05

1193 Words
Chapter 05 3rd Person's POV "Anong meron?" Naglalakad lakad si Valkyrie sa palasyo noong nakita niya na nagkalat ang mga tagapaglingkod at mga kawal. Busy ang mga ito "Ayon sa narinig ko sa usapan ng mga tagapaglingkod pinaghahandaan ngayon nga palasyo ang nalalapit na kaarawan ng pangalo na konsorte na si Koa." Napatigil si Valkyrie. Humarap si Valkyrie at tinanong si Karren kung kailan iyon. Nagtaka si Karren dahil biglang naging balisa ang konsorte matapos marinig ang tungkol sa darating na pagdiriwang. Imbis ipagpatuloy ni Valkyrie ang nais na pagpapahangin ay bumalik si Valkyrie sa kaniyang silid. Nakasunod lamang si Karren. "Karren nasaan ang reyna?" tanong ni Valkyrie habang nakaupo sa gilid ng kama. "Naglalakbay ngayon ang reyna kasama ang ibang kawal para dumalo sa pagtitipon sa north." Nakagat ni Valkyrie ang kuko. Si Koa ay anak ng kapitan na nagbabantay sa boundary ng kaharian at kaisa-isang prinsipe na galing sa east. Kaibigan matalik ng dating hari ng castelliona ang ama ni Koa ngunit dahil sa isang aksidente namatay ang konsorte at magiging dahilan iyon sa gitgitan ng dalawang palasyo. Nabigo ang reyna na protektahan si Koa katulad ng pinangako nito sa pamilya ni Koa. Namatay ang konsorte sa araw mismo ng kaarawan nito habang wala ang reyna. Hindi lang alam ni Valkyrie kung anong dahilan ng pagkamatay ni Koa since ng araw na din iyon ay kinuha niya ang pagkakataon para umalis ng palasyo. Nalaman niya lang namatay ang konsorte noong nahuli siya ng mga kawal at binalik muli sa kaharian. "Karren, maari ba kita mautusan?" Napatigil si Karren. Agad na lumuhod so Karren at sinabing anong maipaglilingkod niya sa konsorte. "Bantayan mo maigi si Koa." Napatigil si Karren at napaangat ng tingin. Tinanong ni Karren kung anong binabalak ng konsorte. "Masama lamang ang aking kutob. Wala ngayon ang reyna." May pagtatakha sa mukha ni Karren ngunit tinanggap niya ang utos ng konsorte kahit hindi iyon gaanong malinaw. — Noong umaga agad na lumiwanag ang mukha ni Valkyrie matapos may matanggap na sulat at makuha ang pinagawa niyang sandata galing sa bayan. "Mahal na konsorte?" Tiningnan ni Valkyrie si Karren at binigay dito ang sulat na natanggap niya. "Pumayag ang nais ko maging guro galing sa bayan. Tuturuan niya ako gumamit nitong sandata na napili ko." Tumayo si Valkyrie mula sa pagkakaupo at tingnan anv whip na siyang napili niya at ang handle nito. "Hindi ko maintindihan mahal na konsorte kilala mo ba ang tao na ito at bakit ganiyang sandata ang iyong napili." Inimbistigahan ni Karren ng palihin ang guro na nais ni Valkyrie para turuan itong gumamit ng sandta sa utos na din ng reyna. Walang gaanong espesyal sa taong iyon maliban sa nanggaling din ito sa pumapangalawang unibersidad sa kaharian na iyon. Sigurado din si Karren na hindi pa ni Valkyrie nakikita ang tao na iyon o nagkatagpo ang mga ito minsan. Tumalikod si Valkyrie at tiningnan mula sa veranda ang napakalawak na kaharian. Tinanggap ng unang naging guro niya ang imbitasyon para turuan siya pagkatapos ng ilang liham na pinadala niya dito. Ang taong iyon ang tumulong sa kaniya, nagpamulat ng mga mata niya at hindi sumuko na gabayan siya. Sobrang laki ng utang na loob niya sa tao na iyon. Tiningnan niya ang sandata niya. Walang iba si Valkyrie na nais kung hindi ang itama lahat ng pagkakamali niya at protektahan ang mga bagay na hindi niya naprotektahan noong huling buhay niya. Nabulag siya sa pekeng pagmamahal at nagpaloko sa mga taong akala niya kakampi niya. Hinawakan niya ng mahigpit ang handle. "Hindi ko na hahayaang maulit pa ang lahat ng pagkakamali ko." Nasa library si Valkyrie kasama ang ilang tagapaglingkod at kawal. Sa mga pagkakataon na iyon marunong na siya magbasa dahil katulad nga ng mga komento ng kaniyang mga nagiging guro ay lubhang mabilis siya matuto. Wala siyang naging pagkakataon para makapag-aral kaya noong nagkaroon siya ng pagkakataon sa panahon na iyon ay nais ni Valkyrie na matuto pa lalo na kaalaman tungkol sa mga lobo. Tiningnan niya ang libro. Luma na iyon at mahahala mong matagal na talaga ang libro na iyon. Tiningnan niya ang paligid ng library. Nagtataka siya dahil natagpuan niya ang mga libro na iyon sa pinakadulo ng library at tago iyon. "Anong problema mahal na konsorte? May nais ka bang basahin? Hayaan niyong ako na ang maghanap." Sinabi ni Valkyrie na nahanap niya na ang nais niya basahin. "Nagtataka lamang ako sa pagkakaayos ng library na ito." Nagtataka si Valkyrie dahil may ganitong libro sa kaharian na iyon kung ang kaharian na iyon ay sa mga bampira talaga. "May libro ng mga lobo dito at nasa mga tagong lugar ito at nasa pinakamataas na bahagi." Ang silid aklatan sa kaharian na iyon ay maikukumpara ang laki sa dalawang palasyo at puno ang mga ito ng libro. "Siguro dahil hindi na pinag-tuunan ng pansin ng mga angkan ng bampira na alisin lahat ng libro sa silid aklatan na ito noong nakuha nila ang kaharian na ito sa dating hari." Napatigil si Valkyrie at napatanong kung anong ibig sabihin ni Karren. Napatigil si Karren then tinanong si Valkyrie kung hindi nito alam na orihinal na ang kaharian na iyon ay para sa mga lobo. "Masyado naging makasarili ang nga bampira at nais na sakupin ang malalaking kaharian sa mundo natin na ito." "Nagtraydor sila sa dating hari at sinira ang kasunduan para sa kapayapaan." Inulit ni Valkyrie ang salitang kapayapaan. Meron pa lang ganoon sa kanilang kasaysayan sa pagitan ng lobo at mga bampira. "Ngunit ayon sa nabasa kong libro noong nakaraan ang mga lobo ang gustong ubusin ang angkan ng mga bampira para sila ang maging makapangyarihan sa mundo na ito." Patuloy ang labanan ng mga bampira at lobo at pag-aagawan ng mga teritoryo. Tiningnan ni Karren si Valkyrie. Naiintindihan ng tagapaglingkod na walang alam si Valkyrie at hindi sinabi ng mga bampira ang totoo kay Valkyrie. Ayon sa nakalap na impormasyon ni Karren tungkol sa mga bampira. Kalahati sa bilang ng mga bampira hindi marunong magbasa at sumusunod lamang ang mga ito sa mas malakas sa kanila. Kahit pa sa panahon na iyon ay mga libro at nakasaad sa kasulatan ang buong kasaysayan wala sa mga bampira ang nakakaalam kung tama ba o mali ang kanilang ginagawa. Walang batas. "Karren!" Napatigil si Valkyrie at Karren. Lumingon ang dalawa. Kumunot ang noo ni Karren noong may dalawang babae nag lumapit at parehong nagulat noong nakita ang konsorte. Agad na lumuhod ang dalawa at humingi ng tawad. Takot na takot ang dalawa. "Tumayo kayo." Napatingin ang dalawa na nanginginig sa pag-aakalang sasaktan sila ni Valkyrie dahil sa kalapastanganan nila. Agad na tumayo ang dalawa at yumuko. Kalat sa buong kaharian ang pagiging bayolente ng bagong konsorte. "Karren lumabas ka na muna at kausapin ang dalawang tagapaglingkod. Mukhang may kailangan sila sa iyo. Dito muna ako at magbabasa." Yumuko si Karren at nagbigay ng respeto sa konsorte. Ganoon din ang ginawa ng dalawa at nagpasalamat. Tumango lang si Valkyrie at ipinako muli ang tingin sa libro. Noong nakalabas na sina Karren at pasara na ang pinto ng library bahagyang tumingin doon si Valkyrie. Ang dalawang iyon ay tagapaglingkod ng konsorte na si Koa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD