Chapter 35 3rd Person's POV "Ama," bulong ng batang si Messiah. Nakaupo ngayon ang bata sa bench na nasa ilalim ng puno. Niyakap ng bata ang sarili. Ang daming what if sa isip ng bata at isa na doon ay paano kung hindi na bumalik ang ama. Umihip ang mainit at may kalakasan na hangin. Napaangat ng ulo si Moren na nasa itaas ng puno. Tiningnan ang bata ngayon ay nakaupo sa bench. "Mahal na prinsipe." Bumaba ang ahas at gumapang palapit sa prinsipe. Pinuluputan nito ang prinsipe— bahagyang minulat ng batang lalaki ang mga mata. "Babalik ang duke. Hindi ka niya iiwan— bukod sa reyna ang mga anak niya ang huli niyang tatalikuran." Binaba ni Messiah ang mga kamay at niyakap ang ahas. Ayaw na ng bata maging mag-isa. Naiintindihan ni Moren kung bakit ganito na lang ang takot ng bata.