Chapter 36 Itinaas ni Valkyrie ang hood matapos ibaba ang prinsesa. Nanlalaki ang mata ni Hari habang nakatingin sa ina na ngayon ay gamit ang kapangyarihan ay pinu-purify ang mga kaluluwang nagkalat sa buong palasyo. "Hari!" May patungo sa direksyon ng batang babae. Mukhang nawala na sa kontrol ang mga kaluluwa dahil sa reyna. Humarang si Valkyrie at ginamitan ito ng kapangyarihan. Tumagos lang iyon sa kaluluwa— nakagat si Valkyrie matapos protekstahan ang batang prinsesa. Agad din naglaho ang kaluluwa matapos magpakawala ng malakas na kapangyarihan ang reyna para maglaho ito. "Papa!" Sinabi ni Valkyrie na ayos lang siya. Maliit na sugat lang iyon. Agad na lumapit ang reyna at hinawakan ang braso ni Valkyrie. "Anong ayos dumudugo braso mo!" Pinunit ng reyna ang sleeves ni V