Chapter 28 Sa pagsapit ng kadiliman— sa saktong kabilugan ng buwan ay may isang lalaki ang naglalakad palapit sa mirror bed kung saan kasalukuyang natutulog ang reyna. Dahan-dahan nito binaba ang suot na hood at matamang tiningnan ang napakagandang babae na makahiga doon at napapalibutan ng magagandang bulaklak. "Hindi ka pa ba nagsasawang matulog mahal kong reyna?" bulong ng lalaki. Huminto ito sa gilid ng kama. Maya-maya lang ay lumabas ang ahas mula sa ilalim ng kama at tiningnan si Valkyrie. "Hindi pa din ba magigising ang reyna?" tanong ng ahas. Sinabi ni Valkyrie na ilang buwan pa. Hinawakan niya ang pisngi ng reyna at mula sa mga palad niya ay lumabas ang liwanag. Binalutan noon ang katawan ng reyna. "Dati naiinis ako tuwing kabilugan ng buwan. Nawawala ang pakiramdam a