Chapter 27 "Ama, maari ba ako muling pumunta sa bayan?" Nagpapaalam ngayon si Messiah. Bahagyang napatingin si Valkyrie at tinanong ang prinsipe kung saan ito pupunta. "Nais ko lamang gumala ama. Nais ko din bumili ng mga nais ko na libro at pumunta sa paborito nating dessert shop." Lumapit ang bata at humawak sa braso ng ama. Tinanong ito kung maari siya pumunta doon kasama si Tyron. "Sige pero mag-iingat ka at bago dumilim ay dapat nakauwi ka na." Natuwa ang bata dahil pumayag muli ang ama niya. Binago ni Messiah ang kulay ng buhok at eye color ng batang lalaki. "Kailangan mo ba ng pera?" tanong ni Valkyrie. Palabas na ahg bata ng opisina. "Meron pa ako pocket money ama iyong binigay niyo sa akin kahapon." Matapos magpaalam ng prinsipe ay sinara na nito ang pinto at natutuwa