kaharian katulad ng ginagawa ng mga lobo at ilang materials." Akala ni Valkyrie totoong wala ng mga tao sa mundo na iyon. Nag-aalalang tinanong ni Karren si Valkyrie kung ayos lang ba ang konsorte. Sinabi ni Valkyrie na nais niya muna mapag-isa. Agad na yumuko si Karen kahit medyo naguguluhan bakit ganoon na lang ang reaksyon ng konsorte ay umalis ang babae at sinabihan ang ilang tagapaglingkod at kawal na huwag aabalahin ang konsorte. Isang half blood si Valkyrie. Kalahating tao at bampira. Nalaman niya lang ang katotohanan na iyon noong tangkain siya patayin ng mga inaakala niya na tunay na kapatid. Sinabi ng mga ito na may dugo siya na tao at hindi sila ang tunay na pamilya ni Valkyrie. Hinawakan ni Valkyrie ang ulo. Gusto niya puntahan ang lugar na iyon— baka magkataon na may nakakakilala sa kaniyang ina at ama. "Ngunit— anong itatanong ko? Hindi ko alam ang pangalan nila at ni wangis nila ay hindi ko maalala." Napatigil si Valkyrie noong makarinig siya ng komusyon. Tumayo si Valkyrie at lumapit sa balkonahe. Doon nakita niya ang ilang mga kawal at may kinakaladkad na tao. Tagapaglingkod iyon. Sumisigaw ang lalaki sinasabi na mali ang iniisip ng mga kawal. Wala siyang masamang balak sa konsorte. Napataas ng kilay si Valkyrie. Naalala niya ang tao na iyon ang tumulong sa kaniya makatakas sa palasyo noong araw din na kaarawan ng konsorte na si Koa. Naging dahilan iyon para mahatid ang atensyon ng mga kawal sa pagbabantay sa palasyo at paghahanap kay Valkyrie. Kinausap ni Valkyrie si Karen. Doon nahuli nga ng mga kawal ang sinasabing may balak na masama sa prinsipe na pagala-gala sa palasyo at may nakuha na nakakalason na kasangkapan sa mga gamit ng estranghero. Biglang nagduda si Valkyrie. Nakakapanghila na agad nahuli ang salarin. "Nakausap ko ang ilang maid sa palasyo ng konsorte. May kumakalat na balita doon na may mga tao daw nagbibigay ng death threat sa konsorte at nagpapadala ng mga patay na hayop at puting bulaklak." Lumingon si Valkyrie. Napakamot sa ulo si Karren at humingi ng tawad dahil sa bigla niyang pagsasalita. Ngumiti si Valkyrie at sinabing ayos lang iyon. Inutos ni Valkyrie kay Karren na ipagpatuloy ang sinasabi nito about sa mga usapan sa palasyo ni Koa. "May isang nilalang na interesado sa konsorte." Napatingin si Karren. Sinabi ni Valkyrie na hindi iyon death threat. Maaring sa mga lobo ay ibig sabihin ng pagpapadala ng mga bulaklak at mga patay na hayop ay may nais ng mga ito mamatay ang pinagdalhan ngunit iba ibig sabihin noon sa iba pang uri ng nilalang. "Isang dwende?" Sinabi ni Valkyrie na nabasa ang libro about sa mga dwende sa library. Binasa niya kasi mga iba't ibang tradition, batas at paniniwala ng iba't ibang lahi para mas maintindihan iyon. Ipinaliwanag ni Valkyrie na paraan iyon ng mga dwende para ipakita ang paghanga sa isang nilalang na napupusuan nila. Hindi maganda ibig sabihin ng mga patay na hayop na ipapadala sa palasyo at mga puting bulaklak lalo na kung ipapadala iyon sa isang lobo. "Magandang hapon mahal na konsorte." Bumati si Valkyrie. Agad na gumusot ang mukha ni Koa at tinanong kung anong nais nito. Nagkasalubong lang naman sila at binati siya ni Valkyrie. Nangingitim ang ilalim ng mga mata ni Koa at halatang wala itong maayos na tulog. "Hmm, masama ka na ba ngayon batiin?" Nakangiti si Valkyrie. Sumalubong ang kilay ni Koa. Nilampasan niya si Valkyrie. "Mahal na konsorte. Huwag ka magsisindi ng insenso bago matulog at mas mabuti na huwag ka na magpatay ng ilaw." Hindi pinansin ni Koa ang sinabi ni Valkyrie. Nagbulungan ang mga tagapaglingkod na kasama ng konsorte sinabing nababaliw na naman ang bampira na iyon. Sa susunod na araw ay kaarawan na ng konsorte kaya naman busy ang lahat habang si Koa ay nagsisimula ng mawala sa sarili dahil sa antok. Hindi siya nakakatulog tuwing gabi dahil sa ingay at pagkabahala. "Mahal magpahinga na kayo at akin na papatayin ang ilaw." Ilan sa mga tagapaglingkod ay nagsisindi na ng insenso. Noong makita iyon ni Koa ay inutusan niya ang mga ito na huwag ng magsindi noon dahil hindi din naman iyon nakakatulong para makatulog siya. "Ngunit mahal na konsorte. Ang insenso ay—" Isa sa mga tagapaglingkod ang umapila. Sumalubong ang kilay ni Koa. Kusang lumaki ang mga braso nito at walang pagdadalawang isip na hinati sa dalawa ang babae. Wala sa mga tagapaglingkod ang nagsalita at nanatili lamang ang mga ito na nakayuko. Hindi alam ni Koa na noong gabi na iyon ay nakatulog siya. Wala siyang narinig na mga ingay at mga bulungan. Noong umaga pinasuri ni Koa ang mga insenso at pinatingin ang buong silid. Naalala niya ang sinabi ni Valkyrie kaya noong umaga na iyon ay pumunta siya sa palasyo ni Valkyrie. Galit na galit ito at pinagbintangan si Valkyrie. Napataas ng kilay si Valkyrie at tinanong kung may pruweba si Koa na siya ang nagpapadala ng insenso. Umuusok ang ilong ni Koa at sinabing nakikita ng mga tagapaglingkod at kawal niya na nasa palasyo niya si Karren. Nakaupo si Valkyrie sa harap ng table at bahagyang tumingin kay Karren. Agad na yumuko ang babae bilang respeto. "Sinasabi mo ba na inutusan ko si Karren na saktan ang isa sa mga konsorte ng reyna?" tanong ni Valkyrie. Kalmadong sumimsim si Valkyrie sa tasa na nasa harapan niya. Napatigil si Koa. Masyado kalmado si Valkyrie. Tila nag-ibang tao ang lalaking nasa harapan niya parang hindi na ito iyong bampira na mukhang anytime sasabog. Honestly, natatakot si Koa dito dahil nga kakaiba din ang lakas ni Valkyrie at masyadong delikado ang mga bampira ngunit dala ng galit at pagkabahala ay napasugod siya doon para komprontahin ang bampira. "Galing siya sa red note palace. Tumatanggap ng utos direkta galing sa reyna." Napatigil si Koa at tiningnan ang head maid na nasa likod niya. Nakayuko ang babae. "Bumalik ka na sa iyong palasyo mahal na konsorte dahil mukhang may malakas na ulan ang darating." "Hindi pa tayo tapos. Sinabi mo ng araw na iyon na huwag ako magsisindi ng insenso at magpapatay ng ilaw. Kagabi hindi ko pinasindihan ang insenso at pinasuri ko ngayong umaga ang insenso. May lason iyon na pa unti-unting sinisira ang kaisipan ng mae-expose sa insenso." "Paano mo nalaman iyon?" Salubong ang kilay ni Koa. Tumayo si Valkyrie kaya naalarma ang mga kawal ni Koa. Umisang hakbang si Koa dahil sa takot na maaring atakihin na lang siya ni Valkyrie. "Half mermaid ang ina mo hindi ba? Ang insenso na gawa sa white lotus ay nakakamatay para sa mga nilalang na may dugo na mermaid." Napatigil si Koa. Sinabi ni Koa na matagal ng nagsisindi ng insenso ang mga maid niya sa room niya at walang epekto iyon sa kaniya. "Alam mo ba pagkakaiba-iba ng mga insenso at alam mo ba kung anong mga klaseng insenso ang pinapasok nila sa room mo?" Matalas ang pang-amoy ng mga lobo ngunit iba si Koa. Bukod sa nagagawa nitong baguhin ang mga braso nito katulad ng mga kamay ng isang lobo ay wala ng special pa sa konsorte. "For sure alam ng head maid mo iyon. Nakakapagtaka na hindi siya nagre-react na nagbago ang amoy ng insenso sa room mo." Napatigil ang head maid at napatingin si Koa. Tumalikod si Valkyrie at naglakad na palayo. Sinundan siya ni Karren at ilan pang tagapaglingkod ni Valkyrie. "Mahal na konsorte balak niyo ba magsanay ngayong araw?" Sinusuklayan ni Karren ng buhok si Valkyrie sa harap ng salamin. Sinabi ni Valkyrie na susulat siya sa reyna then nais niya muling pumunta sa library. Sinabi ni Valkyrie na ayaw niya palaging lumabas sa palasyo dahil siguradong maraming maghihinala at mapupunta si Karen sa alanganin. Kahit binigyan ng reyna si Valkyrie ng kalayaan ay hindi inaabuso iyon ng lalaki. Marami pa din ang tao na ayaw kay Valkyrie at mapaalis siya ng palasyo. Isa na doon ang mga taong nasa paligid ng reyna. Napangiti na lang si Karren. Araw-araw kasi sumusulat si Valkyrie sa reyna. Pinababasa naman iyon ni Valkyrie kay Karren at hinahayaan si Karren na personal na magdala 'non sa mensahero ng palasyo. Matapos lagyan ng selyo ay inabot na ng konsorte iyon kay Karren. Inutusan din ni Valkyrie si Karen na kung maari ay pagbalik ni Karren ay magdala si Karren ng maiinom. Tumango lang ang tagapaglingkod at yumuko. Nanatili si Valkyrie sa kaniyang silid at nagbasa-basa ng mga libro na nandoon. "Mahal na konsorte!" Napatigil si Valkyrie noong bumukas ang pinto. Agad na lumuhod ang isa sa mga tagapaglingkod at sinabing pinatatawag ang lahat sa bulwagan. May nangyari na hindi maganda sa hardin ng katotohanan. Nagtaka si Valkyrie. Napasapo si Valkyrie sa noo— isa siyang bampira ngunit isa siya sa mga konsorte ng reyna. Bumuga ng hangin si Valkyrie at tumayo. Sinabing ayusan siya agad at tutungo sila sa bulwagan. — Nagkakagulo ang mga tao doon dahil sa hindi alam na dahilan ay biglang nag-apoy ang puno. Kahit mga konsorte doon ay mga kinakabahan at ilang mga opisyales. Napataas ng kilay si Valkyrie pagpunta niya doon. Lahat ay naalarma dahil hindi nila alam ang gagawin. "Anong nangyayari?" Dumating din si Koa. Nagkabanggan pa nga si Valkyrie at Koa dahil nagmamadali din si Koa noong pumunta doon matapos malaman ang nangyari. Nagkatitigan ang dalawa. Agad na umismid si Koa na kina-pokerface ni Valkyrie. Medyo lumayo si Koa ngunit hindi ito umalis kung nasaan si Valkyrie para lumapit sa mga konsorte na kasalukuyang mga nagtatalo-talo. Nandoon daw kasi ang ilang mga konsorte noong nangyari iyon at nagsisihan ang mga ito. "Mas mabuti na tumawag kayo ng priest dahil mas may alam sila sa gagawin." Nagkakagulo pa din at sobrang ingay. Nainis si Valkyrie at— Na-shock si Koa noong sinuntok ni Valkyrie ang napakalaking paso at nagkadurog-durog iyon. Lumikha iyon ng malakas na ingay dahilan para mapunta sa kaniya lahat ng atensyon. "Tawagin niyo ang priest!" Sa takot ay agad na umalis ang ilang opisyales. Nanlalaki naman ang mga mata ni Koa na nakatingin kay Valkyrie na kasalukuyang pula ang mga mata at nakatingin sa mga tao na nandoon. Katulad ng inaasahan ni Valkyrie kapag wala ang reyna sa palasyo lusaw ang mga tao doon. Saktong dumating si Hakken kasama ang napakarami nitong kawal at tagapaglingkod. "Lumapit ka dito Kane." Agad na nawalan ng kulay ang mukha ni Kane. Ang pang-apat sa mga konsorte. Natatakot na lumapit si Kane. Napatigil si Valkyrie noong sampalin ni Hakken si Kane dahilan para matumba ang lalaki sa sahig. "Hindi ba pinagbabawal ang pagpunta sa hardin ng katotohanan lalo na para sa mga tao na tulad mo." Sinabi ni Kane na tinatawag siya ng puno kaya siya pumunta doon. Sumigaw ang lalaki at sinabing sino maniniwalang tatawagin ng puno ang isang hamak na mababang uri ng nilalang na katulad ni Kane. Nakahawak si Kane sa mukha habang nakayuko. Nanatiling nakatingin lang ang lahat. Noong sasaktan ni Hakken muli si Kane ay nagulat ang lahat noong makita na nasa likod ng tagapaglingkod ni Kane si Valkyrie at humagis ito sa tagapaglingkod ni Hakken. Ang bilis ng mga pangyayari. Sumalubong ang kilay ni Hakken at tinanong kung anong ginagawa ni Valkyrie. "Dinidisiplina ang mga tagapaglingkod niyo para sa inyo." Napatigil ang mga ito. Ngumiti si Valkyrie sinabing ipagpatuloy lang ni Hakken at Kane ginagawa nila. Inilabas ni Valkyrie ang mga kuko niya. Agad naman nawalan ng kulay ang mukha ng mga tagapaglingkod. Maaring mas malakas sila kay Valkyrie ngunit pupulbusin sila ng reyna kapag nagasgasan nila ni dulo ng buhok ng konsorte. "Alam mo ba kung anong ginagawa mo!" Nagalit si Hakken. Ngumiti si Valkyrie at binalik ang tanong kung alak ni Hakken ang ginagawa niya. "Wala kang karapatan na lagyan ng marka o gasgasan ang pagmamay-ari ng reyna." Sinabi ni Valkyrie na isa iyon sa batas ng palasyo. Ngumiti ng matamis si Valkyrie at sinabing walang kwenta ang tagapaglingkod ni Hakken at Kane mas magandang tapusin niya na ang mga ito. "Isang gabi ko lang kasama ang reyna for sure mapapatawad niya na ako. Ano sa tingin mo? Consort Hakken?" Naggitgit si Hakken. Noong mukhang may balak na ni Hakken gamitan ng kapangyarihan si Valkyrie ay humarang si Karren at ganoon din ang mga kawal. "Paumanhin mahal na konsorte ngunit hindi namin hahayaan na saktan niyo ang konsorte." "Then magsama-sama kayo!" May lumabas na itim na marka sa mga palad ni Hakken ngunit dumating ang mga priest. Napatigil ang mga tao na nasa loob ng bulwagan. "Mahal na priest." Kumaway si Valkyrie na parang walang nangyari. Napatigil ang mga priest dahil sa bigat ng atmosphere sa loob ng bulwagan. "Maari niyo bang ipaliwanag kung anong nangyayari dito."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD