Chapter 26 Hapunan ng oras na iyon. Tumungo ako sa dining area at nakita ko na doon si Messiah. May puting buhok at asul na mga mata. Tumayo agad ito matapos ako makita. "Ama," ani ni Messiah. Ngumiti lang ako at sinabing umupo na ito. Humila ako ng upuan sa dulo ng table at kung saan malapit ang batang si Messiah. Tiningnan ko mabuti si Messiah na ngayon ay tinitingnan ang isang bowl ng sabaw. Nagtaka ako. "May problema ba Messiah?" tanong ko. Hinawakan ni Messiah ang pisngi niya then tinanong ako. "Ama weird ba ang hitsyura ko? Kakaiba ba ako?" Nagtaka ako bakit naitanong iyon ni Messiah. "Bakit mo naitanong iyan?" tanong ko. Tinanong ni Messiah bakit kailangan ko itago ang eye color at buhok niya. "Dahil ba blue ang mga mata ko at puti buhok ko? Panget ba ako ama?" tanon