Chapter 37 Lumipas ang dalawang araw. Kasalukuyang walang gaanong bantay ng araw na iyon sa basement dahil kasalukuyang naghahanda ang lahat para sa darating na pagdiriwang sa pagsilang ng reyna sa unang prinsesa. Bumukas ang rehas at pumasok ang isang lalaki. May suot ito na itim na hood— nanlalabo ang paningin na pinako ni Valkyrie ang tingin sa lalaki. Gamit ang patalim ng lalaki sinira nito ang kadena. Bumagsak si Valkyrie sa sahig. "Kung sinakripisyo ng reyna ang buhay niya para sa iyo— hindi ka lang ordinaryong nilalang," ani ni Leonard at nakatingin sa bakas sa leeg ni Valkyrie. Sigurado siyang may nakalagay sa leeg ng bampira at tinatago iyon ng bampira. Hinagis ng lalaki ang hawak na whip at tumalikod. "Lumabas ka 'man o hindi. It's up to you. " Lumabas ang lalaki ng