Chapter 07 3rd Person's POV Namangha si Valkyrie matapos makita ang puno. Bukod kasi sa napakalaki noon ay may mga kulay ginto din na mga dahon. Nagtaka si Valkyrie dahil malinaw na nasusunog ito ngunit hindi ito natutupok ng apoy. "Muling nagbigay ng hudyat ang puno. Masama pangitain hindi lang sa palasyo kung hindi sa buong mundo." Napakalaki ng apoy na iyon. Sinabi ng priest na binibigyan sila ng babala ng mga diyos. May mangyayari na digmaan. Isang napakalaking digmaan. Napatigil si Valkyrie at agad na nagbago ang expression. Marami ang natakot ang iba naman ay nag-alala. "Kung kailan wala ang reyna tiyaka nangyayari ang mga ganitong kaguluhan." Hinawakan ni Koa ang isang braso. Kaarawan ni Koa at dahil sa balitang iyon ay kinailangan ng mga magulang niya na umalis muli para